Chapter 43 CONVO: Discussion

3.4K 68 5
                                    

Chapter 43 CONVO: Discussion


***ANALINE POV***

NANGHIHINANG napahawak ako sa kalapit na pader, hindi ko na kasi kaya ang maglakad. Medyo may kalayuan pa ang tinutuluyan kong silid. Pitong hakbang na lang yata. Hindi na ako umabot pa sa pinto.


Pakiramdam ko kasi, ang bigat-bigat ng katawan ko. Sobra-sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko. Ang mga mata ko naman ay sobrag hapdi na. Ang sakit-sakit, nasasaktan na naman kasi ako.


Kanina, nasaksihan ko kung paano pangaralan ni Timarrie ang anak niya. Hindi ko mapigilan ang mainggit sa kanya. Ang masaktan ng husto sa mga ginagawa niya.


Pinapaalala niya lang sa akin ang mga anak ko. Kung paano ko sila pangaralan nang mga sandaling kasama ko pa ang mga ito.


Nate! Nathy!


Hindi ko na napigil pa ang sarili, naluha na naman ako. Ang hirap kasi e! Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa akin ang lahat? Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin ang bagay na yun?!


Nang dahil sa labis na panghihina napahilig ako sa pader, pa-unti-unti akong napadaosdos hanggang sa mapaupo na ako sa sahig at impit na umiyak.


Ang hirap. Nahihirapan na ako. Bakit kasi ang unfair e? Nasaan na ba ang hustisya? Saan ka ba nagtago? Kailangan kitang makita para naman makatikim ka sa akin ng sandamakmak na pangaral. Hindi ka na naawa sa mga anak ko! T__T


"Nate..." walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Labis-labis na akong nangungulila sa mga anak ko. Nag-aalala ako ng labis sa kalagayang meron sila ngayon. Kung ano na ang ginagawa ng mga masasamang loob sa kanilang dalawa. "Nathy..."


Si Nathy, babae pa naman siya, baka... baka... gawan siya ng hindi maganda!


Sa naiisip na masasamang bagay mas naluha lang ako lalo. Sinapo ko ang bibig para naman pigilin ang malakas kong hikbi. Hindi ko masisikmura na may mangyaring hindi kanais-nais kay Nathy o kay Nate.


Hinding-hindi!


Mula sa isang hikbi, hindi ko na napigil ang umiyak ng todo. Ang magpakawala ng ingay habang walang tigil sa pag-iyak.


Ang hirap! Nahihirapan na ako! Ayoko na! Hindi ko na kaya!


Sa loob lang ng ilang sandali, nabaon ang luhaan kong mukha sa kung sinong bisig. Kahit hindi ko makita ang pagmumukha ng nilalang na ito, natitiyak ko na siya ito.


It's him. It's hundred percent him! He followed me!


"Ssssssh..." aniya, masuyong hinihimas ang buhok ko. "Stop crying..."


Iling lang ang tanging nagawa ko, hindi ko kayang sundin ang kagustuhan niya. Paano ko magagawang itigil ito? Non-stop na e. Nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Failure na nga yung pag-save sa mga anak ko kahapon, pinapainggit pa ako nung si Timarrie. Isama niyo na rin na kung anu-ano na ang iniisip ko tungkol sa kalagayan nina Nate at Nathy. Hirap na hirap na ako. Parang unti-unting pinapatay at dinudurog ang buo kong pagkatao sa sobrang sakit.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now