Letter D - Deeper and deeper.

127 6 2
                                    

Shallu's Point of View

WAAAAAAAA!

Seryosos ba talaga 'yun?! Nakakita ako ng multo?!

S-si Valentine?! Multo sa campus?!

Hindeeee!

Nakahiga ako sa kama habang nakatago sa ilalim ng makapal kong kumot. Uwaaaa. Hindi ako naniniwala sa multo pero bakit ganun? Nakakapanindig balahibo. Walanghiya kasi si Shomba eh I mean ni Suzzie. Totoo naman daw kasing wala akong kausap. Binatukan niya pa ako ng ilang beses kanina. Ahuhuhu.

Wala. Itutulog ko na lang 'to. Hoping na makalimutan ko na si Val---- waaaaaaa. Ayoko ng isipin pa 'yung maganda at maaliwalas niyang mukha. Parang hindi siya multo sa suot niyang puting bestida na may gold string na nakadisenyo tapos may nakita pa akong pana sa likod. Para siyang dadalo sa isang party. Para siyang naka-costume ng isang cupid.

Ahuhu. Valentine! Bakit sa lahat-lahat ng tao sa campus eh ako pa 'yung kinaibigan mo?!

"Kasi kilala mo siya. Alam mo 'yung lihim niya."

O__________O

T-tama ba 'yung narinig ko?! Boses babae?

Uwaaaaaaa! Hindi totoo 'to! Walang multo sa bahay! Wala.

"Ano ka ba, Shallu. Hindi ako multo."

Mind reader pa! Mas lalo akong napapikit. Kaso biglang may umuuga sa akin na para bang ginigising ako. Shet! Gising ho ako! Nagtutulug-tulugan lang!

"Shallu. Maniwala ka sa akin. Sige. Kung iniisip mo talagang multo ako eh palalagpasin ko 'yan pero kausapin mo 'ko Shallu."

Hala, paano siya nakapasok sa bahay ko kung hindi siya multo?!

"H-hindi mo 'ko sasaktan?" tanong ko.

"Bakit kita sasaktan? Eh ang trabaho ko naman eh magbuhos ng pagmamahal dito sa lupa." Whut? Anong sinasabi niya?! Ang weird!

"Huh?" inalis ko 'yung kumot at nakita ko na naman 'yung maaliwalas at palangiti niyang mukha. Yung outfit niya na parang isang anghel. Yung golden brown niyang buhok. At ang makinis niyang balat. Perpekto. Nakakinggit.

"Halika. Sumama ka sa'kin. May ipapakita ako sa'yo." sabi niya sabay ngiti.

Sasama ako? O hindi? Ah! Panaginip lang to! Sige! Sasama na lang ako! Hindi naman niya ako sasaktan diba?

"Panaginip lang 'to Shallu. Pagbigyan mo na lang siya." bulong ko. Tumalikod siya sa akin at napansin kong ngumiti siya. Waaaaa. Ang ganda niyang babae.

"Halika?" at hinawakan niya ako sa kanang kamay..

---------------

"Shallu! Gising na! Hay ang kulit mong bata ka!" rinig ko na nagnga-ngangawa na naman si Mommy.

"Opo, gising na ako. Gising na ako. Oo, gising na ako."

"Oo na gising ka na kaya bumangon ka na diyan dahil late ka na at hinihintay ka ni Chassis sa baba." boses ni Kuya? A-anuraw?! LATE NA AKO TAPOS SI CHASSIS?! NASA BAHAY?! KYAAAAAAAAA!

Agad akonG napabangon at nginitian 'yung dalawa.

"Sige! Maliligo na ako!" At dali-daling pumasok sa banyo.

After 050692053090 Years.

Papalabas na kami ng bahay ni Chassis. Nakakahiya naman. Naghintay pa siya sa akin. Lintek na panaginip kasi eh.

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon