CHAPTER 7

339K 7.5K 286
                                    

CHAPTER SEVEN

PALAKPAKAN at tili ng mga kaibigan ang narinig ni Elisse pagkatapos siyang halikan ni Steven sa harap ng mga ito. Lumapit sa kanila ang mga magulang niya at humalik din.

"Best wishes," sabi ng mga ito.

Nakita niya ang mga kaibigan sa hindi kalayuan at lumapit sa mga ito. Agad namang tumayo si Amber na katabi ang boyfriend nitong si Clarkson at yumakap sa kanya.

"This is it. Xandra Elisse Wilson-Lucas."

Ngumiti lang siya.

Sumunod naman agad sa kanya si Steven at hinapit ang baywang niya. "Let's go," he whispered.

Tiningnan niya ang lalaki ngunit wala naman siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito kundi pagod.

"Later," she whispered back and smiled at him.

Kuya Axer cleared his throat. "Huwag nga kayo sa harap namin maglambingan."

Inirapan niya ito at yumakap kay Steven. "Bitter ka, Kuya."

"Yeah, man, you look like one," Scott agreed and motioned his head to Natalie na tahimik lang at kumindat dito.

Nagsalubong ang mga kilay ng kaibigan niya at inirapan ang lalaki.

"Saan ang honeymoon?" Amber giggled.

Ngumisi siya at tumingala para tingnan si Steven. She mouthed, "let's go."

"We have to go," paalam ni Steven sa mga kaibigan nila.

"Go ahead, mukhang kanina ka pa inaaya ni Elisse." Amber again with a knowing smile.

Pinigil niyang huwag mapatili sa kilig dahil alam niya ang ibig sabihin ng ngiti ng mga kaibigan. Gabi na rin naman at sigurado siyang mamaya lang ay uuwi na rin ang mga ito. At 'yong asawa niya, mukhang gusto na ring magpahinga.

Dumako ang tingin niya kay Natalie na as expected, hindi nagsasalita unless kausapin mo. Napakasuplada talaga ng kaibigan niyang ito. Mukha yatang naramdaman nitong nakatingin siya kaya naman lumingon sa kanya at kumindat. Napangiti tuloy siya. She motioned her head to Scott na ngayon ay sumisimsim ng wine habang ang mga mata ay na kay Natalie.

"Scott, baka matunaw si Alie sa mga tingin mo."

Pagak itong tumawa pero hindi nagsalita. Ang kaso, hindi puwede sa kanya na hindi nito patulan ang mga pang-aasar niya.

"Siguro may gusto ka sa kanya." Lihim siyang napangiti nang halos mabulunan ito dahil sa iniinom habang si Natalie naman ay napatuwid ng tayo at pinandilatan siya. Nag-peace sign lang siya rito.

"Honey, let's go," bulong sa kanya ni Steven na nakapagpatayo ng mga balahibo niya. Ang sexy ng boses nito. Dali-dali niya itong hinila palayo sa mga kaibigan at hindi na pinansin ang mga pang-aasar ng mga ito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa asawa nang nasa loob na sila ng sasakyan.

"Uuwi na."

Hindi man lang siya nito nilingon samantalang kanina ay honey pa ang tawag sa kanya. "Suplado," she murmured.

"I heard that."

EHS 1: His Runaway FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon