Part 32 : Private Island

11.2K 176 2
                                    

I woke up with a smile on my face like nothing happened.

"Good morning baby." Sabay himas sa umbok sa aking tiyan.

It's 7 in the morning. I'm wide awake and hungry. Kung hindi lang ako buntis, iisipin kong nagiging matakaw na ako. I don't eat heavy breakfast during mornings. I'm contented with a coffee and a slice of bread. Kaya nga siguro ako sexy dati nung hindi pa ako buntis.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Kumpleto na ito sa gamit. Naghilamos lang ako ng mukha at nagbihis. Hindi ko feel maligo ngayon ng maaga. Mamaya na siguro kapag nainitan na ako.

I went down to the kitchen. I saw a man standing at the kitchen sink. Mukhang tapos na siyang magluto kasi hinuhugasan na niya ang kanyang pinaglutuan.

His bare back is facing me but I'm pretty sure he has a good body. Nakapajama lang siya at walang suot na pang itaas.

"Will you wear a t-shirt?" Sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kitchen stool wearing my poker face.

Lumingon siya kaagad sakin at ngumiti. Pinunasan niya ang kanyang kamay at lumapit sakin. Hindi ako nakaiwas ng halikan niya ako sa pisngi. "Good morning beautiful." Still wearing the smile on his face . May kinuha siya sa may lamesa. "For you." Isang piraso ng puting rosas. Sa isang linggo namin na magkasama, araw-araw niya akong binibigyan ng puting rosas. I don't know why. Ang alam ko lang, mahal ang presyo ng rosas ngayon!

"I'll prepare our breakfast. Alam kong gutom ka na ngayon." Saka siya naglakad palayo sa kanya.

I know you are wondering kung sino ang kasama ko ngayon. Well, it's my husband. Scratch that, si Raven. Si Jarred nga pala ang asawa ko. Nasanay lang ako na tawagin si Raven na asawa ko kasi siya ang nakasama ko sa isang bubong sa anim na buwan. Plus the fact na magkamukha silang dalawa.

How did I end up being with him when in fact I want to be miles away from them?


*Flashback starts*

After I left him, I drove my car. I drove without any destination at all. It was never my plan to leave them. I just need some time to think.

Hindi ako sigurado sa gagawin ko. May agam-agam din akong nararamdaman. Madaming 'paano' sa isipan ko ngayon. Gusto kong bumalik pero hindi ko kaya. I'm too weak to do that now.

After an hour, I decided to stay at the hotel first. Doon nalang muna ako mag-iisip ng dapat kong gawin. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ng parents ko dahil panigurado, pupunta doon si Jarred.

Pakiramdam ko napakaswerte ko dahil may nadaanan akong isang hotel. Hindi naman siya kalakihan. Isa siyang 5 storey hotel na malapit sa dagat. Ngayon ko lang namalayan na malapit lang pala ako sa dagat. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na alam kung nasaan ako. Mabuti nalang hindi ako naaksidente.

Kumuha ako ng isang room. Yung tama lang para sakin. Isang gabi lang naman ako dito. At kailangan ko din budgeten ang pera ko.

Pagkakuha ko ng susi, dumiretso na ako sa kwarto ko. Room 213. Nakaharap ang kwarto ko sa dalampasigan. Ang gandang pagmasdan ng buwan mula dito.

Naligo ako at nagbihis. Matutulog na muna ako pagkatapos nito. Bukas ko na iisipin kung saan ako tutungo. Habang nasa banyo ako, may biglang pumasok sa isip ko.

"Tama!" Halata ang excitement sa boses ko. "Pupunta ako sa Batanes." It has been a dream for me to go to Batanes. Simula bata pa ako parati kong sinasabi sa sarili ko na pupuntahan ko ang lugar na iyon kapag tumanda na ako. At siyempre isasama ko doon ang taong mahal ko. Bukas, pupunta ako doon kasama ang anak ko. ^^

Substitute Groom [COMPLETED]Where stories live. Discover now