Chapter Three

7.7K 136 2
                                    

NANG mga sumunod na araw ay sinubsob ni Drake ang sarili niya sa trabaho. Determinado siyang panindigan ang sinabi niya kay Pauleen. Hindi man lang niya ito tinatawagan, at malamang kung gagawin niya ‘yon it would only lead on agreeing to her terms. Pero habang tumatagal lalo lang tumitindi ang pangangailangan niya rito na kahit ang pagiging abala sa trabaho ay hindi kayang pawiin. Parang malapit na siyang sumuko, kaya para hindi ito mangyari ay pilit niyang dina-divert sa ibang bagay ang kanyang attention.

Fortunately, nang sumunod na linggo ay nakatanggap si Drake ng tawag mula sa kanyang colleague who happens to be connected to the International Court so he needs to fly to New York to handle a difficult case.

During the weekend while sitting at his desk, nag ring ang private line sa kanyang bedside table. Si Pauleen agad ang naisip niya na tatawag sa kanya kaya nagdalawang-isip siya kung sasagutin ito. Natatakot siya na pag narinig niya ang angelic voice nito at muli siyang kumbinsihin sa plano nito ay pumayag na rin siya instantly.

At hindi nga nagkamali si Drake. Nang marinig niya ang boses ni Pauleen muling bumalik ang mga memories nila together. Narinig ni Drake na humikbi ito, at nang sinabi ni Pauleen na gusto niyang makita ang binata ay hindi siya nakatanggi.

“Okay, I will make a reservation tonight. Eight o’clock perhaps?”

“Why don’t you come over here instead and dine with me?”

“Hindi ako pwede magtagal, marami akong resolutions na dapat i-draft,” pagsisinungaling ni Drake, dahil siguradong sa kama ang diretso nila the moment na pumunta siya sa mansyon.

“Okay I’ll be waiting for you.” Halatang dismayado si Pauleen.

Hindi pa nakakahinto ang kotse ni Drake ay lumabas na si Pauleen ng mansyon. Nakangiti ito na parang nang-aakit. Suot niya ang paboritong damit ni Drake, litaw na litaw ang hubog ng katawan. Alam ni Drake ang strategy ni Pauleen, alam kasi nito ang kanyang kahinaan.

But Drake has no intention of giving up to her. Kung mahal siya ni Pauleen, pakakasalan siya nito. May mala-mansyon siyang bahay at sapat na pera sa bangko. His career is booming and he even have a brilliant future.

Dinala siya ni Drake sa restaurant na madalas nilang puntahan. Tahimik dito at nakakapag-usap sila ng maayos.

“Na-miss mo ba ako?” tanong ni Pauleen, nakatitig ito kay Drake habang umiinom ng wine.

“Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?”

“Oo, gusto kong marinig.”

“Sobrang na-miss kita, every moment, every day, at gusto pa rin kitang pakasalan . . . ASAP.”

Nawala ang ngiti sa magandang mukha ni Pauleen. “Akala ko pa naman nagbago na ang isip mo.” Sumimangot na ito. “Huwag naman natin sayangin ang limang taon Drake.”

“‘Yan din ang gusto kong mangyari kaya nga gusto kong pakasalan ka na.”

“Ayan na naman tayo, eh!” galit na sagot ni Pauleen.

“Dahil ganyan ka na naman din.”

“Bakit ba ganoon na lang ang tingin mo sa akin? Pinapamukha mo sa akin na mas mahal ko ang trabaho ko!” mataas ang boses na sagot nito.

“I’m just being honest. Kahit gaano kita kamahal, hindi pa rin nagbabago ang isip ko, I meant every word.”

“Me too. So ano’ng gusto mo mangyari ngayon?”

“Maghanap ng ibang babae.” Napangiti si Pauleen sa sinabi ni Drake na parang hindi ito naniniwala sa kanya kaya nadismaya si Drake. “Narinig mo ako, Pauleen, I mean it! At kung plano mo pa ring ituloy ang kontrata mo, magpapakasal ako sa iba.”

Love ReboundWhere stories live. Discover now