Chapter Two

51.2K 574 11
                                    

Chapter 2

Napangiti na lang si Lira saktong nai-save na niya sa kanyang USB ang kopya ng kanyang nobela. Mahirap na baka kasi ma-corrupt ang mga files na nasa laptop niya. Ayaw na niyang mangyari ulit ang pagkawala ng mga files niya, laking panghihinayang niya noon dahil tatlong completed manuscript din ang nawala sa kanya at hindi na kailanman na-revive. Alam niyang kaya naman niya ulit na gumawa ng bagong manuscript, iyon nga lang, sobrang hirap dahil pinagpupuyatan niya ang bawat words na tinitipa niya sa kanyang laptop.

Anyway, tapos na rin naman iyon. Ngayon ay talagang nag-iingat na siya kaya naman bukod sa USB ay naka-save din sa memory card ng kanyang cell phone ang mga files na meron siya. Para ba siyang sira? Hindi, sigurista lang. Parang pag-ibig lang 'yan, dapat ay sigurado kang naka-save ang puso mo sa taong pag-aalayan mo nito para sa huli ay hindi mawala.

Napailing na lang siya. Humuhugot na naman siya. Akmang tatayo na sana siya pero biglang tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay si Lea pala.

"Nasaan ka na? Nandito na ako sa bar!" Pasigaw na bungad nito sa kanya. Maingay na din ang background nito.

"Sige, susunod na lang ako." Sagot niya pagkuway naiiling na pinatay na ang phone. Hindi man lang siya hinintay na matapos dito sa office.

Napabuntong hininga na lang siya at inayos na ang sarili. Malapit lang dito ang bar kaya naman nag-taxi na lang siya papunta doon. Nang makarating ay akmang papasok na sana siya pero biglang may humila sa braso niya.

Gulat na napalingon si Lira at muntik pang mapatili pero saglit lang iyon dahil mabilis niyang nakilala kung sino ang gumulat sa kanya.

"Vladimir! Ikaw lang pala!" Bigla niya itong nahampas sa braso. "Bakit ka nandito? Saka... lasing ka ba?" Tanong niya pero nginisihan lang siya nito at inilapit pa ang mukha sa kanya.

"What do you think?" Sabi nito pagkuway binugahan siya ng hangin sa mukha.

"Hmp! Ang baho mo naman!" Bahagyang lumayo si Lira dahil sa amoy alak na hininga nito pero sinabi lang niya iyon dahil iba naman ang laman ng isip niya. Shit! Bakit ang sarap amuyin ng hininga niya!

Nakakadagdag ang amoy alak na hininga nito sa sex appeal nito lalo na ang mga mata nito ay namumungay na nakatingin sa kanya.

"Lasing ka na nga. Umuwi ka na sa inyo."

"Bakit naman ako uuwi?"

"Ha?"

"Samahan mo ako."

"Hindi puwede dahil--- ay!" Napatili na lang siya dahil biglang bumagsak sa harapan niya ang binata. Halos ay mabuwal siya sa pagkakatayo dahil ang buong bigat ni Vladimir ay nasa kanya na.

Mabilis siyang humingi ng tulong at sa awa ng Diyos ay may pumansin sa kanya. Pumara na lang siya ng taxi dahil hindi naman siya marunong mag-drive ng kotse ng binata. Ilang sandali pa ay nasa biyahe na rin sila. Nagpasya siya na iuwi na lang ang binata sa kanyang apartment tutal ay malapit lang naman.

Nang makarating na sa apartment ay inihiga niya agad ito sa kama at siya naman ay pagod na naupo sa gilid niyon. Halos ay mamuo ang pawis sa kanyang noo dahil sa pagbubuhat sa binata na kanina ay para pang baliw na pana'y ang kanta. Tuloy ay pinagtitinginan sila ng mga kapit-unit niya.

"Bakit naman kasi uminom ng ganito karami ang lalaking ito. Alam naman niyang mahina ang tolerance niya sa alak pero sige pa rin!" Inis na sabi niya pagkuway matalim na tinitigan ang lalaki.

Bigla niyang naalala na umiinom lang ito kapag galit o 'di kaya ay masama ang loob. Noong huling beses kasi ito na uminom ay noong namatay sa aksidente ang Mama nito, sinisisi nito ang sarili noong araw na iyon dahil ito ang kasama ng ina noong nangyari iyon. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon dahil noon lang niya nakita kung gaano na-depress si Vladimir. Mabuti nga ngayon ay maayos na ito.

Vladimir's Sweet SeductressWhere stories live. Discover now