Chapter 7:

2.9K 73 3
                                    

Nagising si Joseph na masakit ang kanyang ulo dahil sa naparami ang nainom niya noong nakaraang gabi.

"Morning hijo!"
Hinalikan ng binata ang kanyang abuela.

"Lola, may lakad po ba kayo?"

"Pupunta lang kami ni Emirald sa salon, marami na kasi akong puting buhok, naisip naming magpakulay."

"Mabuti pa nga lola, para makalabas naman kayo."

"Ikaw hijo, wala ka bang lakad?"

"Wala po, masakit pa po ang ulo ko. Magpahinga muna ako, kasi gusto ko yatang pumunta ng Boracay."

"Mabuti pa nga hijo, malay mo, doon ka makakita ng girlfriend."

"Wala na ako balak maghanap lola, baka lalo lang hindi ko siya mahanap."

"Gano'n ba, sige ikaw na ang bahala."

~~~~

"Liziel, may mga bigatin tayong kustomer!" ang balita ni Sheryl sa kanya.

"Sige, lalabas ako maya maya lang."

"Hello po, welcome sa 'L SALON' mga ma'am."

"Hija, ano ang magandang gawin sa mga buhok namin." ang tanong ni Doña Mangkikis.

"Gusto niyo po ba na kulayan natin?" ang tanong ni Liziel na halatang kinakabahan baka kasi makilala siya ng matanda.

"Ikaw nalang ang bahala hija, at pagandahin mo kami lalo." ang biro ng mga doña.

Kahit marami silang kustomer ay ginawa nila na satisfied ang bawat isa at nakikita ito sa mga ngiti ng bawat kustomer na lumalabas sa pintuan ng kanyang salon.

~~~

Isang araw habang naglalakad si Joseph sa isang mall.

"Liziel? Ikaw ba iyan?" walang ibang salita bigla nalang niyang niyakap ang babae at hinalikan kahit nasa karamihan.

Na tinanggap ng babae na nakanganga pa dahil din sa pagkabigla, pareho nilang hindi inasahan ang isa't isa na magtatagpo ang kanilang landas sa mismong araw na iyon.

Bumalik lang sila sa katinuan ng marinig nila ang palakpakan ng mga tao mall goers.

"Hindi ako hihingi ng pasensiya, kasi matagal ko ng gustong gawin iyan sa'yo, at kung magagalit ka sampalin mo ako." sabay lapit ng pisngi niya sa dalaga na halatang shocked parin sa tagpong iyon.

"Iwan ko sa'yo!" sabay talikod ng dalaga na pilit itinatago ang saya na nadaram dahil sa wakas nakita niyang muli ang lalaking, kinasasabikan.

"Saan ka pupunta? Huwag mo sabihing iiwanan mo ako dito?" ang wika ng binata na halatang pigil din ang emotion. Subalit tuloy tuloy parin ang dalaga.

"Liziel! Sandali lang, mag uusapa naman tayo. Matagal na kitang hinahanap, nalulungkot ko noong nawala ka."

Pagkarinig ng dalaga sa sinabi ng binata ay para itong kotse na biglang nagpreno at lingon niya na naging dahilan sa pagkasubsob niya sa dibdib ng binata at naroon na naman iyong pakiramdam na ligtas siya kapag nasa bisig ng binata at matagal niyang pinanabikan iyon. Magpapakipot pa ba siya? Pero nagtatampo siya dahil ang tagal niya itong hinintay noon na puntahan siya sa bahay nila. Pero ngayon nandirito na sa harapan niya at kayakap pa niya sa harap ng maraming tao.

"Kanina lang tinakbuhan mo ako, tapos ngayon nakayakap ka pa sa akin, abuso na 'yan Liziel." ang biro ng lalaki.

"Gusto mo naman! Bleeh!" ang tatawa tawang dalaga upang ang hiya at higit sa laha ang kanyang pananabik sa binata na kahit anong gawing tago ay nahalata naman ni Joseph at maging ito man ay gano'n din ang nadarama sa mga oras na iyon.

"Saan ba tayo puweding makapag-usap?"

"May salon ako dito. Doon nalang tayo, may maliit akong opisina." ang sagot ng dalaga na hindi na nag abala pang alisin ang kamay niya na hawak ng mahigpit ng binata.

Pagdating sa salon ay halos lahat ng mga mata ng tauhan at kustomer ay sa kanila nakatotok. Pero hindi nila pinansin iyon, tuloy tuloy, sila sa loob.

Maliit lang ang kanyang opisina pero, masinop ito may sofa, maliit na shower room. Kasi kapag nalulungot siya at ayaw umuwi ay doon nalang siya natutulog, hindi naman siya lumalabas para hindi masita ng guwardiya.

"Maupo ka. Ano gusto mo?"

"Ikaw ang gusto ko." sabay hila sa dalaga sa sofa at napakalong siya sa binata at naghalikan sila. Lahat ng panahon na nanabik sila sa isa't isa ay pinakawalan nila. Wala silang pakialam basta ang mahalaga ay maipadama nila ang kanilang pananabik sa isa't isa. Mabuti nalang at hindi dinig sa labas ang awit ng kanilang pag ibig.

Nagpa ubaya siya sa binata, bawat indayog ng kanilang katawan ay sinasabayan nila ng mga salitang nagpapahayag ng pagmamahalan nila na parang musika sa kanilang pandinig.

"Hindi ako hihingi ng sorry sa ginawa ko sa'yo, kasi dapat matagal ko na nating ginawa ito dahil alam kong ganon din ang naramdaman mo. Mahal na mahal kita Liziel at sana huwag ka ng lumayo pa sa akin."

"Pangako, saka na ako lalayo kapag ikaw mismo ang magsabi sa akin."

At muli nilang ninamnam ang kanilang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon at nakatulog silang magakayakap sa sofa at nanalangin na sana hindi na sila muli pang mawalay sa isa't isa.

Samantalang sa labas ng opisina ay nagsara na ang salon at hindi nalang nag abala pa ang mga tauhan na katukin sila at nagdarasal na sana tuloyan ng maging masaya ang kanilang kaibigan.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon