Chapter 17

12.7K 384 96
                                    

Doug at the Multimedia ;)

Chapter 17

Dati, halos isumpa ko si Doug dahil sa kapangitan nya.
Oo, bestfriend ko sya dati kahit na mukha syang tae, akala nya biro biro lang yung pagsasabi kong ang pangit nya kahit totoo naman, pero dayum! Look at him now! Ang gwapo! Tunay ngang may himala.

"Pussy!" Kinalabit nya ko sa ilong kasi natulala na pala ko.

Natauhan nalang ako nung banggitin nya nanaman ang endearment namin noon.

"Namu Doug! Wag mo na nga kong tawaging pussy!" Tinulak ko sya sa balikat at tumawa lang naman sya.

Pati pagtawa nya, ang gwapo na ngayon. Samantalang noon, ayokong tumatawa sya dahil tumatalsik sakin ng laway nyang amoy imburnal.
Pang commercial model na ng lysterine ang ngiti nya ngayon.

Anyare sa mukhang asong bestfriend ko?
Anyrare sa lalaking binubully ko noon pero tuwang tuwa pa?
Anyare sa kanya? Para na tuloy syang spring... hot nya eh! Hahahaha.

"Haha. Biro lang Kobe" inakbayan nya ko at sabay kaming humarap kila kuya.

May awww sa mukha nila. Animoy nakakita ng perfect coupl---- shit! Number 1.0 at 1.1 shipper nga pala namin ni Doug tong si kuya Dwayne at Derrick! Kaya pala halos ibugaw na nila ako!

Agad kong tinulak si Doug palayo sakin.

"Hanggang ngayon, ang cute cute nyo parin." Ani kuya Dwayne bago nakipag apir kay kuya Derrick. Nag roll lang ako ng mata.

"akyat na ko. Magpapalit pa ko ng damit" paalam ko bago tumungo sa hagdan.

"Baba ka agad ha!" Pahabol ni kuya derrick at nakatalikod naman akong tumango.

Matapos kong magbihis, humarap ako sa salamin para tignan ang sarili.
Nakita ko ang medyo namumugto ko pang mga mata dahil sa nangyari kanina.

May kirot akong nadama sa puso ko sa kaunting ala-alang yun pero agad ko iyong pinalis. Ayokong isipin sya.
Ayokong istress ang sarili ko kaiisip sa kanya.
Tama lang na nandito si Doug, bubullyhin ko nalang ulit sya para may pagkalibangan ako.

"San ka nagst-stay?" Tanong ni Kuya Derrick kay Doug nung makababa ako ng hagdan. Agad naman akong dumiretso sa single seater na butas butas naming sofa na nakapwesto sa harap ni Doug.
Nagtama ang mga mata namin at ngumiti sya bago sumagot kay kuya.

"Dyan sa lumang bahay namin ni nanay." Sagot nya. Tumaas naman ang kilay ko.

"Eh sira sira na yung bahay nyo! Bat dun ka pa titira?" Tanong ko na sinang-ayunan naman nila Kuya.

"Para malapit ako sa crush ko!" Kumindat sya sakin at inirapan ko naman sya.

"yak! Kahit gwapo ka na ngayon, di parin kita type noh!"

Dati pa yang nagtatapat ng pag ibig nya sakin pero tungunu, sa t'wing ginagawa nya yon, pinaninindigan talaga ako ng balahibo!
Ikaw ba namang magustuhan ng engkanto! Tignan natin kung di ka mabalisa!

"Sa tingin mo gwapo ako?" may kislap sa asul nyang mga mata.
Nag "yieeeeeee" naman yung dalawa kong baliw na utol kaya napangiwi ako.

"Oo. Ikaw na ang pinaka gwapo sa lahat ng pangit na kilala ko. Tsaka wag nyo nang baguhin ang usapan, bakit ka nga dyan titira sa bahay nyong sira sira? Di ako naniniwala sa dahilan mo! At isa pa, wala jan ang nanay mo diba? Nasa probinsya nyo?"

Nakangiti lang sya na tila naaamuse sakin. Taena nya.... kinikilabutan ako sa kagwapuhan nya!

"I was just kidding. May condo ako, bigay ni dad. Dun ako magst-stay hanggang sa makagraduate ako ng college" sagot nya.

At The Age Of 18 (complete)Where stories live. Discover now