Ika-40 Kabanata

35.9K 592 51
                                    

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ng mapansin kong hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko ay bigla akong napabaligwas sa kinahihigaan ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Purple ang kulay ng bawat sulok ng kwartong ito at maging ang kinahihigaan ko. Maraming stuffed toy sa paligid at isang malaking painting ng isang pamilyar na bata ang nakasabit sa ibabaw ng kama. It was the same picture na nakalagay sa locket na natanggap ko noon. It was me. Nasaan ba ako?

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan. Akmang lalabas na ako ng kwartong kinaroroonan ko ng bigla ay sumulpot sa harapan ko si Kyle na ikinagulat ko.

"Saan ka pupunta?" aniya habang nakangisi siya sa akin.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Where's Aries?" sunod-sunod kong tanong.

"Aries? Hindi ko alam kung nasaan siya. Ikaw lang naman ang kinuha ko."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba ang kailangan mo sa'kin?"

"Hindi ako ang may kailangan sayo." aniya kasunod ng paghalukipkip niya.

"Aalis na'ko. Tabi!"

Tinulak ko si Kyle para makalabas ako ng kwarto pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko at tinatawanan pa ako na parang nang-aasar.

"Ang hina mo naman, Aika. Kumain ka kaya muna. Gutom ka yata e."

"Pwede ba, tigilan mo ko! Hindi ako nakikipagbiruan sayo!"

"Hindi ka pwedeng umalis. Hintayin mo muna si tita."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Tita?"

Tumango siya sa'kin at saka siya umalis sa harapan ko. Kaya nakalabas narin ako ng kwarto at paglabas ko ay bumungad sa akin ang malawak na living room ng bahay na kinaroroonan ko. Naghahalong kulay itim at puti ang makikita mo sa living room.  Salamin pa nga ang mga dingding dito at kitang-kita ang magandang view din ng taal volcano.

Ang ibig sabihin ay hindi ako nalalayo sa hotel kung saan kami naka check-in.

"Bakit ba talaga ako nandito? Dalhin mo'ko kanila Aries, Kyle. Baka nag-aalala na sila sa'kin."

Nakita kong pabagsak na naupo si Kyle sa itim na couch at ipinatong niya ang mga paa niya sa itim na coffee table na salamin ang ibabaw, itinaas niya pa ang mga kamay niya at inunan niya ang mga yon sa kanyang ulo.

"Actually nagkakagulo na nga sila, Aika. Nakakatuwa ang pamilya mo. Your mom, dad, brother, sisters, yung mommy ni Aries, mga kaibigan mo. They're all worried about you."

Nilapitan ko si Kyle. "At ano ang nakakatuwa doon? Are you playing with us?" Galit kong tanong sa kanya.

"Hindi naman." Maikli niyang sagot. Relax na relax pa nga siya.

"Alam na'ba nilang nawawala ako?"

"Ofcourse. Ang alam nila, magkasama kayo ni Aries."

"So, natuloy ang pagtakas nila Aries? But where is he, pati si Humpy?"

Nagkibit balikat lang siya. "Humanda ka sa'kin kapag may nangyari kay Aries at Humpy."

"Hey, I don't care about them okay. I only care about you." aniya.

Hindi ko na siya pinansin at nanggigigil akong lumapit sa pinto. I tried to open it but I can't.

"Ni-lock ko ang lahat ng pintuan dito. Hindi ka makakalabas. Sa ayaw at sa gusto mo, makakasama mo ako rito hangga't hindi dumarating si tita."

"Sino ba yang tita mo at ano ba ang kailangan niya sa'kin?" Bulyaw ko sa kanya.

Tumawa na naman siya. "Relax. You'll meet her later at siya ang magpapaliwanag sayo kung bakit nandirito ka. Why don't you just sit there, gusto mong juice? Kung nagugutom ka. Maraming pagkain sa kitchen."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Where stories live. Discover now