♡ Ms. Simple

1.4K 27 6
                                    

MS. SIMPLE 

Dedicated to Ate Alxsn. ♥

- - -

"Kenny! Huwaaaah~ Tignan mo oh! Bagay sayo 'toh!" Sabi ni Ate Eireen habang hawak-hawak ang isang damit na may butas na heart sa likod. 

"Err, lalamigin ako dyan."

Agad naman niyang ibinalik ang damit sabay pout. Pinipilian niya kase ako ng mga damit na medyo.. medyo girly. Err, sabi ng ayaw ko nung mga ganun eh.

Anniversary kase ng company ng president ng school council. Gusto naman daw niya kaming imbitahin. Sino ba naman ang hindi tatanggi, eh sa gwapo niyang yun. Tss. Actually, di naman yun ang dahilan kung bakit ako pupunta eh, pinilit lang ako ng bestfriend ko. Saka, classmate naman namin si prez eh. And.. well, I have my own reason why. 

"Ay eto eto! Wala ng butas sa likod 'toh." Pinakita naman niya sa akin ang isang sleeveless na floral dress. 

"Masyadong bulaklakin."

"Eh kaya nga floral eh! Ano ba? Ilang shop ba ang pupuntahan natin ha? Tignan mo nga oh, ang rami rami ko ng hawak! Lahat nalang ng pinipili ko sayo, ayaw mo! Ayan tuloy, ako nalang ang bumili. Hmph.

Ba't naman kasi niya ako pinipilian ng damit, eh hindi ko naman sinabi na gawin niya yun ah. Saka, matagal pa naman yung party eh. 

"Bukas na yung party, Kennedy! Ang tagal tagal mong--" Blah blah blah. Matagal pa. Bukas pa naman eh, di pa naman ngayon. Saka, marami naman akong pwedeng pag-pilian sa closet ko eh. 

"Kennedy ano ba--"

Kumuha nalang ako ng kung ano-ano para tumigil na siya sa kadadakdak. Di ko nakita yung dinampot ko pero, whatever. Alam kong mag di-disagree din naman siya kase random lang ang pagpili ko. Mostly yung parang pambahay, yung di maayos, panget yung design, masyadong loose, o kaya, pang-manang.

"Eto.

Agad naman siyang natulala sa hawak ko. Bakit, ano bang meron sa hawak ko? Di naman siguro gown yung nadampot ko, o kaya bikini, o kaya--

"Magi-skirt ka, Aerie?" Hah? Skirt? Ba't ko naman susuotin yun. Agad ko naman tinignan yun nadampot ko. 

"A-ahh, hehe, w-wala, ano, nadampot ko lang pero, hindi, hindi ko 'toh susuotin h-hehe." Pautal-utal kong sabi. Eh kasi naman eh, isang peach skater skirt ang nadampot ko. Err, lalamigin ako neto. Gabi pa naman yung party.

"Ayy ayy! Ang cute kaya! Akin na nga! Basta, eto na ang susuotin mo ha? Wala ng bawian, eto na napili mo."

Agad naman niyang inagaw yung skirt na hawak ko. Aish, sinabi ng hindi yun yung susuotin ko eh. 

One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon