PINKY PROMISE! One-Shot Story (KathNiel)

1.3K 45 35
                                    

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review.

PINKY PROMISE

One-Shot Story

B Y D A R A N A K A H A R A

Teen-Fiction, Young Adult

Anime Book Cover credits: Apkpure



"Kapag lumaki na tayo, ikaw ang gusto kong pakasalan," sabi niya sabay ngiti, the sweetest smile I've ever seen.

"Pinky promise?" tanong ko dito sabay lahad ng kamay ko at iniabot ang hinlilit kong daliri.
"Pinky promise!" pangako niya.
"PJ! PJ, wait! Hintayin mo naman ako, sabay na tayo pumasok," sigaw ni Kathy habang hinahabol ako. Hingal na hingal siya nang maabutan niya ako. "Sabi ko naman sa'yo di ba, sabay na lang tayo lagi," ngumiti siya. Ang pinakanakakainis na ngiting nakita ko.

"Sino ba ang nagsabi sa iyong gusto kitang kasabay?" tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Minsan nga nagpapa-late na lang talaga ako sa pagpasok sa school para lang hindi ko na siya makasabay. Naiinis kasi talaga ako sa tuwing nakikita siya pero heto't nakasabay ko pa rin siya.

"Hay, nako. Umagang-umaga ang sungit-sungit mo naman sa akin. Subukan mo kayang ngumiti, para magkaroon ka ng good vibes," sabi niya sabay humarap siya sa akin at ngumiti ng todo. "Ganito. Try mo dali!" aya niya.

"Paano naman ako ngingiti kung 'yang mukha mo ang palagi kong nakikita?" iretable kong sagot. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, binilisan ko para hindi na siya makasabay sa akin.

"ANG SUNGIT MO TALAGA!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. "Papangit. ka niyan! BLEH!" dugtong pa niya.

Lalo kong binilisan ang lakad ko. Wala akong pakialam kung sumunod pa siya sa akin o hindi. Ang mahalaga ay makalayo sa kanya.

Break time na, hindi ako katulad ng iba na may kasa-kasama. Nakagawian ko na lang na mag-isa. Hindi naman masama ang ugali ko, may mga kaibigan naman ako pero hindi ko lang talaga nakasanayang makisalamuha sa kanila palagi. Okay na ako ng mag isa lang ako. Tahimik ang mundo.

Kumakain ako sa canteen nang makita ko ulit siya, si Kathy kasama ang lalaking iyon. Nagtatawanan silang dalawa na parang walang bukas. Nakakairita talaga ang tawa niya. Hindi ko namalayan na papalapit na pala silang dalawa sa kinaroroonan ko.

"Hello, PJ!" bati niya sa akin. "Hmmm, pwede ba kaming makiupo d'yan sa tabi mo ni Khally kung hindi naman kami nakakaistorbo?" mahinahong tanong niya.

"Sure," sagot ko. Nakita ko ang pagngiti niya ng todo nang pumayag ako. "Tapos na din naman kasi ako kaya dito na lang kayo," tumayo na ako doon at akmang aalis na nang muli siyang magsalita.

"Pero hindi ka pa naman tapos ah, hindi mo pa nauubos yung kinakain mo," takang tanong niya.

"Nawalan kasi ako ng gana nang makita kita. Sige, maiwan ko na kayo," malamig kong sagot. Nakita ko ang pagkalungkot ng mga mata niya pero wala akong pakialam. Naiinis ako sa kanya.

"Teka, pre. 'Wag mo naman sanang bastusin 'yung babae," sabat naman ni Khally na hinawakan ako sa aking balikat.

"Hindi ko siya binastos, nagsabi lang ako ng totoo. Kaya 'wag kang epal," sagot ko sabay tabig sa kamay niya.

"Tama na, Khally. Okay lang naman 'yon, biruan lang namin ni PJ 'yon," awat niya dito. Sabay ngiti niya ng pilit. Alam kong nasasaktan ko siya sa inaasta ko, pero mas nasasaktan ako.

Umalis na ako doon, habang napipigilan ko pa ang sarili ko. Nakakairita kasi talaga siya, sila. Kumukulo lagi ang dugo ko kapag nakikita ko silang dalawang magkasama.

