CHAPTER 1

8.1K 92 2
                                    

MAAGA AKONG gumising ngayon dahil ito ang unang araw ng pasukan ngayon third year highschool ako.

Hindi ako iyong tipong naghihintay pa na tumunog ang alarm clock para lang magising. Nasanay na kasi ako sa ganito dahil sa may bakery kami. Sina Mama at Papa maagang gumigising at nahawaan na ako. Bukod do'n, excited din akong pumasok dahil makikita ko ulit si Francis. Ang aking kinababaliwan sa loob ng dalawang taon.

First day of school, noong freshman pa lang ako nalove at first sight na ako sa kanya kasi ang guwapo niya 'tapos lagi pa siyang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. 'Tapos nalaman ko na sa star section pala siya which is nandon lahat ng matatalino na galing sa iba't ibang sikat na school. Ako naman never mind. Nakakahiya naman kasi sa katalinuhan niya kung malalaman n'yo kung ano'ng section ako kaya secret na lang muna. Kahit nga siya hindi niya alam section ko kasi base sa mga nalaman ko tungkol sa kanya, ayaw na ayaw niya daw sa mga bobo. Bagsak na agad ako sa taste niya pero susuko ba agad ako? Hindi, 'no!

"Ngumingiti ka nanaman diyan, Steffie." Nilapadan ko pa halos ang ngiti ko ng punain ako ni Timme—kaibigan ko. Nakaupo kami sa upuang semento ngayon sa hallway kasi wala pa namang klase e. Inalis ko na ang kamay ko sa ilalim ng baba ko. Ganito kasi kapag nasosobrahan sa kaiimagine, bukod sa nawawala ako sa concentration, napapanganga pa ako.

"Si Francis ba 'yan Steffie?" Oh? Agad na napabilog ang bibig ko sa sinabi ni Marie, isa rin sa ma kaibigan ko. Teka, si Francis? Oo si Francis nga! Na-i-imagine ko ngayon ang unang araw ng pasukan. Ano kayang bago sa kanya? I'm so excited to see my soon to be boyfriend.

"Hehe...hi–hindi naman, Marie, Timme. Naiisip ko lang naman kasi kung papansinin niya na ako ngayong taon." Bumalik ulit ang kamay ko sa ilalim ng baba ko. Napapangiti ako ng hindi oras, sa tuwing nakikita ko si Francis no'ng first year to second year kami na naglalaro siya ng Tennis. 'Tapos 'yong gusto ko siyang punasan ng pawis pero hindi ko magawa dahil ang daming nakapaligid sa kanyang mga babae. Pero nakakatuwa lang dahil kahit isa sa kanila hindi niya pinapansin, based din kasi sa pagresearch ko about him wala daw siyang hilig sa babae. Gosh, paano na ako? Sayang naman 'pag gano'n!

"STEFFIE" Agad akong napatayo nang sigawan ako ng dalawa kong kaibigan na sina Marie at Timme. Kahit kailan talaga sinisira nila ang maganda kong imahinasiyon.

"Heh! Ano ba kayo?" Untag ko. Panira kasi ng moment eh. Alam n'yo ba iyon na ang ganda ganda na ng imagination mo 'tapos bigla nilang putulin? Kainis para tuloy akong nanaginip ng maganda 'tas biglang ginising! Kaasar lang!

"Ano ba kasi'ng iniisip mo? Late na tayo, Steffie?" What? Late? Late saan? "Ano ba'ng sinasabi n'yo?" Pagtataka ko sa kanila. Pero malawak pa rin ang ngiti ko.

"Late na tayo sa Wallforth. Alas siyete na, Steffie. Ikaw rin, ayaw mo ba makita si Francis?" Kung nakangiti ako kanina, ngayon humahalakhak na ako sa kilig! Kaka-excite, makikita ko na ulit si Francis. Miss ko na siya ng sobra. Gumising pa ako ng maaga ngayon para makita ko siya na pumasok ng gate. Dalawang buwan ko rin siyang hindi nakita. Miss na miss na miss ko na ang future hubby ko.

Naglakad na kami papunta sa school, maaga rin nila akong sinundo dahil gusto nila na sabay kaming maghanap ng classroom. Pero hindi na ako mabibigla kung maging classmates kaming tatlo, simula first year magkakasama na kami sa klase kung saan umabot ang level ng utak namin.

"Si Francis Steffie, oh?" Oh, 'di ba? Napatingin ako ng deretso sa tinuro ni Marie. Oh my gosh! Pakiramdam ko bumagal ang mundo ko no'ng makita ko siya! Ang guwapo-guwapo niya pa rin! Why he's so cool? Ang sarap niyang sabayan sa paglalakad. Ang ganda niya magdala ng school uniform. Ang cool pa ng bag niya na kulay itim. Nakasabit lang ito sa balikat niya. Gosh! I'm so inlove with him so badly!

CHASING MY TUTORWhere stories live. Discover now