Chap. 15

1.2K 108 22
                                    

Alas-syete ng gabi tumawag si Cydrian kay Niña..

"Mahal, mahuhuli ako ng kunti sa pag-uwi. Meron lang akong katatagpuin. Kumain kana at matulog."

( Bakit? Nasaan kaba ngayon ? )

"Nandito pa sa office. Paalis narin."

( Sige. Pero Ian, h'wag kang umuwi ng lasing.)

"Oo naman. Matulog kana. Bye!"

( Bye. )

Humugot ng malalim na paghinga si Cydrian. Bago paman sya lumabas sa kanyang opisina; Napahawak sya sa kanyang dibdib.

"This is it Cydrian. H'wag kang umatras. " kinukumbinsi ni Cydrian na isantabi muna si Niña.

Nagmadali syang umalis ang tinungo ang bahay ni Judy. Nasa isang condominium nakatira ang dalaga.

DING DONG DING DONG

Bumukas ang pinto.

"Good evening." Bati ni Cydrian. Nakaayos na si Judy. At lalong gumanda ito sa suot nitong mahaling damit.

"Hello." Balik bati ng dalaga.

"Can we go now?" Tanong ni Cydrian.

"Sure. Kanina pa ako naghihintay sa 'yo." At ngumiti ito sa dating nobyo.

Langhap na langhap ni Cydrian ang pabangong gamit ni Judy. Lalo na't nakapulupot na ang braso nito sa kanya.

"Where do you want to eat?"

" Italian Restaurant. How about you?"

"Anywhere." Tipid na sagot ni Cydrian.

Tinungo nina Cydrian at Judy ang isang Eleganteng Italian Restaurant. Papasok palang sila nagsimula nang lumingon lingon si Cydrian sa paligid. Nagbabaka sakali syang may makakita sa kanila ni Judy. Tinungo nila ang pinakadulong mesa.

"Napakasulok naman ang mesa natin." Napuna ni Judy.

"Umiingat lang ako."

"Ha ha ha Cydrian, walang magagawa si Niña kung makipagrelasyon ka. Dahil wala naman syang kakayahang paligayahin ka. Ang tanging magagawa lamang nya ay tanggapin ang lahat. Wala syang magagawa isinilang syang ganyan. Tsaka, karapatan mong isipin ang sarili mo. Hindi madali na tumanda na walang anak. Maiintindihan karin nya."

"Judy, masasaktan si Niña."

"Look, natural na masaktan sya. Kung hindi nya kakayanin ang lahat..e di iwan ka nya. Cydrian, ang importante meron kang tatawaging anak. Palalayain ka nya.
Tsaka, sa ibang bansa nauuwi sa Divorce ang karamihan sa kalagayang tulad nitong sa inyo."

Napatikum ng bibig si Cydrian.

-------------------------------
Matapos nila Cydrian na kumain, dinala ni Cydrian si Judy sa isang park. Doon sila nagpahangin.
Ipinarada ni Cydrian ang kotse sa gilid ng daan.
Medyo may kadiliman dahil hindi naabot ng liwanag mula sa poste.

"Maglakad muna tayo." Pagyayaya ni Cydrian.

"Ayaw ko." Sabi ni Judy.

"Bakit?"

"Let's stay here." Sagot ni Judy.

Bigla na lang sinunggaban ng halik ni Judy si Cydrian.

Nagulat si Cydrian sa ginawa ng dalaga. Ngunit nadarang sya sa halik nito.

Hindi nya namalayang nailagay nya ang kanyang kamay sa hita ng dalaga..at gumapang ito papasok sa laylayan ng damit.

"Ummmm..mmmm..Ohhh Ian..." Dalang dala narin si Judy. Mas lalo syang nasasabik sa lalaki habang nararamdaman nya ang paggalaw ng mga kamay ni Cydrian sa kanyang katawan.

Three in OneWhere stories live. Discover now