Barcelona by Glaiza De Castro

94 2 0
                                    


"BARCELONA"


Kalaban man ang lahat, iwan ka man ng samahan
Lumayo na ang mundo, ito'y walang kapares
Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan
Walang humpay na ligaya
Sa inakala nating walang tama sa mundong sinungaling
Bumuo tayo ng samahang totoo't nararapat

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana

Araw man o buwan, o tala nais mamasdan
Lahat ng ito'y ihahayag kung 'di mag-abot ako'y nariyan
Dapat pa bang maramdaman?
Kung 'di makakatulong 'wag na lang
Salubungin ang bagong yugto ng walang alinlangan

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako, ikaw at ako, sana nga ang itinadhana

Naging madamot ang kahapon
Kaya bumabawi ang ngayon
May lumbay ang noon
Ngunit may kulay ang ngayon
Walang takot na ibinigay
Sa maaaring lumbay
Ang nararamdamang tunay
Sa tanging kaugnay.

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Ikaw at ako, Ikaw at ako sana nga ang itinadhana

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Ikaw at ako, Ikaw at ako sana nga ang itinadhana..


I ❤ MusicWhere stories live. Discover now