Burn Book ni Jep - Part 7, 1 of 2

43.4K 485 31
                                    

Burn Book ni Jep – Part 7, 1 of 2

Nasupalpal nga yung hilaw na proposal ko nung Valentines Day ng 2004, pero dahil makulit ang lahi ko at medyo may konting pagkatanga, hindi ako tumigil dun. Pinanghawakan ko yung katwiran na hindi naman talaga sa hindi ako bagay kay Zaira, pero hindi pa siguro nung mga panahong yun. Kaya namang ayusin pa. Hindi na nga siguro maalis sa track record ko yung mga kapalpakan ko, pero mas maingat na rin naman ako. Hindi na nakikipag-usap sa kung kani-kanino. Baka sakaling mapansin ni Zai na hindi naman talaga ako ganun. Baka sakaling makakuha pa ako ng second chance.

Bakasyon ng 2004. Naku, yun na siguro ang pinakamasayang summer na maalala ko. Dikit kami ni Zai nun, lagi kaming magkasama. Kung san-san kami naglalakwatsa, pag napagod, uuwi sa bahay nila at manunuod ng mga pelikulang illegally downloaded ng Kuya niya. Maghihiwalay ng bandang hapon, pero magka-text pa rin.

Nakikita ko na nun eh. Yung glimmer of hope. Yung second chance na hinahanap ko. Konting sundot na lang. Konti na lang, magda-damubs na ko.

Meron nga yung isang time tinanong niya pa sa akin kung bakit daw wala akong girlfriend. Lakas maka-kilig nun. Hahaha.. Kinalkula ko muna ang isasagot ko, saka pa-poging nagsabi ng “Eh mukhang hindi pa ready yung gusto kong ligawan eh. Abstain muna. Saka na lang ako manliligaw pag tingin ko ready na siya.”, with matching kindat at bungisngis. Pinangunutan ako ng noo ni Zai. Ang kyut niya rin eh, kapag naguguluhan siya. Nagtanong siya kung sino daw ba yun. Binanatan ko ng,  “Haha.. secret. Hindi ka pa ready na malaman!” Naisip ko nun, matalino siya, sigurado makakaramdam siya dun sa sinabi kong yun. Pero patuloy niya lang akong pinangunutan ng noo. Hahaha.. ang kyut niya talaga. Wala siyang kaide-ideya.

Yun. Yun na yung deciding point ko nun. Sabi ko sa sarili ko, pwede na. Sa pasukan. Sa pasukan,  manliligaw na ko.

Me nangyari nung pasukan.

Hindi ko alam kung ano yung saktong ginawa ko, pero bigla-bigla na lang na iniiwasan ako ni Zai. Bigla-bigla ang accurate na term dun, kasi hindi ko rin alam kung anong nangyari. One minute, akala ko ok kami. Tapos biglang… ayaw na niya akong kausapin. Para siyang napapaso pang magkalapit kami. Tinatakbuhan niya ko pag uwian. Pag dumadalaw ako sa kanila, hindi ko alam kung lagi lang ba siyang wala o sadya lang na ayaw niya akong harapin. Iwas na iwas siyang magkapareho kami ng space na inookupa. Diring diri ba. Daig ko pa ang may STD. Tinanong ko pa nga siya kung galit ba siya sa akin, todo deny siya. Pero ramdam ko eh. Masakit kaya. At alam mo ang mas masakit pa dun? HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NAGKAGANUN.

Basta na lang ganun.

Tipong, “Ok Jep, sasamahan kita buong summer para akala mo may chance ka, pero babawiin ko rin kasi yuck ka talaga.”

Ganun yung pakiramdam ko.

Lalo na yung isang engkwentro nung summer ng 2005, yung pumunta ako sa bahay nila para kumopya ng games sa Kuya niya na siempre palusot ko lang kasi ang totoo eh tinetiyempuhan ko siya. Akala ko wala siya sa bahay nun. Tapos bigla siyang lumabas sa salas, gulat na gulat nung makita ako. Gusto ko siyang kausapin, pero nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya, parang ayaw na ayaw akong makita.

Tagos pre. Nanunuot sa buto yung pakiramdam ng rejection.

Bakit nga ba bigla na lang hindi niya ko kinausap?

Narealize niya bang ayaw niya naman talaga akong bigyan ng chance? Na hindi enough yung pagsasama namin ng summer para mabura lahat ng tsismis na nadikit sa pangalan ko? Na sa totoo lang eh wala naman akong kwentang tao?

Alam mo yung kapiranggot na bilib ko sa sarili ko bago nangyari yun? Naubos lahat. Nawalang parang bula. Tinangay ng hangin, hindi na ulit naibalik.

Ilang buwan akong nagmukmok. Privately, siempre. Ang lalaki pag nag-iinarte, sinasarili. Kaya hindi porket hindi nakikita, wala na dun.

Pwera judgement, nasaktan din naman ako.

Siguro hindi halata ngayon, kasi matagal na yung tapos, pero masakit talaga nuon.

Talented din kasi talaga si Zaira eh. Akalain mo yun, nabasted niya ako nang wala pang sinasabi. Pre-emptive supalpal dre. Sakit sa rib cage.  Nakakatawa pag iniisip mo lang, pero pag nangyari sayo, hindi rin pala masaya.

***

The Ex-Girlfriend ChroniclesWhere stories live. Discover now