Chapter 9- Gentleman

5.7K 90 7
                                    

So, the next day, pumasok ako sa school. Usual lang naman. Pagkarating ko sa classroom, umupo ako sa seat ko at napansin ko si Rev na may band aid sa may kilay. Hmp. Bahala sya jan.

Dumating si Jared at umupo sa tabi ko. Haaaay! Buti na alng dumating na sya.

"Kamusta naman ang party kagabi?" nakangiting tanong sakin ni Jared.

"Ayos naman. Kung di lang sana NANIRA ung isa jan, makakapagstay pa ako ng matagal." sabi ko, oo, pinaringgan ko talaga si Rev. Leche sya.

"Ganun ba? Ano namang nasira?"

"Ah. Ung SAPATOS ko." diniin ko talaga ung sapatos! "Kung wala lang talaga akmi dun kagabi, baka nasigawan ko na sya eh. Hindi ko nga malaman kung nagagandahan ba sya o naiinggit sa sapatos ko." pagpaparinig ko.

"Babae ba yan?"

Tumawa ako. "Sa tingin mo ba may maninira ng sapatos na lalaki?" I smirk. "Kung meron man, baka BAKLA sya." idiniin ko ung 'bakla'.

"Haha."

Nagstart na ang klase. The usual pa din naman. Di makapang-bully ngayon sakin si Rev. Bleh! Katabi ko si Jared eh! >:P

Next subject, Soc. Sci. Ung iba kong kaklase---including Jared---ay lumipat ng room. Ganto kasi dito sa school, hindi teacher ang pupunta sa classroom, kundi mga estudyante pero buti na lang, tuwing Wednesday lang yon (which is today). Eh ako, dito pa din sa room G1A, at ang masakit sa loob ko, si Rev lang ang natitirang kakilala ko. May ibang estudyante din ang pumunta dito dahil dito na ang klase nila. Mostly, higher years, meron ding ka-year namin pero di kami magkakakilala.

Bago pa may makaupo sa katabi kong seat, tumabi na sakin si Rev. Syempre, iniignore ko lang sya noh. Hindi rin naman sya naimik sakin. Well, not for long.

"Oy." tawag nya.

Hindi ko sya pinapansin. Tss. May pangalan ako. Hindi oy ang pangalan ko. -_-

"Samonte." tawag nya ulit.

Ugok ba sya? Samonte din ang ama't ina ko. Sinong tinatawag nya?

"Aish. Kylie." iritang tawag nya.

Napalingon ako. "Ano?" walang expression kong tanong.

"Seryoso, bingi ka ba? Magkatabi na nga tayo hindi mo pa ako rinig."

"Wala ka bang kelangan?" walang expression kong tanong.

"Kita mo toh?" tinuro nya ang band-aid sa kilay nya.

"Oh. Anong gagawin ko?" bored kong tanong.

"Dahil toh sayo. Dahil sinipa mo ang noo ko kagabi."

"Okay." tas di ko na sya tinignan ulit. Aba. Tama lang yon sa kanya.

"Wala ka man lang ba gagawin dito?"

"May dapat ba akong gawin?" tinignan ko sya, "may band-aid na naman. Di bale na lang kung gusto mong masipa ulit sa kabila at ako pa ang maglagay ng band-aid." walang expression kong sabi tas inirapan ko sya.

"Grabe ka. Kung makasalita ka parang hindi ikaw ang may gawa dito ah."

Tinignan ko sya. "Eh ano bang gusto mong gawin ko? May band aid na naman ah. Ano, feeling mo matatanggal na ang kilay mo? Nako. Tigilan mo na lang ako. At baka matanggal ko talaga yang kilay mo." irita kong sabi.

"Alam mo, ikaw, kagabi ka pa eh. Binilhan na nga kita ng tsinelas para may mai-suot ka pauwi tapos wala ka man lang thank you."

"Ahh. Uso pala yon sayo." sarcastic po yan.

My Bully Best FriendWhere stories live. Discover now