Kabanata 2

1.2M 32.9K 12.5K
                                    

Kabanata 2

Nanisay Sa Kilig

Late kaming nagising ni Jacob at na traffic pa kaming dalawa papuntang rehearsal.

"Saan ba kayo galing, Rosie?" Salubong ni Karl sakin.

Tamad na sumusunod si Jacob sakin. Nagpapanic na nga ako at binibilisan ko na ang paglalakad pero lagi ko siyang hinihintay. Ang mahal naman ng bawat hakbang niya.

"Jacob, bilisan mo!"

Suminghap siya, "Kailangan ba talaga nating pumunta dito?"

Hindi ko na siya sinagot sa bilis ng lakad ko papasok ng venue. Marami akong nakasalubong na mukhang importanteng tao. Marami din akong mga damit na nakita. Halatang busy ang lahat sa rehearsal at sa mga damit.

"Ni hindi ka pa nga nakakapag-fit sa susootin mo." Ani Karl. "KIRA!" Sigaw niya nang biglang dumaan si Kira sa tapat namin.

Lumingon si Kira samin. Nag second-look pa talaga siya. "Uyy!" Tinignan niya ako.

"Rosieee!" Nagbeso siya sakin.

Naramdaman ko agad yung paghila ni Jacob sa kamay ko.

"He's gay." Bulong ko sa kanya.

"Pakealam ko." Hindi siya bumulong kaya kumunot ang noo ni Kira.

Ngumisi na lang ako at umiling.

"Kira, ito nga pala si Jacob, boyfriend ko." Pinakilala ko na lang si Jacob.

Tumango si Kira at ngumiti, "Manonood ng rehearsal? Pwede na dun sa front seats." Sabay turo ni Kira sa mga upuan malapit sa stage.

"Oo nga, Jacob. Doon ka na lang maghintay. Baka all girls kami sa back stage."

Bumuntong-hininga si Jacob at hinalikan ako sa pisngi, "Okay... Uupo lang ako dun."

Tinalikuran niya agad kami. Naglakad siya habang nasa bulsa ang dalawang kamay.

"OH MY GOD!" Nabigla ako sa salubong na tili at sigaw ni Kira sakin.

Para siyang naninisay kilig at ngiti habang tumatalon pa. Nag face-palm naman si Karl habang tinitignan si Kira.

"Sabi na eh." Sabi ni Karl.

"What the? Yun boyfriend mo hija? Jusko day! Pinagpawisan ako ng maiinit sa kanya ha? Sheet! Kaloka!" Sinundan niya ng titig si Jacob.

Natawa na lang ako at napailing sa reaksyon niya.

"Ba't di mo sinabing God-like pala yung boyfriend mo? Sana sinali ko siya dito!"

"Huh? May mga lalaking models?" Tumaas ang kilay ko.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon