1

6.7K 120 4
                                    

Unti unting napapikit si Gem ng maramdaman niyang dahan dahang nilalapit ng isang babae ang mukha nito sa mukha niya. At ganon na nga lang ang panginginig niya ng tuluyan na ngang naglapat ang mga labi nila. Segundo lang ang lumipas bago ito lumayo sa kanya. At para bang lumiwanag ang buong palibot nila ng ngumiti ito ng matamis. Siya na gulat na gulat sa pangyayari ay nakakatitig lang sa mapulang labi ng babae. Her lips...

Biglang napadilat si Gem. Her lips, iyon nalang ang kulang para matapos na ang ini sketch ko. Sukat sa naisip ay agad siyang napabalikwas ng bangon. Agad niyang kinuha ang sketchbook at sinimulan ang pag e-sketch. Ilang minuto nga lang ang lumipas bago kunot noong tiningnan niya ang imahe sa sketchbook niya. Tapos na iyon. Sa ilang linggo na putol putol ang pag e-sketch niya sa mystery girl na iyon sa wakas ay natapos niya na rin. At di siya makapaniwala. Who are you? Tanong niya sa isipan. Bakit lagi nalang kita napapanaginipan? Sino ka ba talaga? Napatitig siya sa mga labi ng imahe. At wala sa sariling hinimas niya iyon. Ramdam ko parang totoo iyong halik... totoo karin ba ha? Di niya maiwasang itanong sa sarili. Napalingon siya sa alarm clock niya ng tumunog iyon. Napapailing na nilapitan niya iyon at pinatay. Lagi niya nalang nauunahan sa pagising ang alarm clock niya, dahil sa hmm..... Girl of my Dream?

++++++++++

"Good morning," nakangiting bati ni Gem sa kuya niyang si David na nakaupo at maganang kumakain ng almusal.

"Good morning din. Mukhang maganda gising natin Tol ah." Nakangiti ring tugon nito sa kanya.

"Always naman eh." Tugon niya din. Bago bumaling sa ina nilang naghahain pa ng ulam. Binati niya din muna ito at hinalikan sa pisnge. "Good morning Nay."

"Good morning din anak. Sige na, umupo ka na din." Wika nito.

Umupo na siya sa tapat ng kuya niyang si David at ganon din ang Nanay nila.

"Gem, pupunta ka ba ngayon sa Photoshop?" Tanong ng Nanay nila.

Tumango siya. "Opo Nay. May mga nag pa schedule kasi for photo shoot ngayon, di iyon makakaya ni Batchi." Sagot niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

"Hindi ka naman siguro aabutin ng gabi dun Tol?" Tanong din ni David sa kanya.

"Hindi ko alam eh. Bakit?" Tanong niya din.

"Itong kuya mo, ipapakilala nadaw iyong babaeng matagal niya ng nililigawan." Nakangiting sagot ng Nanay nila.

Ngumiti na din siya. "Wait, diba sabi mo Tol ipapakilala mo lang siya sa amin pag sinagot kana? Meaning....?"

"Yes. Sinagot niya na ako kagabi." Malapad ang pagkakangiting tugon ni David sa kanya.

"Wow! At last. After six months ng panunuyo mo sa kanya nag bunga din ng matamis na oo..... congratulations Tol." Masaya niyang bati kay David.

"Thank you Tol. Kaya agahan mo ang uwi mamaya okay? Gusto kong sabay sabay tayong mag dinner mamaya." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Sure Tol. Uuwi ako ng maaga mamaya." Nakangiti niya ring tugon.

+++++++++++++++

Kanina pa tulala si Gem. Oo naririnig niyang nag sasalita si Batchi pero wala sa kaibigan ang attention niya. Katatapos lang din ng photo shoot sa mga nag pa schedule ngayong araw kaya malaya na silang nagke kwentuhan ni Batchi. Kung kwentuhan ngang matatawag ang ginagawa nila. Kasi wala siyang ibang ginawa kundi ang tumango lang ng tumango sa mga sinasabi nito.

"Gem ayoka na, aalis na ako sa partnership natin nato." Maya maya ay nasabi ni Batchi sa kanya.

Tinanguan niya lang ito.

PhotographWhere stories live. Discover now