My Bestfriend, My Lover One Shot - 2

2K 59 17
                                    

Yoona

"Taeyeon... dito na ako matulog ha?.. sige na dito na ako matulog. Tinatamad ako umuwi samin eh at saka alam naman nina mama na andito ako eh!... sige na ha pleaaase" pakiusap ko sa bestfriend ko habang nagpapa'awa sa kanya kaso no effect pa din dahil nasa mga hinuhugasan niyang plato lang ang attention niya. Napasimangot tuloy ako.

Tapos na kasi ang maliit na salo salong hinanda namin para sa papa niya. Mga malalapit lang kasi na kaibigan ang inimbita nila at halos alas onse na din kasi ng gabi.

Pinauna na din naming matulog parents niya at kaming dalawa na lang umako sa paglilinis. Ang kaso nga lang itong kasama ko ayaw akong patulongin sa paghuhugas ng plato. Ewan ko rin kung bakit buti na lang tapos na yung sa sala at dining room. Wala kasi silang kasambahay dahil mama lang niya ang umaasikaso ng personal sa kanilang pamilya. Solong anak din kasi itong mahal ko.

Charrr kung maka mahal wagas!

Isa pa laging tumutulong din sa gawaing bahay itong mahal ko. (Pagbigyan na haha ^__^)

Nang dipa din siya sumagot ay nilapitan ko siya mula sa likoran saka pinaikot ang braso ko sa beywang niya.

"Ay!... butiki" gulat niyang sabi sabay hampas sa braso ko nakayakap sa kanya.

"Wag ka ngang mang'gulat..." sita niya sakin saka pinagpatuloy ginagawa niya kaya napangiti na lang ako. Di kasi niya tinanggal pagkakayakap ko eh! ^__^

"Ano na naman ba?..." tanong niya sakin habang patuloy pa din sa ginagawa.

"Hmmm... wala lang gusto lang kitang yakapin..." sagot ko sabay smile at higpit sa yakap ko.

"Oo na... oo na dito ka na matulog. Alangan naman pauwiin kita eh ayaw mo... kaya bumitaw kana bago ko maihampas sayo ang platong to! Sayang ganda mo pa naman"

Sa sinabi niya ay mas lalong lumapad ngiti ko kaya pinaikot ko siya paharap saka hinawakan magkabilang balikat niya.

"Ano naman ba! Dipa ako tapos oh!.. kung may sasabihin ka, sabihin muna okey..." sita niya sakin na diko na lang pinansin.

I just smiled at her and kiss her forehead.

"Thank you,... " sabi ko after that kiss pero siya tulala lang na nakatitig sakin. Ganyan naman talaga yan eh kung di nagtataray kapag naglalambing ako ay natutulala. Haha

"I love you Taeyeon.." nakangiting sabi ko sa kanya sabay pitik sa ilong niya at tatawa-tawang iniwan siya kusina bago naunang umakyat sa room niya.

*****************

"Taeyeon,...?" Half awake kung tanong sa taong umupo sa may gilid ng kama. Diko namalayan naka'idlip na pala ako.

"Oh.. bat gising kapa?" malumanay niyang sagot saka humiga sa tabi ko.

"Hinihintay kasi kita,... bat ang tagal mo?" Reklamo ko.

"Dito ka umunan sa braso ko..." sabi ko saka siya hinila sa tabi ko.

Andito kasi ako sa left side niya at patagilid na nakahiga habang siya ay patihaya ang posisyon kaya pinatong ko braso ko sa tyan niya at niyakap ng mahigpit habang nakasubsob sa leeg niya mukha ko.

Hindi naman siya nagreklamo dahil sanay na din siguro.

"May inayos pa kasi ako sa baba..."

"Ganun ba..." sagot ko saka pumikit pero pinapakiramdaman ko pa din siya.

"Yeah,... kaya matulog kana okey!... Goodnight Yoona'ya..." malambing niya sabi sabay halik sa noo ko kaya napangiti na lang ako.

Haayyy... I so love this girl kung sana ganun din siya sakin di sana ako ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

My Bestfriend, My Lover (GxG) [YoonTae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon