Black Ace one

5 0 0
                                    

Black Ace POV

"Target spotted. 9th floor at third door to the left" rinig kong sabi ni Silver sa suot kong errpiece.

"Copy" sagot ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng isang building. Nakasuot ako ng uniform ng isang janitress na kinuha ko pa sa isang babaeng saktong papunta sa target ko.

Nang matapat ako sa pinto ng aking prey ay hinarang ako ng isa sa mga taga bantay dito.

"Ipinatawag ako para maglinis ng opisina ni Mr. Chan" mabilis kong sabi bago pa sila magsalita.

"Sige pasok" pagkatapos kumatok ng isa ay binuksan na nila ang pinto at pumasok na ako.

Pagpasok ko agad kong inilibot ang mata ko and there you are my prey seating pretty sa kanyang trono. May dalawa ring bantay rito sa loob.

"Good afternoon po Mr. Chan. Ako po ang pinadala para maglinis sa office niyo." Magalang kong sabi. F*ck. Makapagmumog nga ng maraming beses dahil sa pagiging magalang ko.

"Sige maglinis ka na" sabi niya without looking at me.

"Ok S it's showtime" bulong ko sa earpiece sabay nun ang pagkamatay ng ilaw. Mabilis kong hinagisan ng cards ang dalawang bantay kahit pa madilim ay kita ko sila.

"Open" bulong ko ulit ng nasa likod na ako ng target ko.

"Anong nangyayari dito" sigaw niya ng makita niya na ang kanyang bantay ay may tama ng cards sa leeg. Balak niya na tumawag ng security ng idinikit ko ang card ko sa leeg niya.

"One wrong move your dead" cold kong sabi sa kanya. Mukha naman nasindak siya dahil nastop ang paggalaw ng kamay niya.

"Black Ace" halatang takot siya ng banggitin niya ang Code name ko.

"Nice. Ganyan nga, matakot ka. Gusto ko yan." Sambit ko sa tenga niya. "Kung hindi ka sana nagtraydor sa Pegasus hindi ito ang kahahantungan mo" bulong ko ulit sa kanya.

"Kung alam mo lang maraming kasinungalingan ang Pegasus. Sige patayin mo ako dahil hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko." Walang takot niyang sabi

"Kung ganun your wish is my command. Bye Mr. Chen" kasabay non ang pagkitil ko sa buhay niya gamit ang card ko.

Hinalungkat ko lahat ng drawer niya para hanapin ang isa pang pakay ko. Ang information tungkol sa Pegasus na kinuha niya.

"Found it" maikli kong sabi at nag ayos na ng sarili. Lumabas ako na parang walang nangyari. Mukha namang hindi nakahalata ang dalawang bantay.

"Im waiting" rinig kong sambit ni Silver sa earpiece.

"Ok" maikli kong sagot. Naghihintay na siya sa entrance nitong building.

Nagmadali ako pumunta kung nasaan ang damit ko at nagpalit. Agad na rin ako umalis dahil Hindi magtatagal at malalaman na nila ang ngyari sa loob.

Pagkababa ko dumeretso na ako sa entrance at nakita ko na si Silver nakabukas na ang pinto ng kotse kaya agad na akong sumakay at pinaharurot na niya ang sasakyan.

"Mission accomplish" sabi niya habang nagda-drive. Deretso na kami sa Headquarters ng Pegasus Mafia kung saan kami nagta-trabaho.

Lahat ng masalubong namin ay nagbibigay galang sa amin dahil kaming dalawa ang pinakamataas sa lahat ng assassin na narito.

"Job well done, Black Ace, Silver" bungad sa amin ng pinuno ng Mafiang ito, si Greed. "Naipasok na ang pera sa mga account niyo. Magpahinga na rin kayo" dagdag pa niya.

"Nga pala. Ito ang information na ninakaw ni Mr. Chen" at ibinaba ko ang folder na naglalaman ng information about sa Pegasus Mafia. "Mauna na kami" paalam ko sa kanya

"Sige. Salamat Killer Duo" huling salitang narinig ko bago ko isara ang pinto.

Yeah. Killer Duo ang tawag sa amin ng lahat. Dahil kami ang laging magkasama sa lahat ng mission at good tandem daw kami sa pagpatay kaya yan ang itinawag ng lahat sa amin. kilala kami sa buong mundo. pangalan pa lang ang marinig mo ay siguradong kikilabutan ka na. Maraming nagtangkang ipapatay kami yun nga lang mali sila ng kinakalaban. Lahat ng humarang sa amin walang dalawang isip naming pinapatay. Ganyan kami kawalang puso.

SILVER pangalawa sa nangungunang malakas sa larangan ng pagpatay. Napakaseryosong tao. Wala kang makikitang kausap niyan dito maliban sa akin. Bata pa lang kilala ko na siya. Sabay kaming nagtraining sa lugar na ito. Sabay kaming nagpalakas at sabay din kaming pumapatay.

BLACK ACE yan ang naging codename ko dahil raw sa black cards na gamit ko sa pakikipag laban. Gumagamit naman ako ng baril at katana pero mas madali ang maghagis ng cards.

Nagtraining kami ni Silver nung bata kami para lang maipagtanggol namin ang sarili namin sa masasamang tao. Pero hindi ko akalaing magiging isa rin pala ako sa mga sinasabi kong masamang tao. Naging ganito lang naman ako mula ng 13 years old ako. May dumukot sa kapatid ko at panay ang padala niya ng mga video habang pinahihirapan nila ang mahal kong kapatid. Wala akong magawa nun that time. Wala na kami magulang kaya hindi ko alam kung saan ako lalapit para humingi ng tulong. Hindi ko rin alam kung anong pakay ng mga yun kung bakit nila sinasaktan ang kapatid ko. Makalipas ang isang taon hindi na sila nagpapadala ng mga videos. Kinabahan ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya hanggang nagkaroon ng balitang patay na raw ang kapatid ko. Para akong binuhusan ng napalamig na tubig dahil sa narinig ko. Mula non naging cold ako sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Maging sa bestfriend ko na tinatrato ko na parang hindi ko kilala pero hindi niya ako iniwan sabay kaming nagpalakas para mahanap at maipaghiganti ang kapatid ko. Pinasok namin ang mundo ng Mafia dahil alam ko na mas madali kung nasa isang grupo ako ng Mafia dahil malaki ang connection nito. Lumipas ang apat na taon ay wala pa rin kaming mahanap na lead na magtuturo kung sino ang pumatay sa kapatid ko pero hindi lami susuko ni Silver hindi namin basta bibitiwan ang nasimulan na namin. 'Pangako kapatid ko maipaghihiganti kita'

"Ace" tawag ni Silver sa attention ko. Lumingon ako sa kanya binigyan siya ng what-look.

"Magpahinga ka na. Ba-byahe pa tayo mamaya at May pasok na tayo bukas" sabi niya at binuksan na ang kwarto naming dalawa. Yeah naming dalawa. Hindi naman kami natutulog sa iisang higaan dalawa ang higaan dito. Saka tiwala ako kay Silver na wala siyang gagawin sa akin. At mas komportable ako pag magkasama kami sa iisang kwarto. may magyari man magkasma kami hindi na kailangan maghanapan pa.

Pumunta na ako sa side table ng kama ko nilagay doon ang aking full mask. Nakamask kami to hide our true identity. Kahit ang mga tao sa lugar na ito ay hindi alam kung ano ang tunay naming pagkatao.

~~~~~~

Yun lang muna for now. Enjoy reading. Sorry for the wrong grammar and typos error.

~Aeceegreen♥

Notorious ASSASSINWhere stories live. Discover now