M.U ~ Same Feelings 2 ~

90 3 0
                                    

"Mr. U?"

Hindi parin nito binibitawan ang kamay niya.

Nang makita ni Lyka ang pagtulo ng luha nito ay nakaramdam siya ng awa.

~ Haaay... Anu bang gagawin ko dito... Paano ko ba siya mapapatahan, wala pa naman to sa wisyo...~

Nang maalala niya ang ginagawang pagpapatahan sa kanya ng tinuring niyang ina, sa tuwing umuuwi siya sa bahay nila ng umiiyak dahil sa panunukso ng mga kalaro nito.

"Halika nga..."

Niyakap niya ito at hinaplos-haplos ang likod nito.

"Shhh... Wag ka ng umiyak, hindi naman kita iiwan...

Tatahan na yan..."

~Tsk! Anu bang sinasabi ko...

Tandaan mo ginagawa mo lang to para tumigil na siya..~

"Alam kong buhay pa si Aaliyah.."

Nagulat si Lyka sa sinabi nito.

"Ha... Ah... Oo, buhay pa nga siya... Naniniwala ako sayo..."

~Kakaiba rin ang lalaking ito, baby pa lang siya ng mamatay na ang kababata niya pero hindi siya sumusukong makikita niya parin ito...

Pareho lang pala kaming umaasa sa mga taong ni minsan ay hindi namin nakilala o nakausap man lang...

Mukhang totoo nga ang kasabihang "There's always a reason behind everything...~

Tama, umaasa si Lyka na muli niyang makikita ang mga magulang niya... At ni minsan hindi niya nagawang magalit dito dahil alam niyang may dahilan ang mga magulang niya kung bakit siya nagawang iwan ng mga ito..

Hindi niya namalayan pero mukhang nadala narin siya sa mga nangyari.

"Nakakainis ka naman eh! Dinamay mo pa ako sa ka dramahan mo... Pati tuloy ako naiyak na..."

Nagulat siya sa sumunod na mga nangyari ng bigla itong kumalas mula sa pagkakayakap at hawakan ang mukha niya,pinahid nito ang mga luha sa kanyang mata.

"Sandali, Mr. U? Anung gagawin mo?..."

Ngunit nakatitig lang ito sa kanya.

"Aaliyah..."

"Hindi ako si!..."

Naputol na ang sasabihin niya ng bigla siya nitong halikan sa labi.

Damang-dama niya ang init ng labi nito at kaba sa dibdib niya.

Sa gulat niya ay naitulak niya ito palayo.

"Bastos!"

(PAK!)

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito.

Nagmadali siyang umakyat sa kwarto at iniwan ang lalaking nakaupo na parang walang nangyari.

~Sabi na nga ba, mananamantala lang siya...~

Mukhang siya ang nasaktan sa ginawa niyang pagsampal dito dahil halos mamaga ang palad niya.

~Araaay... Ang sakit ha, di ko alam na ganun pala katigas ang mukha nun... Aish!~

~Teka, bakit ko ba ginawa yun? Wala naman siya sa sarili bakit ko ba siya pinatulan...

Pero mali rin naman ang ginawa niya no!, dapat lang yun sa kanya...~

~ Kinabukasan ~

Mabilis na bumaba si Lyka upang silipin ang lalaki, ngunit mukhang umalis na ito.

"Haaay... Buti na lang umalis na sya, hindi ko alam kung anung sasabihin ko pag nakita ko ulit siya..."

~~~

Kindly VOTE and drop down your Comments if you like it!

Thank you for reading!!!

Mr. Unknown (BOOK 1 COMPLETE)Where stories live. Discover now