Side Story 1 - One Minute Change

1.2K 9 4
                                    

ONE MINUTE CHANGE

<Side Story: Dianne>

Weyyoooo, Weeeeyoo!! Kainis, Kapagod, Nakakabaliw!!

"Dianne!!" tawag na naman ako ni Kuya for the nth time. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari dito eh, kanina pa ako tinatanong tungkol sa gusto ni Arienne. Nakakaasar kasi ako na nga ang bida dito pero sumisingit pa!! Huhuhu, kawawa naman ako.

"Sis! The heck?? Will you mind talking to me, seriously?" sabi niya habang inaalis yung unan sa mukha ko na ginamit ko para takpan yung ears ko but didn't help.

"Ano ba?? Kuya naman, kanina ko pa sinasabi sa iyo kung ano gusto ni Arienne pero hindi ka pa rin tumitigil!!" sigaw ko sa kanya at binato ko sa kanya yung unan na hawak ko. Kaya bigla siyang napaupo sa floor.

Buti nga sa iyo!

"Eh Kasi naman Dianne, ang hirap naman hanapin ng mga sinasabi mo. Kailangan ko pang pumunta sa ibang bansa!" Napakamot siya ng ulot ako rin. Kasi naman ang sinabi ko sa kanya ay yung mga gusto ni Arienne nung pumunta kami sa Europe at U.S.A. Kaya ayan, inaaway ako. Pero kasi, gusto ko siyang pahirapan! Hahha, para hindi na bumalik at makigulo sa story ko kahit minsan? Hahaha

"Eh kasi naman kuya, kaasar ka kaya, kanina ka pa! Kung ayaw mo yung mga sinabi ko edi sana umuwi ka nalang at kay Yen mo nalang itanong!"

"Fine. Ito nalang, ano nalang ang gusto mo?" nagulat ako sa tinanong niya pero mukhang siya hindi. Nababali na yata ang kuya ko eh or ako?

"Ehh? Gusto ko? Bakit gusto ko? Am I the one you will give the gift to?"

"Have you ever heard of 'birds with the same feather flocks together?' " sabi niya while sitting beside me but not breaking an eye contact and I just nodded. Of course, kaht kinder nga alam yun. "So, I'm thinking that maybe, what you'll like will be what my wife will like also. Since bestfriend naman kayo."

"Oh.." I nod in agreement. Ano naman kaya ang gusto ko? Tinignan ko si kuya at nakatingin lang din siya sa akin, naghihintay. Nakakatense naman ito kasi eh, dapat nga mas alam niya ang gusto ng asawa nya kasi siya yung asawa! Pero no point in telling him that kasi kanina ko pa yun sinasabi sa kanya pero wala siyang pakiealam.

"Sigh. Ang gusto ko kasi, simple lang, teddy bear na may hat and flowers? Yung nakita natin nila Arienne dun sa isang store sa mall?" para naman ako yung reregaluhan. Nakakainis naman kasi eh, ako yung tinanong eh?? Yung gusto ko yung tinanong. Edi be honest nalang din diba?

Tumingin si Kuya sa akin as if like sensing if I'm telling the truth.

"Oh, okay..." sabi niya. "Bye Dia!" tumayo siya at umalis na leaving me na naka NGA NGA. Just what was that? Parang ang weird? Pero nevermind, at least makakatulog na rin ako. Ciao!

"Dianne! Gising!" kanina pa may sumsigaw ng ganyan sa akin and in all fairness hindi ko alam kong sino so kahit medyo nagising na ako. Nag kunwari pa rin akong natutulog.

Manigas ka!!

"Dia!!"

"Huy! Gumising ka na!"

Hindi ba ito titigil? Aba't?? Anong gingawa nito??

"Wahhhahahah.. Hahhahah!! Tama na !! Hhahahah!" napaupo ako bigla dahil naramdaman ko na kiniliti niya ako in my softest spot. My waist.

"Ayan ha! Hindi ka pa gigising?" tumigil na siya at nakapamewang na nakatingin sa akin. Bago ako sumagot inayos ko muna ang upo ko at tinignan ko siya sabay taas ng isang kilay.

"Who the heck are you?" bigla siyang napanga-nga. Nagulat ata siya tanong ko, eh Hell what?? hindi ko siya kilala.Tapos naka shades pa, para naman may sun sa loob ng room ko."What are you doing here?"

LWAYSC Side StoriesWhere stories live. Discover now