Usapan sa room ang gaganaping JS Prom sa Sabado. Lahat sila excited sa kanilang susuotin, sa mga makakasayaw nila, sa mga partner nila pero ako, as usual, wala naman akong pakialam.

"Sino kaya ang aayain ni Khally na maging partner niya?" bulungan ng mga babae sa classroom.

"Syempre si Kathy na 'yon. Sila lang naman kasi ang laging magkasama."

"Masyado kasing patay na patay si Kathy kay Khally..l Nakakainis siya!"

"Pero, sila na di ba?"

Nairita lang ako lalo nang marinig ang nga bulungan na iyon tungkol kay Kathy at Khally. Ano nga bang pakialam ko sa kanila? Anong pakialam ko sa kanya?

Napabuntong-hininga ako sabay yuko sa table ko. Dahil wala namang gagawin ay naisipan kong matulog na lang hanggang sa susunod na subject kaysa marinig ang mga tsismis na 'yon.

Pero bago pa ako makaidlip sa upuan ko ay narinig ko ang mga kinikilig na mga babae na nagsisigawan. Anong meron? Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kathy na nakupo sa upuan niya at sa harap naman niya ay nandoon nakatayo si Khally na may hawak na mga bulaklak. Ang korni.

"Kathy, will you be my partner this upcoming Prom? Will you be my princess?" pa-cute na tanong nito.

Hindi ko alam pero parang gusto kong suntukin sa mukha ang lalaking 'yon. Gusto kong hatakin si Kathy palabas ng room, pero hindi ko magawa. Napansin ko na lang ang pagtingin ni Kathy sa direksiyon ko at saglit na nagtama ang mga mata namin.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya tumingin sa akin o nagkataon lang na napatingin siya? Hindi ko alam, wala akong pakialam. Bago pa siya sumagot sa lalaking iyon ay kinuha ko na ang bag ko saka ako lumabas ng room.



***

Lahat ng mga estudyante doon ay sayang-saya sa araw na 'yon. Lahat sila may kanya-kanyang kasama, may kanya-kanyang partner. Lahat ay naghanda at nanabik sa gabing iyon.

Magagara ang mga damit na suot ng bawat-isa pero isa lang ang nakakuha ng atensiyon ko, si Kathy. Naka-pink siya na gown, sa puti niya at sa angkin na kagandahan ay lalo siyang naging mukhang prinsesa sa kasuotan niya. Nagniningning siya ng gabing iyon. Gusto ko siyang lapitan, kausapin pero hindi pwede dahil nasa tabi niya si Khally, ang kanyang prinsipe.

Nagsimula nang magpatugtog ng mga nakakilig na kanta, para maumpisahan ang romantic dance na hinihintay ng lahat, maliban sa akin.

Nakita ko na parang malungkot siya at hindi masyadong nag-e-enjoy sa kaganapan doon. Gusto ko sana siyang puntahan at ayaing sumayaw pero inalis ko iyon sa aking isipin.

Pagkatapos ng lahat ng pagsusungit at pag-iwas ko sa kanya ay siguradong galit si Kathy sa akin. Napagdesisyunan kong umalis na lang doon at pumunta sa paborito kong lugar kung saan tahimik at walang ibang tao, sa rooftop ng school building namin.

Dito ako nagpapahinga, nag-iisip ng mga bagay-bagay. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mukha niya kanina. Totoo kaya ang nakita kong lungkot sa mga mata niya? Pero bakit naman siya malulungkot, isa itong gabi na ito sa pinakaespesyal na araw lalo na at kasama niya si Khally.

Tinadyakan ko ang pader, kahit na alam kong ako lang din naman ang masasaktan. Naiinis kasi ako sa isiping iyon. Naiinis ako kasi hindi niya ako naaalala. Bakit niya kasi kinalimutan? Bakit hindi na niya maalala ang pangako niya sa akin?

Ang daya! Ang daya lang kasi talaga. Bakit ako hanggang ngayon naghihintay pa rin? Bakit ako naalala ko pa rin ang pangako niya? Ipinasok ko sa bulsa ko ang dalawa kong kamay, at sumigaw nang malakas.

