Chapter 11

1K 45 3
                                    

Maagang umalis si Jade galing sa condo ni Althea. Inihatid rin siya nito.
Pagkapasok niya sa bahay nila binugad kaagad siya nito ng ina na nakaupo sa sofa ng sala.

"Where have you been, Jade? Kagabi pa kita hinahanap."wika ng ina nito na halatang nag-aalala sa anak.

"Nag bar po kasi kami kagabi ni Sheena ma. Tsaka doon na rin ako natulog sa kanila." Aniya nito sa ina.

Dumiretso naman si Jade para maligo at magbihis.

Jade's P.O.V
Pagkatapos kung maligo obviously nagbihis na ako ng pambahay tsaka umupo sa kama habang pinapahipan ko ng hair dryer ang buhok ko. Gusto ko no na rin kasing matulog.

Naalala ko nakalimutan ko pala si Sheena sa bar kagabi. Kinuha ko naman yung phone ko na nakapatong sa study table ko para tawagan ang bestfriend ko.

Nakadalawang ring lang at sinagot niya naman agad ito.

"Hello?" Sabat nito na halatang naalimpungatan sa tawag ko.

"Best? Im sorry nakalimutan kita kagabi. Sorry talaga." Sabi ko na lang sa kanya. Di ko rin alam kung ano tong sasabihin ko. Kung sasabihin ko ba ang tungkol sa amin ni Althea o ano. Isa pa't di niya kilala si Althea.

"K. What can I do? It happened." Halata naman sa boses nito ang paglungkot sa nagawa ko kagabi sa kanya.

Alam kung mali ang nagawa ko sa kanya and I decided to give her a favor from me para makabawi ako sa nagawa ko sa kanya.

"Mmp. Best? Ganito na lang. Dahil free time ako mamaya punta tayo kahit saan." Kahit always naman akong free time. Wala rin naman akong ibang ideya ei. No choice.

"Talaga?" Bibong tanong nito sa akin sa kabilang linya.

"Oo. So, ano na? Where to go later?"

"Mmp. Cool. Ill pick you up na lang later diyan sa house niyo. Tulog muna ako" sabay baba nito ng telepono.

Wow! Tingnan mo nga naman ako pa talaga ang susunduin ng bestfriend ko. Haha. I dont have any idea kung saan niya ako dadalhin mamaya basta ang alam ko for now Im so much happy.

Althea's P.O.V
Tamang-tama naman ang dating ko at dumating rin si Chynna kasama si Wila sa condo ko. Ano na naman kaya tong sadya ng dalawa to sa akin?

"So, anong balita?" Tanong ni Chynna sa akin habang sinusundan ako.

Di ko rin alam kung anong sinasabi ng baliw na to kaya binalik ko sa kanya ang tanong.

"Anong balita?"

"Sa inyo ni Jade?"-Chynna

Napangiti naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Jade.

"Wala." Tipid kung sagot habang di pa rin mawala sa mukha ko ang ngiti.

"Anong wala?"

"Wala nga. Kulit mo. Samahan niyo na lang ako mamaya sa RK mag gi-gig ako dun." Pag-iiba ko ng topic.

"Ayaw ko".-chynna

Alam ko na kung bakit ayaw niya.

"K. Fine. Libre ka ng kumain dun."

Bigla naman itong tumawa sabay suntok sa ere. mabuti na lang walang multo sa condo pagnagkataon. Haha

"I love you besh! Yan gusto ko sayo ei. Ang dali mong kausap." Sabay ngisi.

Jade's P.O.V
Its been 20 minutes past na rin pero di pa rin dumadating si Sheena. Sabi niya kasi susunduin niya ako dito sa bahay.

A Relationship That Doesn't Exist(ForKeeps Rastro)Where stories live. Discover now