Chapter 38

7.5K 138 0
                                    

Blaire's POV

"Wifey, do we need this?" sabay taas ng mga underwear ni Kise.

"Oo! Also, milk."

Ilang bwan na rin ang nakalipas nang makalabas ako ng hospital. Nang ilang linggo na akong nakalabas eh napasyahan nila Mom na umuwi na dahil maayos na rin naman ako at kami nila Kenji.

Today is a very special day! Anniversary namin at napagpasyahan naming lumabas tatlo. Well, magiging apat na rin kami kasali si Harold. After kasi ng may nangyari sa akin, hindi na nya ako iniiwan na lumabas ng bahay mag-isa. Sinisisi nya pa nga sarili nya sa nangyari pero ayaw ko naman ng ganun kaya naging okay na rin sya.

"Ano? May nakalimutan ka pa ba?" tanong ni Kenji.

Humarap ako sa kanya, "Wala na."

"Ah, Blaire, ako na," kinuha ni Harold ang mga hawak kong bags. Ngumiti ako sa kanya, "Salamat!"

Lumabas na kami at sumakay sa kotse. Karga karga ko si Kiseki habang nakaupo kami ni Kenji sa likod ng kotse.

"Kise, magpi-picnic tayo." Pinisil ni Kenji ang mukha nya saka sya tumawa.

Ang cute! Ilang bwan na rin si Kiseki at nakakakilala na sya ng mukha, lalo na si Harold at Kenji. Dahil may part na si Harold ang pinaglihian ko, may nakuha si Kise sa kanya. Ang ngiti nya. Noon naman kasi, di pala ngiti si Kenji, kaya sure kaming nakuha nya ang ngiti ni Harold.

Nagsimula ng mag-drive si Harold papunta doon sa secret place namin ni Kenji na ngayon ay di na secret place dahil makikita na ni Harold at Kiseki.

Kinuha ni Kenji sa akin ang bata at sya ang lumalaro dito.

"Seatbelt," saad ni Kenji sa akin nang mapansing di ako naka-suot.

Ngumiti ako sa kanya at sinuot ang seatbelt. Naging ganyan na kasi sila, medyo over protective. Ang driver ng truck na nag-over take sa akin noon ay nakulong, ayaw ko man. Si Dad kasi... pero nagawan ko naman ng paraan dahil nalaman ng iba na isang Prinsesa nga ang nabundol nya, dapat di na sya makakalaya pero sinabi kong aksidente 'yon at naging limang taon nalang ang parusa nya. Pumayag naman sila Dad sa akin kasi aksidente naman talaga ang nangyari. Nawalan kasi sya ng break.

Napatingin ako kay Kenji. Ang laki ng ngiti ng isang 'to. Kahit tapos na ang nangyari sa akin, naging OA na din sya. Ayaw nya ako palabasin kung wala si Harold. Hindi na nya ako tinanong kung anong nangyari sa akin nung araw na 'yon, bakit ang tigas ng utak ko, bakit lumabas pa ako. Pero alam kong nasaktan ko sya ng husto.

Ganoon naman lagi ang lalake diba? Laging nagtatago ng feelings para mapasaya ka lang.

"Baka matunaw na ako nyan?" sabi nya ng di nakatingin sa akin.

Agad naman akong napa-upo ng maayos. "Kapal! Hindi naman ikaw yung tinititigan ko eh." Dahilan ko.

Kahit pala mag-asawa na kami, andyan parin 'yong kaba effect. Mas lalong lalalim ang nararamdaman mo sa isang tao kapag kasal na kayo.

"Hindi daw, pero limang Segundo nalang matutunaw na ako."

Napalingon ako sa kanya, "Aba! Hangin."

*baby cries*

Napatigil kami ni Kenji sa pag-sasagutan nang umiyak si Kise. Napatawa naman ng mahina si Harold.

"K-Kise, we're not fighting, okay? Nagbibiruan lang kami ng Mommy mo."

Tinap ni Kenji ang ulo ko, "Ganun kasi kami maglambingan." Namula naman ako sa sinabi nya.

Ilang minuto pa ay tumahan na si Kise at natulog nalang sa bisig ni Kenji.

"Tss, ikaw kasi eh." Bulong nya sa akin.

"Tumahimik ka na nga lang, Hubby."

Tumawa sya saka nakangiting tumango sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas eh nakarating din kami sa secret place namin.

Kinuha ko ang bata saka lumabas si Harold at Kenji para kunin at ayosin ang mga gamit. Hindi mag s-stay si Harold dito sa amin all day kasi may gagawin pa daw sya, kahit na sinabi kong okay lang na nandito sya. Hmp. Last minute nyang sinabi sa akin na may gagawin, kanina naman pumayag sya pero may inutos daw sa kanya... kaya ayon.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na sya sa akin. "I'll be back later, Blaire." Sabi nya.

Tumango ako sa kanya, "Ipagluluto nalang kita ng foods!" nakangiting tugon ko sa kanya.

He laughed then nodded. Sumakay na sya sa kotse at umalis.

Umakyat na kami ni Kise at pinuntahan si Kenji.

"Bakit may kama nanaman?" bungad ko kay Kenji. May kama nanaman kasi eh, san nya ba pinapasok ang kama at parang lagi nya 'tong dala?

"Whole day nga kasi tayo dito diba? Baka mapagod kayo, kaya ayan. Dinala namin 'yan kahapon." Paliwanag nya.

Di nalang ako umangal at saka inihiga si Kiseki doon dahil inaatok sya.

May roof na pala sya kaya hindi naman kami masyado naiinitan. Siguro ginawa din nila 'to kahapon. Wala kasi talaga 'tong takip eh.

Dahil malapit na rin mag 10, naisipan ko munang magluto ng makakain habang si Kenji ang nagababantay sa bata.

"Wifey." Rinig kong tawag nya.

"Bakit?"

"He's awake....."

"Oh? Baka gutom sya, pakainin muna kaya—" nahinto ako sa pagsasalita ng makita ko ang mukha ni Kenji.

"B-bakit?" ang pakla kasi ng mukha nya.

"Ang bastos naman ng anak mo. Nag-popo sya." Emotionless na saad nya.

Napatawa tuloy ako sa mukha nya, "Linisin mo na ka agad. Ano ka ba."

Kinuha ko ang pamalit sa bag. "Ayan oh. May CR sa baba diba?"

Namula sya ng kaunti, "H-hindi ako marunong, Blaire!"

Tinalikuran ko sya at nagpaka busy sa pagluluto. "Nagluluto ako, Kenji."

I heard him sighed saka sya tumayo. "Tch."

--

4 na ng hapon at feeling ko ay inaantok na ako. Kanina pa kasi ako nakikipaglaro kay Kise. Ngayon naman si Kenji kalaro nya.

Humiga muna ako sa kama at pumikit. Hay! Ang saya, kung lagi bang ganito ang buhay edi walang problema.

Limang minuto pa lang ata ako nakapikit eh. napansin kong natahimik ang paligid ko kaya unti unti kong inimulat ang mata ko.

Nabigla ako ng pagmulat ko eh ang lapit ng mukha ni Kenji.

"B-bakit?"

He smiled saka ako ninakawan ng halik. "H-hoy."

Hinanap ko si Kise at nakitang natutulog na. Baka napagod?

Lumapit sya sa akin at ngumiti. "Alam mo bang ang saya saya ko ngayon?"

"Ako rin naman eh." Natatawang saad ko.

Umupo si Kenji at may kinuhang kong ano saka tumabi ulit sa akin, pero this time pumaibabaw sya sa akin.

"T-teka! Baka ma—"

"Shh," lumapit ang mukha nya sa akin kaya namumula akong napatingin sa kanya. Ano ba 'tong ginagawa nya?

Bigla nyang hinalikan ang leeg ko kaya napahawak ako sa likod nya. "K-kenji, ano bang.."

Umupo sya saka ngumiti, "Perfect."

Napahawak ako sa leeg ko. May nakasabit doon maliit golden key. "E-eh?" hindi ko man lang naramdaman ang kamay nya.

"Ikaw lang ang may kayang buksan ang puso ko. Kung mawawala mo 'yan, hinding hindi mo na ulit ito," sabay hawak nya sa dibdib nya, "mabubuksan." Then he playfully smirked.

"Thank you, Kenji." Naiiyak kong saad.

"I don't deserve you but you choose me, so thank you." Saka nya ako hinila at hinalikan.

Hindi naman humihingi ng materyal na bagay galing sa kanya. Just this hug and kiss from him would be enough for me.


Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now