Chapter 1

1.7K 37 2
                                    

Kabanata 1

"Ano'ng pangarap mo 'pag laki?" Kyle asked, while I'm so busy punching the punching-bag in front of me.

Nasa underground kami ngayon at nag papapawis. Ngunit siya ay parang panonoorin lang ako. Tamad na nakaupo sa sofa habang panay ang tanong ng kung ano-ano. Pangarap? Ano nga bang pangarap ko? Natigilan ako sa pag iisip. Tumulo ang butil ng mga pawis ko sa aking pisngi. Basa na din ang aking likod at dibdib.

"Wala," matigas kong sagot at inalis na ang balot sa aking kamay. I sat next to him, he handed me the mineral water which I immediately accepted. Malakas ang tibok ng aking puso dahil sa ginawang pag papapawis. Hinihingal pa ako.

"Pwede ba 'yon? Wala kang pangarap?" He asked again curiously. He put his elbow on his thigh, while his chin is leaning of the back of his hand and staring at me.

Nilingon ko siya at tinaas ko ang aking kilay. Bumuntong hininga ako at uminom muna ng tubig habang nakatingin parin ako sa kaniya. Bakit niya ba tinatanong ang mga bagay na ito?

"Kung mangangarap ba ako? Papayagan ako ni Daddy? Alam nating dalawa na hindi papayag 'yon. Kung ano ang gusto niyang mangyari sa akin ay s'yang masusunod."

I said and drank the water again.

"Wala ka bang balak mag asawa?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Alam kong bata pa ako para isipin 'yon. Pero alam ko rin sa sarili ko na, gusto ko ang bagay na 'yon. Ang simpleng buhay, ang masayang pamilya.

Maybe? Maybe that's my dream. A dream that I know will never come true. Dahil bata pa lang ako ay sinanay na ako ni Daddy na makipag laban. So, that one day I can lead the Organization he built. Siguro kung mag aasawa ako ay siya rin ang pipili. As if I don't have a right to fall in love.

This organization, called Rose Blood Organization, or RBO. We sell Firearms, bombs, knives and swords. Hindi lang iyon. May mga tauhan kaming sinasanay para sa mga misyon na inuutos sa amin ng gobyerno, minsan ay mga taong mayayaman ang kumukuha ng serbisyo namin. Kung may ipapapatay o kung may ipapanakaw. Iba iba, kung anong hilingin ng kliyente, iyon ang gagawin. Minsan din naman ay may pinababantayan, o kailangan ng rescue. Kaya madalas ay may binubuo kaming security team.

Dipende kay daddy kung tatanggapin niya ang alok sa kaniya. May mga rules din siyang ibinibigay. At ngayong nasa senior high school na ako. Madalas ay ako ang pinag dedesisyon niya. At madalas, ako ang isinasabak niya sa mga mahihirap na misyon.

Kung may papatayin, gustong gusto ni daddy na ako ang mangunguna doon. I hated him for that. And I hated myself for allowing him to used me for this stupid organization.

He always told me that, the weak have no right to live anymore. The weak will remain weak. Na para bang sinasabi niyang peste ang mga mahihina. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tatanungin niya ako kung mahina ba ako.

Lagi nyang pina aalala na kailangan kong maging malakas kung ayaw kong masaktan. Kailangan kong lamunin ng buo ang kalaban.

Sa totoo lang ay naiinggit ako sa dalawa kong kapatid. Lagi kong tinatanong, bakit ako lang? Bakit kasi ako pa? Ngunit sa pag daan ng panahon naisip ko na.

Si Ate Kate ay masyadong magaling sa pagnegosyo. Bagay siyang ipwesto sa mga legal naming negosyo. Siya ang mag mamana noon.

At si Luke? Ang bunso naming kapatid ay may hika. Ngunit mataas ang IQ. Ginagamit siya ni Dad kapag may ipapa hack o, kung ano man na may kinalaman sa computer.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 09, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Pull The Trigger [UNDER EDITING]Onde histórias criam vida. Descubra agora