Chapter Nine

391K 6.1K 349
                                    

CHAPTER NINE

Pagkatuntong ng 21st floor ay agad na nagbukas ang elevator, madaling lumabas doon si Agatha at hinanap ang two-door wooden entrance nang penthouse. Pagkalabas pa lang ng elevator ay hindi pa iyon agad makikita dahil kailangan niyang pang lumiko sa isang kanan sabi sa Reception desk kanina. Saktong pagliko niya ay may nakasalubong siyang isang matandang chambermaid. Tulak tulak nito ang isang cart na naglalaman ng cleaning equipments nito at isang malaking trash bin.

"Good evening, Madam," nakangiting bati nito.

Gumanti siya ng ngiti rito. "Good evening din po. Galing po ba kayo sa penthouse?"

"Yes, Madam. May ipinalinis lang po si Sir Reeve sa banyo niya."

"Is he still awake?"

"Sa paglabas ko po ay naghahanda na siya para sa pagtulog." Tinignan siya nito ng maiigi. "Kayo po ba ang asawa ni Sir Reeve?"

She smiled sweetly. "Ako nga po."

"Nako, Madam! Mukha pong na-late po kayo sa usapan niyo at nagtampo sa inyo ang asawa niyo."

"Po?"

"Aba, pinalinis niya lang ang mga nasa banyo. Sayang ang ganda pa naman ng pagkaka-prepare sa bathtub ng mga..." bigla itong napatingin sa relos nito. "Ay! Madam, mauuna na po ako. May kailangan pa po pala akong ayusin na kuwarto."

"Sige po. Magandang gabi po sa inyo."

Binati rin siya nito bago mabilis na umalis. Hindi niya masyado naiintindihan ang sinasabi nito. Pa'no naman na magpe-prepare si Reeve para sa kanya, eh, he doesn't even know na nandito siya?

Di kaya sinabi rito ni Elisa na nagpa-book siya ng flight papuntang Cebu?

Napailing siya. Hindi naman siguro pero pa'nong...?

Natigil siya sa pag-iisip nang mapansin niyang hindi nakasara nang mabuti ang grand door ng penthouse. Marahil ay nakalimutang isara mabuti ng chambermaid kanina.

Maingat niyang niluwagan ang pagkakabukas ng malaking pintuan. Agad na bumungad sa kanyang ang magarang living room nang lugar na iyon. May malaking crystal chandelier sa pinakagitna at ang buong lapag ay carpeted. Ganun din ang estilo ng penthouse ng Anderson Auberge kaso medyo royalty ang dating ng Monteverde. Pati ang mga kagamitan ay parang sa mga palasyo talaga galing. Royal red ang kulay ng mga sofa na may gold lining. May artificial fireplace pa sa bandang dulo. Pumasok siya at maingat na sinara ang pintuan. Sa bandang kanan ng malaking sala ay may tatlong malalaking pintuan. Sa kaliwa din ay may dalawang malaking pintuan.

Kumanan siya at tinignan kung anong nasa loob ng mga pintuan. Sa unang pintuan na nabuksan niya ay kitchen pala. Sa pangalawa, dining room na may connecting door papuntang kitchen. Sa ikatlong pintuan, ay isang malaking area na may Jacuzzi, weights, punching bag, isang billiard pool, a long comfy couch on the other side with a big flatscreen T.V. infront of it, at isang wine bar. All in all, it's an entertainment room. So, ang dalawang natitirang pinto sa kaliwa ang posibleng kuwarto ni Reeve. Inuna niya ang may pinakamalaking pintuan. Tingin niya ay nandoon ang asawa.

Marahan niyang pinihit ang doorknob. Hindi iyon naka-lock kaya marahan niyang binuksan iyon. True enough, nandoon nga si Reeve. Payapa na itong natutulog sa ibaibaw ng isang king-sized bed. Pumasok siya at lumapit sa higaan. Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa kinahihigaan ng asawa ng mapahinto siya at tinitigan ito. Isang puting shirt ang pang-itaas nito at boxer shorts ang pantulog nito.

Halata sa mukha nito ang sobrang pagod sa nakalipas na mga araw. Kaya ba hindi ito tumatawag sa kanya dahil sa lagi na lang itong nagta-trabaho? Hindi na kaya ito nakakapagpahinga dahil doon? Pero kahit na halata na ang sobrang pagod nito, hindi pa rin mawawala ang kaguwapuhan nito. Sa lahat na ata ng haggard ay ito na ang pinakaguwapo pa rin. Napangiti siya sa naisip.

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now