Day 011

1.1K 52 8
                                    

Blake's POV

"Try ko."

'Yan. Oo. 'Yan lang ang reply niya kagabi. Natagalan pa nga e. Pero 'eto ako, di mapakali.

But hey. I don't like her.

May naka-chat na rin akong katulad ni Song Hop dati. Kaso may time na minura ko siya nang maraming beses dala ng pagkatalo namin noon sa basketball. And she just disappeared faster than a bubble or in just one snap.

Pagpasok ko sa room, puro tunog ng instruments ang naririnig ko. Music nga pala namin ngayon.

Pumunta ako sa pwesto ng mga kagrupo ko—Blair, Pitch, Bright, and Melody.

Iniisip ko na baka isa kay Melody at Pitch si asong dahil sa pangalan nila. But I still don't know their school backgrounds at kung marunong ba silang kumanta, sumayaw ng hip hop, at maggitara.

"Blake at Melody, sa gitara at beatbox kayo. Tapos ikaw Blair at Pitch, kakanta. Ako na sa keyboard." —Bright

Hinawakan ko na yung guitar, "What song?" I asked.

And Blair answered me, "On the Wings of Love nalang."

OTWOL.

Unang kanta na kinanta niya sakin. . .

Nagsimula na kami at hindi na naman ako mapakali.

"Just smile for me and let the day begin,
You are the sunshine that lights my heart within. . ." ~Blair

"I'm sure that you're an angel in disguise,
Come, take my hand and together we will rise. . ." ~Pitch

Agad akong napalingon kay Pitch. Her voice. . . same as Song Hop's.

Tama ba ang iniisip ko?

Her cellphone rang. At maya-maya'y nagpaalam na siya samin pati sa professor atsaka lumabas ng room.

Hinintay ko nalang na matapos ang klase. At pagka-dismiss palang samin ay dumiretso na kaagad ako sa school backyard.

Wala pa siya. Hindi naman talaga sure kung makakarating si Song but I'll wait. Umupo muna ako sa damuhan.

I can't believe myself.

Naghihintay at naglalaan ako ng oras sa isang ubod ng kulit na babaeng binubulabog ako sa facebook.

Hindi rin nagtagal, may narinig na akong kaluskos sa likod ko. I'm about to look nang may magsalit, "Don't look Blake."

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sinunod ko siya. Hay nako Blake, isang lingon nalang e. Isang lingon nalang at makikita mo na siya.

Naestatwa ako nang hawakan niya ang mga mata ko mula sa likuran. She smells like strawberry and coffee.

"Just give me this moment." aniya, bakit? Hindi naman ako nagpo-protesta ah?

The next thing I felt is her chin up on my head.

"You're hot." puna lo nang mainit siy but she just smirked. Atsaka ko lang na-realize ang sinabi ko. Pero bago ko pa man i-rephrase yun, nauna na siyang magsalita,

"Don't worry, I know what you really meant." she giggled, "Nilalagnat kasi ako. Di nga ako nakapasok e."

So, she's not Pitch. Dahil kasama lang namin si Pitch kanina.

But somehow, medyo magkaboses nga silang dalawa.

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya. And I don't fucking know why.

"You're getting curious again, aren't you?" panimula niya

"Oo. Putek talag—"

"Putek too." pagputol niya sa pagsasalita ko. Then I heard her laugh. Ugh. Why am I feeling this way?

"I need to go now. Nawiwili na 'ko sayo masyado." dagdag niya pa at binitawan ang pagkakatakip sa mga mata ko, "Don't peek."

Narinig ko nalang ang mga kaluskos niya palayo. Pero bago pa man siya tuluyang makaalis, she shouted,

"Thank you sa oras! Putek na putek kita!"

Out of the blue, I found myself whispering the same word, "Putek."

12:12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon