Chapter 1:

7.3K 94 1
                                    

"Liziel..! Nasaan ka na ba?" ang galit na galit na si Aling Lydia.

"Lola, andito po ako sa labas naglalaba." ang sagot ng limang taong gulang na si Liziel na sa murang gulang ay nagbabanat na ng buto. Kasi kung hindi bugbog sarado sa lola niya.

"Ang tagal mo naman, kanina ka pa riyan!"

Hind na nga matapos tapos ang trabaho ng patpating bata. Hindi pa nakuntento ang babae nilabas niya ang bata at nginudngod sa batyang may sabon. Napaka kawawa ang bata, nagkakawag ito.

"Tama na po lola, maawa na po kayo." ang nagmamakaawang si Liziel. Imbis na kaawaan ay sinabunutan pa ito.

"Kanina pa kita tinatawag pero ayaw mong lumapit sa akin." sabay duro sa bata.

Walang nagawa ang bata kundi ang sumunod kay aling Lydia, na sa idad na 45 ay galit sa mundo at kay Liziel lahat ibinunton ang tampo sa mundo.

Lumaki si Liziel na pananakit ang natatanggap mula sa lola niya. Hanggang siya na ang naghahanapbuhay mula ng magkasakit si aling Lydi
Si Liziel na ang kumakayod upang mabuhay silang maglola, ipinasok siyang dishwasher sa beer house ni Mang Douglash. Kahit papaano may naiuuwi siyang ulam iyong mga tira tirang pulotan, itinatago niya iyon at pagdating sa kanila ay pinapagalitan pa siya ng lola niya.

Sa murang gulang ay natuto siyang makipaglaro sa buhay, nagsimula ito noong kinse anyos pa lamang siya ng unang sumama sa isang kustomer.

Kahit ayaw niya wala siyang magagawa dahil kailangan ng pera para sa gamot ng lola niya at pambayad ng upa. Kahit alam na niya kung anong mangyayari ay inakabahan parin siya lalo pa't ang alam niya ay babayaran siya ng malaki dahil virgin pa siya.

Pagkatapos ng araw na iyon ay lalo niyang napagtanto na kailangang hindi siya pa iisa, kung kailangan nila ang katawan niya ay kinakailangang sa tamang halaga.

Noong una nandidiri siya sa kanyang sarili, subalit ano ang magagawa noon kung iisipin niya, walang gamot ang lola niya, wala silang makain.

Kung minsan tinatanong niya ang Diyos kung ano ba ang kasalanan
niya at bakit siya pa ang nakaranas ng ganon kalupit na kapalaran. Kung minsan pinapanalangin na lamang niya na sana hindi nalang siya nabuhay sa mundo.

Ang sabi ng lola niya, mula ng ipinanganak siya ay iniwan na siya at sana daw bayaran niya ang pagpapalaki sa kanya.

"Liziel ano kaba? Bakit nagtitiis ka sa matandang iyan! Bakit hindi mo nalang layasan iyan!" isa sa kanyang kasama sa beerhouse si Rose.

"Saan naman ako pupunta at isa pa, siyang lang ang pamilya ko.

"Kung ako, nagpapakahirap tayo rito sa beer house, tapos pag uwi sampal pa aabutin ko? Nako! Baka malason ko pa siya.!" ang singit naman ni Sheryl.

"Ay sus! Akala mo siguro na hindi namin alam na binubogbog ka ni Gardo Sheryl! Kaya huwag mo kaming pangaralan.!" si Karla ang bading sa grupo.

"Inggit ka lang kasi hindi ikaw ang pinatulan ni Gardo ko!" ang mainit na sagot ni Sheryl.

"Tama na iyan, baka magsabunutan na naman kayo?" ang floor manager.

Pagkatapos sumayaw ni Liziel ay nilapitan siya ng FM upang ipaalam na may kustomer na
naghihintay sa iyo."

"Sige, mamo susunod na po ako." nagmamadali siyang nagbihis at lumabas na.

"Hi...! I'm Joseph."

"Hello! Ako naman si Liziel."

"Pwede, na ba tayong umalis?"

Tumango na lamang siya at nagulat siya dahil sa may baywalk sila pumunta at kumain ng balot.

"Siguro nagtataka ka, kung bakit dito tayo, pumunta. Gusto ko lang ng kausap."

"Ganon ba, okay lang."

"Ang gwapo naman niya at mukhang propesyonal ang fafa." ang bulong niya sa sarili.

"Bakit mukhang malungkot ka nga?"

"Hindi naman masyado. Iniwan lang naman ako ng bride to be ko." sabay tayo ng binata upang hindi makita ng dalaga ang luha niya sa mga mata.

"Saan ka pupunta?" ang nagulat na si Liziel.

"Diyan ka lang, kukunin ko lang ang pagkain sa kotse."

" Gusto mo bang tulongan kita?"

"Huwag na, diyan ka na lang, saglit lang ako."

Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong binata. At dahil sa halos madaling araw na ay malamig ang simoy ng hangin at ang hampas ng alon sa dalampasigan ay nakatulog ang dalaga at hindi
niya namalayan na nakabalik na ang binata.

"Pagod na pagod ang hitsura niya? Sayang kung iba lang sana ang trabaho niya siguro, hindi malalayo na magustuhan ko siya." ang bulong binata sa sarili habang nakatingin sa dalaga na natutulog. Hindi na niya ginising ang dalaga at bumalik ang sa alaala ng binata ang pang iiwan sa kanya ng fiancee sa harap mismo ng pari.

"Bakit mo nagawa sa akin ito, Princess? Minahal kita, sinamba, at inilagay sa pedistal. Pero bakit mo ako nagawang saktan?" ang sigaw ng binata sa kawalan na siyang ikinagising ng dalaga.

"Joseph? Ano ang nangyari sayo?" ang tanong ng natarantang si Liziel.

"Pasensiya na! Nagising ba kita?" ang nag alalang binata.

"Hindi okay lang ako, ano ka ba?" ang tatawa tawang dalaga.

"Sige, kain na tayo para makauwi ka narin at mag uumaga na."

"Sige, para ikaw din, kasi mukhang galing ka pa sa opisina mo?"

"Ayos lang ako, siya kain na tayo."

Masaya silang kumakain ng maagang almusal.

Hindi na siya nagpahatid sa binata at kahit ayaw ay napilit niyang
na hindi na siya ihatid at hindi na nagpumilit pa.

Sinundan na lamang niya ang papalayong kotse ng binata at umalis na rin ang dalaga at humanap ng taxi at umuwi na.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon