♡ Library

168 8 9
  • इन्हें समर्पित: sodalite
                                    

LIBRARY

- - - 

"Kassie! Pinapahanap ni Pres yung librong gagamitin para sa play!"

"Nasa old library lang daw Kass!"

"Good luck nalang Kassie! I'll pray for you!"

Tinanguan ko nalang sila. Lakas din ng trip nung Pres na yun eh, ako pa talaga inutusan kumuha ng libro sa library eh alam naman nilang matatakutin ako at magugulatin. Buti sana kung may willing na sumama sa'kin eh, kaso wala. Ano nga bang meron sa library na yun at ayaw nilang pumunta?

Dalawa kasi library namin dito, yung isa, nandito lang sa Building A, 3rd floor, yun yung bago. Yung luma, nasa Building C, 4th floor. Nasan yung libro? Nasa luma. Nasan ako? Building A, 2nd floor. Galing 'no. NOPE.

Abandoned kuno daw yung library na yun. Hindi na nga daw inayos mga ilaw dun eh. Porket ba may bago na, kinalimutan na agad? Ayos ah. Ice yan mga 'tol. Saka sabi nila, may mga nagmu-

"O ba't nandito ka pa?"

"Ay multo!"

Napatingin naman ako sa likod at nakita ko si Pres na tumatawa. Tapon ko 'tong upuan sa bunganga niya eh! Nakanang.

"Masyado naman ata akong gwapo para maging multo?" Nag-smirk naman siya, kala mo naman bagay sa kanya. Feeler alert! Pero uy, bagay naman talaga ih! Mas lalo siyang nagiging hot! Ay ay i-preno mo yang mga iisipin mo Kassie! Damn you, Trent.

"May problema ka na nga sa utak, meron pa sa mukha! Ngayon sa mata naman! Aba malupet!" Tinawanan ko naman siya sabay kuha ng bag ko, patay malisya.

"Geh Pres panget, kukunin ko na yung libro para sa play. Ciao!" Dinaanan ko lang siya sabay flip ng aking hairlash. Siya? Mouth Open Open.

- - - -

Ano ba naman yan, paakyat palang ako, gusto nang tumalon ng kaluluwa ko palabas ng building na'to. Oy Kassie, ang layo na ng narating mo, ngayon ka pa uurong! Wag ganun! 

Gusto ko sana magsalita, kaso baka may ma-istorbo ako, you know, the "peeps" or should I say, the "souls", if you know what I mean. It's kinda hard to think about them while you are in a place like this. Do you believe the situation? Makiramdam kayo oy.

Don't let them in, don't let them see. Be the good girl you always have to be. Conceal, don't feel, don't let them know. ~

Paulit-ulit yang kantang yan sa utak ko. It's the only way to calm myself down. Yasss, isang liko nalang, nasa library na rin ako! Yehet! Oha-

"Booo!"

"Ratongbato!"

"AHAHAHAHA!"

Hindi ko na tinignan kung sino man ang walang pusong nanggulat sa'kin. Napatakip nalang ako ng mukha ko, tumulo na kasi mga luha ko. Nakakaasar, weakness ko kasi 'toh eh, napaka-nerbyosa ko kasi, special mention sa kape ko, thank you ha!

"U-uy! Kassie, K-Kassie, sorry! Sorry sorry sorry!"

"Anong magagawa ng sorry mo? Paano kung inatake ako sa puso?! Paano pag namatay ako? Mabubuhay ba ako ng sorry mo?!"

Na-manage ko pang sabihin yan bago ako dumeretso sa library. Binilisan ko ang pagpasok sa loob para hindi ako maabutan nung taong yun. Alam kong susundan niya ako, kaya nagtago ako sa ilalim nung isang table. 

"K-Kassie?" Mahina niyang tanong. Wait, he sounds familiar.

Sinilip ko naman at boom panget! Si Trent lang pala! He is so G-R-R-R! Gaganti ako! Pinunasan ko naman yung mga luha sa pisngi ko. Buti nalang wala akong makeup, natural beauty toh tsong!

Habang papalayo siya, papalapit naman ako, pero syempre, mala-Agent X44 ang peg ko.

1... 2... 3...

"Ayy!"

Matatawa sana ako kung siya yun eh, pero hinde. Ako yun! Nakanang librong yun, dito pa ako mamamatay eh! Hinanap ko naman si Trent, pero hindi ko na siya mahanap! Ugh, sayang!

Halos takasan ako ng kaluluwa ko nang may yumakap sa'kin sa likod. Huhubels, baka nagising ko na sila! Waaaaah. Eto naman si ako, feeling nasa horror movie, unti-unting humarap sa kanya, at boom pogi!

Si Trent lang pala! Nginitian naman niya ako, omigahd ang pogi pogi talaga ni Pres! Nakakatunaw yung ngiti niya mga bruh. Nginitian ko din naman siya sabay bigay ng power hug! Ahihi, landi alert! Bipolar bear lang nuh. Oy wag kayo minsan lang dumamubs eh. Pagbigyan!

Wait what omg did I just -

"Sabi ko na nga ba eh, crush mo rin ako, pfft."

Humiwalay naman ako sa kanya. Boom panesszx ang laway ko. Ang pogi kasi ni Trent ih, kinikilig akooo! Ay nakanang Kassie anyare sayo gurl?! Nasaniban ba ako? Paki-check nga!

"Rin? So crush mo nga ako?" Hah, kala mo ah! Kunyare dedmabels lang pero deep inside boom sabog ang feels! Pa-cool tayo mga bruh.

"Oo naman, mahal na nga kita eh."

"Nako Pres, wag mo'kong pinaglololoko ha nako." Pakipot pa Kass, geh lang.

Ginawa ko naman ang pinunta ko dito, ang hanapin ang libro para sa play. 

"K-Kass, sorry talaga kanina ah."

"So Pres, nasan yung libro dito?" Pag-iibang topic ko. Kinikilig na'ko eh, hindi ko gusto kung san to pupunta. San, tol?

"Sa totoo lang Kass, nasa bagong library yung libro, kasi-"

"What the? The heck Pres?! Seryoso kong tinanggap yung utos mo pero ngayon nasa bagong library lang pala yung librong yun?! Ano yun bigla bang natakot yung libro sa mukha mo kaya lumipad papunta dun sa kabilang library?! Flying book?! Aba'y matinde!

"Kass-"

"Trent!"

"Kassie naman eh."

Naglakad nalang ako papalayo. Kaasar eh, naging seryoso ka tapos malalaman mo nalang na kasinungalingan lang pala lahat! 

"Kassie! Oo sinadya ko yun gawin. Gusto ko kasing makasama ka kahit isang araw lang. Bakit? Kase gusto kita, mahal na nga kita eh! Kaso masyado kang busy sa pag-aaral mo, kaya hindi mo ako napapansin."

Napahinto naman ako. Palihim naman akong ngumiti. Ay nako Kass! Galit ka diba?! Nako iba na ituu.

Humarap naman ako sabay sabi ng, "Wiiih?"

Lumapit naman siya at kinurot ang cheeks ko.

"Oo nga kasi." Tumawa naman siya ng mahina, another weakness of mine. Yinakap naman niya ako, hmm bango! Amo'y ulam na ba kayo? Ako hindi, amoy Trent lang!

"Wag ka nang matakot, nandito na ako para protektahan ka."

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: May 13, 2014 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

One-shotsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें