SEATMATE <3 [19]

42.6K 810 28
                                    

SEATMATE <3 

  ~ tiffanism

( yay!! salamat sa mga nag-vote at nag-comment sa update ko kagabi. ^^ take care <3 sorry pala kung hindi ko mareach ang mga expectations nio sa akin ha? hindi naman kasi ako magaling na author eh T^T )

SEATMATE <3  [19] 

Chelsea's POV:

"AAYYYIIIIEEE~~!!" bigla ba naman kaming tinukso ng mga kaklase ko, kaya naman bigla kaming naghiwalay. 

Pero nakangiti pa rin kami sa isa't-isa. Biglang lumapit si best at nag-group hug kami. Nakipagshake hands din si Henry sa mga kakilala nyang lalaki, kasali na rin dun si Edz.

Biglang dumating si sir at agad kaming nagbalik sa mga upuan namin. After ng prayer, binigyan si Henry ng time magpakilala, kasi yung iba.. hindi pa sya kilala. Well, yang si Henry basketball ang sports nyan. Mas matangkad nga sya kay Jake eh. Tsaka, matalino yan sa Math. :">

Sa tingin ko, madali lang para kay henry ang mag-adjust kasi nakapag-aral naman sya dito eh. Usap-usap lang kami about sa life nya sa Seoul. Sabi nya, wala pa raw sya girlfriend. Nanloloko ata. 

Nung recess time, pinakilala ko kay Henry si Princess at si Nina. Sumabay rin sa amin si Edz at si Justin mag-recess kaya andame namin sa isang table.

Ganun pa rin naman, nagpapacute itong si Edz kay best tapos si Justin at Princess nagbabangayan pa rin, kung ano raw ang mas mahalaga.. kung dota ba raw o girlfriend. Kami naman ni Henry patuloy pa rin ang usapan. 

Si Nina, napansin ko lang medyo di sya mapakali. Magkatabi sila ngayon ni Henry. 

"Nina, okay ka lang?" 

"O-okay lang. Bakit?"

"Hindi ka kasi mapakali jan eh.."

Tapos tumawa sya, "hindi ko lang kasi masolve itong equation no. 3 eh."

Ako naman yung tumawa. "Nina, ano ka ba. Pwede mo namang hindi na gawin yan. Mataas ka naman sa exam natin sa math a." yung sinasagutan nya kasi ay yung extra credit sa math, hindi naman obligatory na gawin yun. Depende lang sau kung gagawin mo. Karamihan ng gumagawa nyan ay yung may mga mabababang score sa math.

Buti na lang kahit papaano naka 75/100 ako sa math exam. Proud na ako sa score ko na yan 'no. Makakahonor pa ako. Si Nina nga 90/100, tapos gagawa pa sya ng extra credit task. 

Teka, napakabad influence ko :/

Tapos nag-pout sya. "Hindi naman yung plus points ang hangad ko eh, gusto ko lang sagutan. Yun lang. Pero di ko naman ineexpect na ang hirap pala."

Seatmate &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon