Chapter 3

128 3 1
                                    

Letty POV

It's a beautiful morning. Yeah! Ang ganda ng gising ko. You wanna know why? 'Wag na, baka ikasama niyo pa ng loob. Hahaha. Well, masaya lang ako kasi nagpadala na ng pera ang mga magulang ko mula probinsiya. Masaya kaya ang may pera ka ahehehe. Sakto, wala na akong allowance this month.

Oh well, isang linggo na rin ang lumipas mula nang maka-engkwentro ko ang hambog na lalakeng 'yun. Akala mo naman kikagwapo, mukha namang intsik na nalugi. Pero tawa much lang talaga ako dahil hindi ko makakalimutan ang ginawa kong paghagis sa kanya ng libro tapos nahimatay siya. Hahahaha. Big achievement na 'yun para sa'kin. I really hate boys talaga like grrrr. Pero except sa kakambal ko ah.

Pababa na ako ng sala nang bigla akong sinalubong ni Kuya Lando. Nakangiti siya sa'kin nang nakakaloko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ningingiti-ngiti mo diyan kuya, ha?", pagtataray ko sa kanya. Mukha siyang ewan. Psh!

"May sorpresa ako para sa'yo my dear twin sister.", tapos kinindatan niya ako.

O___O

Waaahhh! Surprise daw. Waaah!

"Ano 'yun Kuya Lando? Sabihin mo na! Sabihin mo na!", na-e-excite kong turan.

"Hep! Sandali lang. Surprise nga 'di ba? Bumaba ka na diyan at nang maipakita ko na sa'yo.", sabi niya.

Waaah!

Kaagad akong bumaba at bigla akong nalula sa nakita ko. 'Yung hawak ni Kuya Lando. It's kinda heaven. Waaah!

"Nakuha ko na kagabi pa ang pera na pinadala nina itay at inay. Kinuha ko kaagad nang matanggap ko ang telegrama nila. So then, here. Sabi ni inay, hati daw tayo pero bigay ko na lang ang share ko sa'yo dahil alam kong mas kailangan mo 'yan ngayon.", sabi ni Kuya Lando.

Heart heart everywhere. Waaahh!

"Kuya. Waaah!", napayakap ako sa kanya.

Hoy baka iniisip niyo na mukhang pera ako ha? No. It's just that masaya lang ako kasi mabibili ko na ang kakailanganin ko. Isa pa, may mga requirements kami sa school. Oh yeah, hindi naman kalakihan ang pinadala eh. Ah, mahal na mahal talaga ako ng kakambal ko. Pero...

"Pero kuya, ikaw?"

"'Wag mo akong alalahanin Leticia. Kaya ko binibigay 'yan dahil sa'ting dalawa, ikaw ang gastador. Hahahaha"

Nag-poker face ako. 'Langhiya talaga 'tong kakambal ko.

"Tse!", inirapan ko siya. "Diyan ka na nga! Akin na nga 'yan!", pagtataray ko saka hinablot ang pera mula sa kanya. Aish! Maliligo na nga ako.

~~

I'm at school na. Mamaya pa naman ang klase ko so hahanapin ko muna ang mga bruhilda para samahan akong mamili ng gagamitin sa shop. Siyempre, kasama talaga sa daily routine ko ang mga bruhang 'yun dahil mga kaibigan ko sila.

Astig ngayon ang dating ko sa school and of course, lahat ng mga estudyanteng impakto't impakta ay nakatingtin na naman sa'kin. Psh! Mga insecure! Malula kayo sa hitsura ko wahahaha!

Papunta akong cafeteria nang sinalubong ako ng grupo ng mga kababaihan. Mga sosyal ang dating pero hindi naman mga kagandahan.

"And where do you think you are going?", head over heels 'tong si gaga kung makapagtaray sa'kin ah! Pigilan niyo ako! Susuntukin ko 'to!

"Ano ba! Ba't ka ba paharang-harang diyan sa daan! Sa'yo 'yan? Sa'yo 'yan?", pagtataray ko sa kanya. Bwiset na Matilda 'to! 'Wag na 'wag niya talaga akong susubukan at baka itulad ko siya doon sa mayabang na lalake. Psh!

When Mister Masungit Meets Miss MatarayWhere stories live. Discover now