Prologue

5.3K 126 8
                                    


Prologue:

"Alden Richard Faulkerson!!Lumabas ka sa lungga mo kung gusto mong makita pang buhay ang Gf mo sa taas ng building na ito!!!" sigaw nung lalaking kumidnap sakin.

Andito ako ngayon sa taas ng building habang umaagaw ng eksena sa mga estudyanteng dumaraan. Siguradong marami na naman akong matatanggap na likes and shares sa fb nito dahil sa mga estudyanteng nagvivideo sa baba.

"Kuya! Hindi ko po talaga bf si Alden!" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Nagsisinungaling ka na naman eh!Alam ko na ikaw ang gf ni Alden dahil narinig ko na usap usapan ka ng mga estudyante!'

Mahina talaga ang kokote ng isang ito. Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ko bf si Alden. Masyado namang paniwalain sa tsismis ang kidnappers na ito.

"Bitawan mo ang kaibigan ko! Pakawalan mo siya Please!" sigaw ni Janelle sa baba.

Yong mga ibang estudyante eh nag aalala pero yong iba nakikita kong nakangiti. Bakit? Kasi naman kapag ako ay nawala ay siguradong magdidiwang ang mga ito dahil magiging single na rin ang Bae nila.

"Nililinlang lang ako ng kaibigan mo di ba Miss?" nagaalinglangang tanong sakin ni Manong na kidnapper.Mukhang effective yong naisip ko na paraan at sasabihin ko sa kanya. Kinalm ko ang sarili ko at ito ang sinabe ko sa kanya.

" Manong alam mo, Bago ka po maniwala mag-isip isip ka po muna. Marami po ang namamatay sa maling akala."

"Ah ganun! pero hindi ko magets yong ibig mong sabihin. " Hindi effective yong kanta na yon ah. Tumingin siya sa baba at sinigawan yong kaibigan ko sa baba gamit ang wireless microphone. Tama kayo sosyal si Manong, wala raw kasi siyang mahiraman ng public address amplifier . Madamot raw yong kapitbahay niya kaya mike ng magic sing na lang ang dinala niya.

"Oi Babae! Sinungaling ka! Sinasabe mo lang yan dahil gusto mong makawala ang kaibigan mo! Baka gusto mong kumalat ang dugo sa santinakpan!!Bakit sino ba ang gf niya? Ikaw!"

Pananakot ni manong. Nakakatakot ang itsura ni Manong ngayon. Parang tinalo pa sina Rogelio. Grabe naman , iniidolo niya yong mga myembro ng ISIS sa middle East. Takte !Kasalanan ito ni Alden.

"Oo Ako nga yon!" Sigaw ng kaibigan ko gamit ang wireless microphone na hiniram niya sa dumaraang music club. Mga praktikal na ang mga tao ngayon sa planet earth.

"Owws hindi nga?"

"WeH?"

Nakatanggap naman siya ng bulungan at panghihinala sa mga forever bitter ah este Maalden fansclubs ni Alden."

Bigla namang nagulat ang lahat sa sinabe ni Manong!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5 years 7 months 11 days(Aldub fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon