IV ~ Chapter 3 (That Moment With Him)

11.5K 340 7
                                    

**Rence**

"Wag kang titigil hangga't di mo nalilinis ang buong hallway dito sa second floor pati sa baba.. Pati nga pala yung attic pakilinis"


Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko yung sinabi nung lalaki nayun.. Ewan ko ba kung bakit siya ganun makisama sakin.. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero ginaganito niya ako.. May mali ba sa pagiging bakla?? Urrrrgghhh.. Angel pa man din ang pangalan nung gago nayun, kasingsama naman ng devil yung ugali.. Kasura!!!!!!! Kung may iba lang sana akong boarding house na malilipatan, di ako magtitiis sa isang to.


Ako nga pala si Rence Eite Villaflores.. 17 years old at transferee sa school kung saan nag-aaral si Devilman este si Angel pala.. Matangkad, maputi, matalino, mahiyain, masipag mag-aral and most important, gwapo, but I'm a gay.. Wahaha


Kanina ko pa nililinis yung first floor at super pagod na ako.. 12: 44 am na.. Siguradong masakit na naman ulo ko kinabukasan. Urrrggghhhjhhh!!! Nakakabeastmode yung lalaki nayun.. Paakyat na ako sa third floor slash attic para linisin yun.. Grabe! ang creepy! nasa labas pa lang ako pero kinikilabutan na ko.. Attic nga ito..


*eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee*


Pati yung pinto nakakatakot yung nililikhang tunog.. Teka, bakit ang dilim???? Di naman ako takot sa dilim pero parang meron na ngayon.. Ikaw ba naman paglinisin mag-isa sa madilim na lugar.. Urrrgghhh... Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang,


*Blaggggggggggggg!!!!!!!!!*


Sumara yung pinto!! Oh my God!!! Ayaw mabuksan!!! Nalock ako!!!! Ayokong makulong dito!!!!! Susubukan ko na sanang katukin ng malakas yung pinto para makahingi ng saklolo kaso naalala ko yung rule ni Sunget..


"First, ayoko ng maingay. Maaari mo kasing maistorbo ang ibang boarders ko dito pag nagkataon"

Nakaramdam ako ng takot mula sa paggawa ng kahit na anong ingay kaya napaatras ako at may naramdaman ako sa likod ko..


O.o      

Nang biglang may naramdaman akong gumagapang sa leeg ko.. Nagpanic ako pero pinigilan kong sumigaw.. Napaatras ako at may natapakan akong bilog na bagay at naout of balance ako..


*Blaaaaggggggggggggggggg!!!!!!!!!*


Naramdaman kong tumama yung ulo ko sa pader at nakaramdam ako ng hilo.. Sakto namang bumukas yung pintuan at may naaninag akong lalaki..

"Rence!!!!!!!!!" Sigaw niya at nagtatakbo palapit sakin..






**Angel**

Quarter to one palang ng madaling araw at naalimpungatan ako dahil sa pagkalabog ng pinto.. Tandang-tanda ko ang tunog ng pinto nayun.. Iyon yung nasa attic.. Naalala ko lang na di ko pa pala napapaayos yung lock nung pinto doon.. Pagnaiwan ka sa loob at biglang sumarado yun, lagot ka unless may magbubukas mula sa labas.. May nakulong na na boarder doon at buti nalang napadaan ako doon kaya nabuksan ko ang pinto.. Hayyyyyyyyssssss... Sino naman kaya yung nalock dun??? Dali-dali akong pumunta sa third floor kung saan nanduon yung attic.. Nasa tapat na ako ng pinto nang bigla ulit may kumalabog kaya binuksan ko na agad..



"Rence" sigaw ko. Kahit medyo madilim noon, naaninag ko pa din siya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at chineck kung anong nangyari sa kanya..



"Rence, anong nangyari??? Bakit may kumalabog?? Ok ka-----"


*Blagggggggggggggggggggg!!!" Naputol yung sasabihin ko nang biglang sumara yung pinto.. Oh no!!! We're lock!! Pero mas inaaalala ko si Rence.. Kahit kasi malaki ang galit ko sa mga katulad niya, responsibilidad ko pa din siya kase sakin siya nagboboard.. Urrrggghhhh!!!



Pansin kong nahihilo siya kaya inalalayan ko siyang makaupo at may nahawakan akong basa sa may parteng ulo niya.. Oh God!!!! May dugo!!! At agad kong nafigure out kung anong nangyari at may dugo siya sa ulo.. Nubayan!! Pasanin pa itong isang to..


"Hoy, anong nangyari?? Bakit ka nandito sa attic??" Tanong ko sa kanya.. Eh kasi naman, madaling araw na, gising pa siya at nandito pa siya sa attic.. Palagi nalang siyang gumagawa ng ikakagalit ko.



"Eh diba pinapalinis mo sakin yung buong boarding house, kasama itong attic.. Kaya ako nandito.. Sorry, dahil sakin nalock ka din dito." Sabi niya habang hinahawakan yung part ng ulo niya na may dugo. Ayy, kasalanan ko pala.. Haha.. So naglinis pala siya simula nung 9:00 na pagdating niya hanggang ngayong quarter to 1:00 na.. Eh di ko naman kase inaakala na susundin niya yun.. Tinakot ko lang siya.. Masyado naman siyang masunurin.


"Ahhhh" mahinang daing niya. Sa tingin ko kumikirot yung ulo niya.. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Kasalanan ko to eh.. Kahit kasi masama ang ugali ko, may awa naman ako.


"Dyan ka lang.." Sabi ko sa kanya at kinalkal ko yung cabinet doon.. Tanda ko kasi na may inilagay ako doon na bedsheet, at sakto namang nandun nga. Nilatag ko iyon sa sahig.



"Oh ayan, matulog ka na muna. May pasok ka pa bukas.." Offer ko sa kanya. Pasalamat siya mabait ako.


"Wala akong pasok pag Tuesday" sagot niya. Oh wait, pareho kaming walang pasok pag Tuesday? I don't care. Di nalang ako sumagot tapos siya naman nahiga na sa sahig kung saan ko nilatag yung bedsheet.. Pero mukhang di siya komportable dahil sa sugat niya sa ulo.. I rolled my eyes cause I didn't even expect na gagawin ko ito.. Naupo ako at inoffer na mahiga siya sa hita ko.. Urrggghhh.. Nagtataka lang ako s sarili ko kung bakit ko ito ginagawa sa kanya.. Pwede naman kase na hayaan ko nalang siya dyan.. Basta weird.. Akalain mo, ginawa akong unan at komportableng-komportable na after 2 minutes ay nakatulog na.. Hayyysss..


At all of a sudden bumukas yung pinto..

"Kyle!"



-----------end of Chapter 3-----------

Vote.
Comment.

Ang Bestfriend ng Crush Ko (BxB)Where stories live. Discover now