NICA'S POINT OF VIEW
Haaay. Boring boring boring!!! Ewan ko ba kung bakit tinatamad ako ngayon. Alam ko na! Try nyong tignan si Sabrina for sure tatamadin din kayo. Swear!!
Idagdag pa tong subject namin. History! Kaloka ha! Di naman sa hate ko to. Pero hello? Past is past di na dapat binabalikan, masasaktan ka lang! Huwaaat?! San galing yun?! Hahaha. Joke lang yun! Wala maisip eh. :P Back to normal na ang lahat kasi tapos na ang maliligayang araw namin, dahil tapos na ang Sport's Fest!
Bagal pa magsalita nitong teacher na to. Anu bang name nya? Sir Bagalan. Oo, tama! Bagay nya yung name nya. Waaah! Mababaliw na ko dito. I need AIR! Ok, ang drama ko na. Katamaaad!!!
*KRIIING!!* (bell)
Oyaaas! Lunch time na! Bigla akong nabuhayan!
*tok.tok*
Oh yung Advicer namin na teacher din sa English. Anu kelangan mo Ma'am? Pwede pakidalian kasi gutom na ko. Sarap sabihin nun eh. Pero dahil maganda ako wag nalang.
"Ok class, see you tomorrow." sabi ni Sir Bagalan at umalis na tyaka umextra naman si Ma'am Advicer.
"Class, maupo muna kayo. May announcement ako." sabi ni Ma'am. Bayan! Gutom na meeee! Konting tiis nalang tummy makakalamon na rin tayo nyan. Yung mga classmate namin ang iingay kaya di makapag-umpisa si Ma'am.
"Maupo kayo!" sigaw nung Class President naman, pero no effect.
"Guuuuys! Respeto naman!" sigaw nung isa naming kaklase. Kaloka! Di talaga mawawala yang salitang yan sa classroom.
"Class! Keep quiet kung gusto nyong makapag-recess na." sigaw ni Ma'am kaya tumahimik ang klase. "Siguro familiar naman kayo sa exchange students diba?" tanung ni Ma'am.
"Yes Ma'am." sagot namin.
"Good. Nextweek darating na yung mga exchange students dito for one week lang sila 9 representatives tayo by level, tatlo ang kukunin sa first section, same with the second and third section, di na kukuha sa 4th at 5th section. So yun nga bali 9 representatives by year level. Bukas ko sasabihin kung anung school ang naitapat satin at sasabihin ko rin bukas yung mga napili kong representatives dito sa section natin. Thats all you may go now." at umexit na si Ma'am.
Lumabas na agad kami at pumunta sa canteen.
"Sino kaya ang matatapat na school satin?" sabi ni Yana.
"Sana naman mababait yung mga exchange students." Cassey
Haay. Exchange students nanaman. Alam nyo ba kung anu yun? Syempre dahil maganda ako ipapaliwanag ko. Ganito kasi yun gaya ng sinabi ni Ma'am, yung mga students na mapupunta dito mag-oobserve sila kung anung klaseng school ang mapupuntahan nila at kung panu ang education dun.
Pataasan yan ng points, students naman ang magrereport. Kung magkaroon man ng dayaan, bahala na sila. De'joke! May mga Supervisors din na ipapadala para mag-check. Syempre ang pinakamagandang feed back ang maisasama sa "Top 3 Finest School of the Year" sa buong PILIPINAS! Odiba? Bongga, may ganun pang kaek-ekan!
Naging representative na rin ako nung 1st year, pati si Sab at yung isa naming nerd na classmate. At dahil maganda ako, kakain na ko dahil nandito na ang mga pagkain namin!
SABRINA'S POINT OF VIEW
Wala talaga ako sa mood ngayon, ewan ko ba -___-
"Himala! Tahimik ka Sab, anung meron?" tanung ni Cyrus.
"Oo nga walang Sabrina na taklesa ngayon." wow naman Zyrene, makataklesa lang!
"Sis, may problema ba?" tanung ni Cassey.

YOU ARE READING
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...