Chapter 18: Casual Dinner

53 10 1
                                    



Maine P.O.V.

Nakahinga rin ako sa wakas ng maluwag nang makaalis si Chard, papasok na sana ako ng bahay kaso hindi ko mabuksan ang pinto kahit na nasusian ko na ang knob, dahil nga late na marahil ay naka double lock na mula sa loob. No choice ako kundi ang tawagan si Joey upang magpabukas.

"Sorry sorry!" Agad ko itong niyakap matapos niya akong pagbuksan ng pinto.

"Okay lang." Sagot nito habang papikit pikit pa ang mata.

Pag-akyat namin sa kwarto agad akong nag-ayos ng sarili.

"Ganda mo ngayon ah." Sabi ni Joey habang pinanonood ako.

"Joey?" Nakatingin lang ito tila hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Dumating sila Chard doon."

"What? So magkakasama kayo magdamag?" Tanong niya.

Napatungo lang ako ng dahan dahan habang diretso ang tingin sa mga mata nito.

"Shocks!" May kilig sa boses ni Joey.

"Actually siya ang naghatid sa akin dito." Pigil na pigil ko ang kilig na dumadaloy sa katawan ko ngayon.

"Girl may something na ba? Ano?" Pangungulit ni Joey.

"Ewan ko, natatakot ako mag-assume." Sagot ko.

"Hay nako kailangan natin pagusapan yan bukas ha! Sa ngayon tulog na muna tayo." Tuluyan na nga itong nahiga. "Goodnight Maine!"

"Goodnight!" Sagot ko. Bumaba naman ako upang maghilamos at magtoothbrush. Habang nasa cr biglang tumunog ang cellphone ko buti na lang at binitbit ko ito pababa.

"Hello!"



"Pauwi pa lang kami. Nandiyan ka na?" Si Franco.



"Hmm.. Nyag cheks ako dyi ba?" Kasalukuyan kasi akong nagsisipilyo.



"Oo nga kaya tumawag ako." Aniya.



Tinapos ko na ang pagsisipilyo para makapag-usap na kami ng maayos. "Walang hiya ka naman Franco, alam mo naman halos atakihin na ako kanina, hinayaan mo pa na siya ang maghatid sa akin?"



"So-sorry! Okay.. Sorry!" Sagot nito.



"Sige na mag-ingat na lang kayo, papahinga na ko."



"Okay.. Goodnight!"



"Night! Ingat ha!" Hanggang sa ibinaba na nga nito ang tawag.

Nasa kwarto na ako at nakapwesto na sa pagtulog ng muling tumunog ang phone ko this time text lang mula sa unknown number.



Unknown number:
Hi! Chard to, bahay na me :) save mo rin number ko.

Napangiti ako bigla sa totoo lang kasi hindi ko inaasahan na magtetext siya, actually nawala na nga sa isip ko na hiningi niya ang number ko, marahil kanina matapos nitong kunin ang number ko masasabi ko pang nagexpect ako na makakatext ko siya sa ibang mga araw ngunit hindi sa mismong gabing ito.

Nireplyan ko siya at ilang minuto rin kaming nagpalitan ng text, hanggang sa nagpaalamanan na at tinapos na namin ang napakahabang gabing ito.

- - - - -

Maine I'm in love with you...

Beginning of the End | on-going |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora