Detective Conan / Cased Closed : Shinichi is Kid the Phantom Thief

1.9K 42 29
                                    

 Detective Conan / Cased Closed : Shinichi is Kid the Phantom Thief

A/N: Paano ko naisip ito? Nag-enjoy kasi ako sa panonood ng 'Magic Kaito' kahapon... Kaso bitin... Sana madagdagan ang episodes! :)))

No Conan here... :D

Detective Conan, Magic Kaito, and the song Misty Mystery isn't mine...

(Misty Mistery sa Multimedia)

Ako si Shinichi Kudo.

Ang kilalang High School Detective.

Ang hindi alam ng iba...

Ako rin ang sikat na si...

Kid the Phantom Thief...

Oo, ako si Kaito Kid.

--

Oo... tama ang nabasa niyo. Ako si Kaito Kid. Ang sikat na magnanakaw dito sa Japan.

Pero syempre may dahilan ang lahat ng ito.

Kasalan ito...

ng organisasyong iyon!

Kapag nahanap ko kayo, hindi ako titigil hangga't hindi ko kayo makikita sa loob ng bilangguan.

--

Eto na naman ako sa loob ng hidden room sa loob ng kwarto ng kaibigan kong si Kaito Kuroba. At isinusuot ko na naman ang kilalang damit ng magnanakaw na si Kaito Kid.

Mula ng pangyayaring iyon. Sa akin na rin ipinaubaya at kay Jii-chan ang buong bahay ng mga Kuroba.

Siguro naguguluhan kayo no? Mabuti pa at ikwento ko na...

--

Magkababata kami ni Kaito at napakamalapit namin sa isa't isa. Malapit din sa isa't isa ang mga magulang namin.

Magicians ang mag-amang Kuroba kaya nahumaling din ako. Mula pagkabata, pwera sa pagiging isang future High School Detective, pinangarap ko rin ang maging isang magician.

Lagi akong kasama tuwing tuturuan ni Uncle Toichi si Kaito. Ako na rin ay nagpapaturo. Bonding na namin yun.

Kasama sa amin ni Kaito ang mga kababata rin naming sina Ran at Aoko.

Napakasaya naming apat... Gustong-gusto namin ni Kaito na pakitaan ng magic sina Ran at Aoko...

Lagi kaming nagpapaturo kay Uncle Toichi... at sa hindi malamang dahilan...

Bigla na lang siyang nawala...

After eight years, (Sa mga oras na ito ay hindi ko pa alam ang tungkol dito) nadiscover ni Kaito ang hidden door nga na ito na nasa kwarto niya mismo. Dito na rin niya nalaman na ang ama niya ay si 'Kaito Kid'. At nalaman niya sa assisant ng pamilya nila na si 'Jii-chan' na hindi pala nawawala ang ama niya... Pinatay siya ng isang organization sa hindi alam na dahilan.

Pinanindigan ni Kaito na ipaghihiganti ang ama kaya siya ang pumalit na Kaito Kid. At nangakong siya ang makakahanap ng 'Pandora's Gem', ang bagay na gusto ring makuha ng organisasyong iyon.

Detective Conan / Cased Closed : Shinichi is Kid the Phantom ThiefWhere stories live. Discover now