"Kapag hindi mo tinupad ang pangako mo, I'll swear papakainin kita ng isang libong karayom!" sigaw ko sa hangin, hinihiling na sana ay makarating sa kanya ang mga katagang iyon.

"Anong sinisigaw sigaw mo d'yan?" tanong ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at hindi ako nagkamali sa nasa isip ko. Si Kathy nga.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Ako ang unang nagtanong sa iyo," masungit kong sagot.

"Hmmmm...Hinihintay ko lang kasi yung taong mag-aaya sa aking sumayaw," makahulugan niyang sagot.

"Huh?" takang tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang sinabi niya. "Hindi ba't si Khally na ang ka-partner mo?"

"Oo nga.. pero...pero hindi naman kasi siya ang gusto kong makasayaw," napayuko siya na parang nahihiya sa sinabi niya.

"Eh sino?" tanong ko naman sa kanya. Umaasa ako kahit konti na ako ang taong iyon...kahit imposible.

"Eh bakit mo tinatanong? May pakialam ka na ba sa akin ngayon?" taas kilay niyang tanong na parang nang-aasar.

"A-ahmm. Wala. Wala akong pakialam," maikli kong sagot.

"Hay nako, ikaw talaga! Kung siguro hihintayin ko pang ayain mo akong sumayaw, baka inugat na ako dito kakatayo ay wala pa ding mangyayari," iling niyang sabi at napabuntong-hininga. "So, can I dance with you, Mr. Sungit?" tanong niya na inilahad ang kamay niya sa akin.

Natulala ako sa ginawa niya, totoo ba ito? S-si Kath, inaaya akong sumayaw? Anong nangyayari? Napalunok ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Teka, don't tell me na ipapahiya mo pa ang isang magandang dalagitang kagaya ko na nasa harapan mo?"

"Huh?" napailing ako. "Ang lakas din naman ng confidence mo sarili."

"Aba, siyempre naman! Ang torpe-torpe mo kasi," sagot niya sabay hablot sa mga kamay ko.

Siya na ang nagkusang nalagay ng mga kamay ko sa kanyang bewang at humawak naman siya sa balikat ko at tsaka kami nag-umpisang sumayaw.

Matagal din kaming nagsayaw tsaka siya bumulong sa akin. "Narinig ko yung isinigaw mo kanina. Hmmm, kaya ka pala galit na galit sa akin palagi. Kaya pala ang sungit mo.."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong.

"Nako, nagmamaang-maangan ka pa. Ikaw naman kasi, wala kang tiwala sa akin," sabi niya. "Wala pa naman kasi tayo sa tamang edad. Excited ka, masyado."

"Kathy..." kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at tsaka tumngin sa akin ng diretso. "Natatandaan mo?" gulat kong tanong.

"Kapag lumaki na tayo, ikaw ang gusto kong pakasalan," sabi niya sabay ngiti, the sweetest smile I've ever seen.

"Pinky promise?" tanong ko dito sabay lahad ng kamay ko at iniabot ang hinlilit kong daliri.

"Pinky promise!" pangako niya.

"Well, of course! Sino ba naman ang makakalimot sa poging katulad mo? So, don't worry, kahit sino pa anh kasama ko, kahit ano pang mangyari... I will marry you, pinky promise!" inabot niya ang hinliit niya sa akin.

"Pinky promise..." sagot ko naman sabay ipinagkawit ko ang mga hinlilit namin and this time ako na ang humatak sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Parang kanina lang ay galit ako sa kanya, pero ngayon masayang-masaya na ako.

Kumawala ako sa pagkakayakap namin at tiningnan siya nang mariin sa kanyang mga mata. Gusto kong makita ang kanyang maamong mukha.

"Bakit ang tagal mo?"

"Bakit ang torpe mo?" balik niyang tanong sa akin. Sabay kaming napatawa.

"I like you, my Princess."

"I like you too, my Prince..." and then I kissed her on her forehead.


END

***

D A R A N A K A H A R A

PINKY PROMISE✔️ One-Shot (KathNiel)Where stories live. Discover now