Revenge 6

9K 213 5
                                    

B L A I R 

"Ha? Ako? Ano naman kailangan mo sa akin?" Milagro hinanap ako ng kumag na to. Ano nanaman kaya ang pangbobolang gagawin ng hinayupak na to.

"Itigil mo na yung kay Olivia." Mabilis niyang pahayag sa akin.

Napacross arms naman ako sa sinabi niya. Inuutusan niya akong tigilan si Olivia? "So you've heard the news?" Sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako.

"Sorry Dylan. I just can't" Sabi ko sa kanya. Well if he wanted me to stop dapat a long time ago palang pinigilan na niya yung maharot niyang girlfriend! Nakakaloka silang dalawa. Magsama silang mga walang konsensya! Nakakaimbyerna sila.

"Bakit ba hindi mo kayang itigil yang ginagawa mo sa kanya! Hindi ka naman ganyan dati ha!" Sigaw siya ng sigaw. Nainis ako kaya naman I slapped his face.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sa akin ng tigilan ko siya. Bakit? Sino ka ba? Ano ba kita?! Matagal ko ng kinalimutang ma--" Napatigil ako. Ayoko na ituloy yung sasabihin ko sa halip ay tumakbo nalang ako palayo pero naramdaman kong hinabol niya ako.

"Teka lang kase Blair!" Sabi niya sabay hablot sa braso ko.

O_O

Sobrang lapit na mukha niya sa mukha ko. "Ituloy mo yung sinasabi mo kanina." Sabi niya sa akin. Tinignan ko siya with a weird look. Ha?

"Itutuloy mo o itatanong ko?" Ano daw? Hindi ko gets. Nawiwindang kase ako sa mukha niya. Letche why so gwapo naman kase hinayupak kang lalake ka. T_T

"Ewan ko sayo! Wala akong sinabi at wala akong sasabihin." Sabi ko nalang sa kanya. Tinignan lang niya ako ng mabuti at ramdam na ramdam ko ang pagkaseryoso niya.

"Ano ba, tigilan mo nga ako!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Tatalikod na dapat ako ng bigla nanaman niya akong hinila. This time hindi na malapit yung mukha namin dahil sa sobrang lapit... naglapat na ang mga labi namin.

Revenge of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon