6 (REVEALING OF TRUE IDENTITY)

2K 76 0
                                    

Wednesday na ng gabi. Hindi makatulog si Arriella sa pagbantay ng Empire Academy. Ayaw niya matulad ulit sa nasabing academy ang nangyari nuong bata pa siya. Ang dahilan kaya umalis siya at magtago dahil siya rin ang susi para lalong lumakas ang kalaban. Ngunit paano naman siya? Erase erase! paano naman ang mga tao ng Empire Academy? Hay Naku. 

Kinaumagahan.. 

"Oh ano nangyari sayo Arriella? Nanyare sa mata mo?" sabi ni yana

"Hmm... Hulaan ko? May crush ka na noh? Iniisip mo siya ano? Ayiieee" sabi ni Lia

"Wala to, girls. Huwag niyo na lang pansinin.." sabi ni Arriella

Lumipas ang araw na tila hindi ko namamalayan ang oras at matutulog na naman kami ulit kasi gabi na. Hayyy.. Ano ba dapat kong gawin? sasabihin ko na ba kay Steven na "Ako yung kapatid mo?" o aalis na lang ako? Bahala na nga. Lumipas ang dalawang araw.. at nakapag isip na si Arriella ba kausapin si Steven kasama ang mga magulang niya. Sabado. Dumating na ang araw na haharapin ni Arriella ang kanyang pamilya at sasabihin ang totoo. 

"Ama.. Ina.. Kasama ko po si Arriella.." sabi ni Steven kaharap ang mga magulang na sina Bea at Stephen, na nananatili namang kalmado.

"May nais po kasi akong sabihin.." pagsisimula ni Arriella.

"Nasa sampung taong gulang pa lang ako nuon ng may sumugod dito at ako ang balak na kunin. Alam ko na alam niyo po ang tinutukoy ko. Kaya napag desisyunan ko na umalis dito. at mamuhay ng malayo sa inyo. Ako po ito, si Ada abigail. Kinailangan ko na lunayo para magpalakas. Ngunit dinadala ako dito ng isang kulay puting anino. Nalalapit na po ang kaarawan ko, namin ni Steven. Pero nanganganib po ang Empire Academy. Sa lalong madaling panahon ay kinakailangang mapalakas ang mga estudyante ng Academy bago pa tuluyang makapasok ang mga kalaban..." mahabang pahayag ni Arriella.

"I-ikaw nga ang anak namin.. Alam ko dahil sa kamukhang kamukha mo ang iyong ina.." stephen

"Kung gayon ay kumpleto na tayo dito. Sumama ka sa akin Bea. May pupuntahan tayo." Bea

At ayun na nga, tuluyan nang nalaman na Anak nina Bea at Stephen si Ada Abigail na nagtatago sa pangalang Arriella Avana. Pumunta ang mag ina sa pinakamataas na bahagi ng Academy. At habang kinukumpas ni Ada ang kamay, may binibigkas namang spell si Bea.

"Aire en viento, Fuego en el agua, Oscuridad a la Luz, Puede ser el poder del cielo, Da esta Academia, La barrera más Unbreakable, Nadie puede romper ". ("Air into Wind, Fire into Water, Dark into Light, May be the power of heaven, Gives this Academy, The Most Unbreakable Barrier, No one can break.")

Pagkatapos ng mahigit kinse minutos na paulit ulit na binibigkas iyong ni Bea ay tila isang liwanag na nanggagaling kay Ada ang lumalabas at nagsisilbing isang napakalakas at hindi masisirang barrier ang ginagawa ng liwanag sa Empire Academy. At pagkatapos niyon ay siya namang ikinawala ng malay ni Ada.

*****************

Update update din. :)





LADY IN MASK (BOOK II OF Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon