Mine 24

2.4K 59 2
                                    

Dahan-dahan


Tumila na yung ulan. Nakaupo kami sa loob sa isang sea wall, kung saan ay kitang-kita yung moon. Tahimik ang paligid.

"I was busy these past few days. Mas naging grabe yung training ko. Ang hirap pa kasi sinasabayan ko ito ng pag-aaral. Nakahome school ako ngayon."

Naagaw niya ang atensyon ko.

"Mas nahihirapan pa ako kasi hindi kita na nakikita. Sinusubukan kong dumaan sa inyo tuwing gabi, pero alam kong tulog ka na. Tuwing umaga ay kung madalas na hindi kita naabutan o minsan di na ako nakakadaan,umaga pa lang ay may meeting na."

Pinutol ko yug momentum niya. "Why are you telling me all of these."

Tinignan niya ako. His jaw clenched and unclenched. Muli ay nag-iwas siya ng tingin.

"Gusto ko lang iparealize sa'yo na hindi prank ang lahat ng ito. It's real. Alam ko, as of now, you have doubt in this relationship. Sorry.."

Relationship? What kind?

"It was Gela. Yung sinamahan ko kanina. Isa siya sa mga nakasama ko sa ibang bansa. Kanina, yung sinabi niyang magpapa-enroll siya sa school. I take that one as an excuse. I want to see you, kaya sinamahan ko siya. I was just making fun of you, and I didn't expect you na aalis ka agad. I left her, sinundan kita."

"Hindi mo naman kailangan sabihin sakin lahat, hindi mo naman ako girlfriend, hindi naman tayo." I bitterly laughed.

Napasinghap siya. "Hindi naman kailangan ng label para sabihin na totoong gusto kita at karapatan ka sakin. Since the day na nahulog ako, naging pagmamay-ari mo narin yung buong ako."

Hindi ako sumagot. Ayoko nang magpadalos-dalos ulit sa desisyon ko. Simula nung umuwi ako dito sa bansa ay parang sakanya lang umiikot yung mundo ko. Maybe I just to roam around, kailangan kong aliwin ang sarili ko, makihalubilo, "I need space."

"Space? What kind of space do you want? Nasasakal na ba kita?"

"It's... ugh, hindi na kasi healthy. Masyado tayong naging padalos-dalos noon, kaya tayo nasasaktan."

"Mas lalo akong masasaktan kapag malayo ka sakin, pero para sa'yo susubukan."

Pinagsalikop ko yung mga kamay ko. "I'm not wishing you to stay away when I'm around. Dumistansya lang, let's focus on things we are used to now. Dahan-dahan na lang muna tayo."

"Dahan-dahan..." tinanggal niya yung kamay ko galing sa pagsasalikop at pinalit yung kamay niya. "Pero, pwedeng bukas na lang ako magsisimula? Just give me this night." Hinila niya ako papalapit sakanya.

I was kind of relief dahil hindi siya nagpumilit. Natatakot lang ako, baka kasi dahil sa pagdistansya namin sa isa't-isa, baka pati siya ay mawala ko.

Hinipo niya yung noo ko. Bumuntong hininga ako when I felt him flinched. I know. Kanina pa ako nilalamig dito.

"May kondisyon nga pala ako." Tumikhim siya. "Hindi ka pwedeng magkasakit."

"What? Hindi ko naman mapipigilan yun,"

"I don't care." He kissed my forehead.

Kinaumagahan ay nahihirapan akong bumangon. Sobrang sakit ng ulo ko at daig ko pa ang may hang-over. Nagsisimula na rin yung ubo at sipon ko. Gah! This sucks! Pinillit ko ang sarili kong umupo sa kama. My eyes perceive a bouquet of rose in my table. Dahan-dahan kong inabot yung mga rosas. May breakfast na rin na nakahanda, pero parang hindi pa ito kompleto. Wala pa kasing mga kubyertos at baso. Usually naman, paggising ko minsan ay nakahanda na lahat.

Naagaw ag atensyon ko nung bumukas yung pinto ng kwarto. My eyes widen nung niluwa siya ng pinto ko. Maging siya ay halatang nagulat nang nadatnan ako na gising na. Pinilig ko ang ulo ko at kunot-noo siyang tinignan. Tinaasan ko siya ng kilay. He bit his lip as he smile. Kita ko ang mga kubyertos na hawak niya, pati na rin isang pitsel ng hindi ko alam. Nilapag niya ito sa lamesa.

"Good morning." Binati niya ako nung nakalapit siya sakin.

"Shawn, Sabi ko dahan-dahan diba? What are you doing here?"

Umismid siya. "Sabi ko rin na bawal kang magkasakit. And, hindi naman kasi talaga ako dapat magpapakita sa'yo, kaso ang aga mong nagising. And..."

"And what?"

He pouted. Umupo siya sa edge ng kama ko. I mentally smiled, tumutupad parin naman siya kahit papaano sa usapan.

"Hindi ko na kaya. Dad gave me a break, hindi ko alam ang gagawin ko."

Inirapan ko siya. Hindi siya nakakatulong.

"Without you, I feel broke like a half of a whole

Without you I've got no hand to hold

Without you I feel torn, like a sail in the storm

Without you, i'm just a sad song."

Napalingon ako sa kanya. Nakahiga na siya sa kama ko ngayon habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. I pressed my lips. Inabot ko yung isang unan at tinapon ito sakanya. I covered my face with my hands.

"What was that?" rinig kong sabi niya.

"Hey.—"

Ramdam ko yung mainit niyang kamay na inaalis yung pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko dahilan para mapaatras ako. "Hep, distance please."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Umirap siya sakin. Nilapit niya yung mesang dinala dito sa kwarto.

"Hindi ka naman tumutupad sa usapan."

"Wala pa pa naman akong ibang ginagawa."

"You're taking care of me!"

"Noon pa lang, ginagawa ko na ito"

"Bakit? Nung ginagawa mo na ba 'yan noon, wala ka pang feelings para sakin?"

Nanlaki yung mga mata niya. Di rin nagtagal ay napalitan ito ng ngiti sa mukha niya. "Meron na." He then winked.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!


She Was MineWhere stories live. Discover now