Chapter 02

156 7 0
                                    

( Stacey's POV )

"Bakit hanggang ngayon hindi parin sya nagigising??" -Flynn.

"Batuhin mo ba naman ng bola eh!" Narinig kong boses ni Kean.

"Hindi ko nga sabe---" -Flynn.

"Tsk! Ang sama mo!! Kawawa naman si Stacey." Boses yon ni Charles.

"Teka guys gising na sya." Si Bryan.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Tumambad saakin ang mga nagga-gwapuhang nilalang.

"Nasa langit na ba ako??" Parang anghel ang mga nakapalibot saakin.

"Pfft! WAHAHAHAHAHAHA!!"

Biglang tumawa yung demonyo. Sino pa nga ba edi si Flynn the monkey monster!

Tsk! Sabe ko nga wala ako sa langit😑

Teka! Bakit andito sya sa kwarto ko?! I mean.. silang lahat andito sa kwarto ko?! O.O

"Buti naman at nagising kana." Lumapit saakin si kuya.

"Kuya ano bang nangyari---aray!" Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit.

"Huwag ka muna kasing gumalaw." Suway saakin ni Liam.. nagulat pa ako ng bigla itong lumapit saakin.

Omo! Kinikilig na naman ako. Mukha kasing nag-aalala si Liam saakin☺

"Sa-salamat☺. Ano bang nangyari kanina wala kasi akong maalala." Tanong ko sakanila.

"Tinamaan ka ng bola sa ulo ni Flynn." Sabe ni Bryan.

"Oo nga. At alam mo ba Stacey sinadya nya talaga 'yon!" Dagdag naman na sabe ni Charles.

Tumango-tango naman si Kean na pag sangayon sa sinabi nung dalawa.

Binalingan ko ng tingin si Flynn at tinignan ko sya ng masama. Kahit kailan talaga ang sama ng ugali ng unggoy na to!

"Ho-hoy! Panget! Huwag mo akong tignan nang ganyan! Hindi ko sinasadya yon!!" Nauutal na sabe nito. Sus!

"Hindi sadya! Psh! Kahit kailan ka talaga!!" Sabe ko na inambaang susuntukin sya. Bwiset sya!

"Kung ayaw mong maniwala. Edi wag! Hindi ko na kasalanan yon!"

"Kasalanan mo---!"

"Tama na yan! Mag-pahinga kana Cy..at kayo naman magsi-uwe na kayo!" Awat saamin ni kuya.

"Bye, Stacey!" Paalam nila.

"Huwag kang mag-alala. Kami na ang bahalang gumanti kay Flynn para sayo." Lumapit pa saakin si Bryan at binulong iyon. Napatawa tuloy ako.

Nag-paalam na din ako sakanila at tuluyan na silang lumabas sa kwarto ko.

"Ba-bakit hindi kapa umaalis?" Naiilang na sabe ko kay Liam.. kasi hindi pa sya lumalabas sa kwarto ko.

"Gusto mo na ba akong umalis?"

NO!

"P-pwde namang dito ka muna..." sabe ko na nagiwas dito ng tingin.

Naramdaman kong umupo sya sa gilid ng kama ko.

"Okay kana ba? May masakit pa ba sayo??"

"O-okay naman na ako.Ahmm. ano pala yung sasabihin mo sakin kanina?" Naalala ko bigla kasi kanina bago ako mawalan ng malay. May sasabihin dapat sana saakin si Liam.

"Next time ko na sabihin.. sa ngayon, magpahinga ka muna." Sabe nya na tumayo na.

"Pero okay naman na ako eh. Ano ba kasi yon?"

Hindi nya sinagot yung tanong ko. Nginitian nya lang ako.

"Goodnight, Stacey." Pinat nya yung ulo ko then umalis na.

Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba naman yon! Pabitin naman si Liam eh! Kaazar😔! Makatulog na nga lang.

-----

The next day. Naglalakad ako sa hallway ng biglang may makabunggo ako.

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit ng pwet ko. Leche naman tong taong to! Ang lawak ng daan eh, binunggo pa talaga ako! Nagkalaglag tuloy lahat ng gamit ko!

Umupo ito para tulungan akong pulutin ang mga gamit ko. Pag tingin ko sa lalaking bumangga saakin.

Pot@! Naginit ang yung ulo ko ng makita ang pagmumukha ni Flynn!

Ke aga aga mukha agad ng unggoy na to ang nakikita ko!😤😤

Inagaw ko sakanya yung notebook ko na hawak nya. "Tabi nga! Haharang harang kasi sa daan!!" Tinulak ko sya.

"Excuse me? Ikaw itong haharang harang sa daan at hindi ako! Hindi ka kasi natingin sa dinadaanan mo kaya nabunggo mo ako!" Katwiran naman nya.

Napatingin ako sa mga studyante na nakatingin na saamin. Msyado na kaming iskandalo.

"Whatever! Akala mo ba nalimutan ko na yung ginawa mo saakin kahapon? Leche!!"

Maglalakad na sana ako sa braso ko kaso hinawakan nya ako sa braso ko.

"ANO?!"

"Yung ballpen---"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Kinuha ko na yung ballpen ko na hawak nya. Nakakailang lakad pa ako ay pinigilan na naman nya ako.

Gusto kong mapamura sa ginagawa nya.

"Lintek na! Anong bang problema mo?!" Nakakairita na sya swear!!

"Huwag ka ngang sumigaw!!"

"Hindi ako sumisigaw!!!

"Eh ano pala yang ginagawa mo?!"

"Ewan ko sayo!!!" Tumalikod na ako. Pinag titinginan na talaga kami ng mga tao.

"I'm sorry..." Halos pabulong na sabe nito. Hinarap ko ulit sya.

"Ano yung sinabe mo?" Actually narinig ko naman yung sinabe nya eh. Gusto ko lang ulitin nya ang sarap kasing pakinggan.

"A-ang binge mo talagang panget ka!" Nagiwas sya ng tingin at nakita ko yung tenga nya namumula.

Pft! Parang gusto kong tumawa ng malakas.

"Okay." Sabe ko na kunwaring aalis na.

"Aish! I said I'm sorry!"

"Ano ulit yon??" Hahahaha ang sarap nyang inisin.

"I'm sorry." Biglang sumeryoso ang mukha nya. Hindi ako nagsalita ng ilang minuto. Hinihintay kong tumawa si Flynn at sabihing...

"Hahahahaha naisahan na naman kitang panget ka!" Madalas kasi akong asarin nito.

Pero ilang minuto na ay seryoso syang nakatingin saakin. Mukhang sincere talaga sya sa sinabi nya.

Napangiti tuloy ako bigla.

"What's funny? Stop it! Lalo kang pumapanget!" Lumapit sya saakin saka ginulo ang buhok ko.

"Ang panget mo." Ngumiti sya saakin bago umalis.

Kahit na sinabihan nya pa akong panget hindi ko magawang mainis. Marunong din palang mag-sorry ang unggoy na yon.

----

( Hello! Readers!!! Vote and Comment
Mas lalo akong ginaganahang mag-update❤ )

He Stole my First Kiss ( Under MAJOR EDITING !)Where stories live. Discover now