LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 6-

1K 16 2
  • Gewidmet Analou Pareja
                                    

-Chapter 6-

ALAS SINGKO Y MEDYA pa ay gising na si Katharina. Dahan-dahan siyang bumaba patungo sa kanilang kusina. Dahil madilim-dilim pa ay ini-on niya ang switch na nasa dingding upang lumiwanag ang kanilang kusina. Nagkalat ang liwanag at nasulyapan niya ang mga sangkap para sa cupcakes na kanyang gagawin na siyang dahilan upang mapangiti siya.

Isiunot ng dalaga ang kanyang apron saka ipinusod ang kanyang buhok at binalot ng hairnet. Pagkatapos ay inumpisahan ng batihin ang mga itlog, nilagyan ng tubig ang harina at saka hinalo pa ang ibang sangkap. Matapos paghaluin ang mga iyon ay kinuha niya ang stainless steel na hulmahang matagal ng nakatago sa kanilang gas range. Hinugasan niya muna ang mga iyon at pinatuyo gamit ang malinis na basahan. Nang masigurong wala ng bahid ng tubig ang mga iyon ay isa-isang isinalin ang mga sangkap na kanyang hinalo kani-kanina lang gamit ang isang maliit na tasang pansalin. Ilang sandali ay tapos na siya kaya isinalang niya ang mga iyon sa loob ng gas range saka pinindot ang timer at naghintay hanggang sa maluto ang mga iyon. Makalipas ang tatlumpu’t minuto ay tumunog ang gas range hudyat na luto na ang mga cupcakes. Inalis niya sa pagkakasalang ang hulmahan at inilapag iyon sa lababong gawa sa tiles. Nasiyahan ang dalaga sa kanyang mga nakita. Maingat niyang pinalamutian ng icing ang cupcakes  at ng matapos ay isa-isang inilagay sa cake box na binili kahapon ang mga iyon.

“Sana magustuhan ito ni Hon. Paborito pa naman nun ang cupcakes na chocolate ang flavor” Saisip ni Katharina habang panay ang ngiti ng maalala ang nobyo. Pansamantala niyang itinabi ang cake box na may lamang cupcakes at nagbalak na pumunta sa bahay ni Patrick pagkatapos ng tanghalian.

----------------------------------------------

Kasalukuyang nagsho-shoot sina Brian para sa music video ng kantang “Obvious” na ni-record nila kahapon. Nasa tabing dagat sila ng araw na iyon at umaayon naman sa kanila ang panahon.

“One, two, three. . Take one! Action!”

Pagkatapos sumigaw ng direktor na si John Graham ay nagsimulang romolyo ang camera. Pumailanlang na ang kanta saka nagsimulang mag-lypsinc si Shane sabay kilos ng mga kamay nito na ayon sa sinabi ng director. Nagkukulitan sa isang tabi ang apat na binatang kinabibilangan ni Brian habang hinihintay ang kani-kanilang parte.

“And cut!”

Natigil na sa pagkukulitan sina Brian ng muling marinig ang sigaw ni John. Narinig nilang tinawag nito si Kian at inutusang sumampa sa asul na bangka na siyang isisingit nito parte ni Shane habang kumakanta. Kaagad na tumalima ang binata at sinunod ang utos ng direktor.

“Lads, look at Kian! He looks like a fisherman! Well, the most handsome fisherman.”

Pagkatapos magsalita ay napabunghalit ito ng tawa si Brian habang kausap sina Mark at Nicky kaya nahawa na rin ang dalawa sa kanya.

“Yeahabsolutely! John should’ve included a mermaid in that scene!” sagot naman ni Nicky sabay tawa. Nakitawa si Mark at nakipag-apir sa kanilang dalawa ni Brian pero hindi ito nagsalita.

Kaagad na nahulaan ni Kian na siya ang pinag-uusapan ng tatlo. Nais niya na rin sanang bumunghalit ng tawa ngunit ibayong pagpipigil ang kanyang ginawa sa takot na mapagalitan ng kanilang direktor. Hanggang sa matapos na sila sa parteng iyon.

“Hey lads! Were you talking about me while I was in that small ship?” Kunwari ay nakakunot ang noong tanong ni Kian.

“Yes, dude because you looked like a fisherman while you were riding that blue small ship! The scene only lacks a mermaid!” Ani Mark sabay halakhak. Nahampas na lang ng binata ang kaibigang nagsalita dahil kahit siya’y natatawa sa ayos niya kanina.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt