Chapter 21

4K 172 19
                                    

"May problema ba?" Tanong ko kay Alden dahil kanina pa sya tahimik.

Pauwi na kami nun sa bahay.

"Nothing, I was just thinking some other things." Aniya at tutok lang ang atensyon sa pagmamaneho.

Kaninang nag uusap kami ni Dylan eh naging palagay na yong loob namin sa isa't-isa like I'm having a new friend, pinag-uusapan din namin kung anong hakbang ang gagawin namin para magkaayos ulit sila ni Julie.

Well, lahat ng suggestions ko eh kinokontra nya. Kesyo hindi daw sya ganun at hindi nya daw kayang gawin. Nasigawan ko nga.

Aba, kung gusto nyang magkaayos sila eh kelangan nyang gawin yong mga bagay na out of the box.

Tumahimik din naman sya nun at nakuha 'yong punto ko.

"You're smiling." Alden noticed.

"I remembered something." Nakangiting wika ko kaya lang napawi agad ng mapansin ko 'yong mukha nya na gusot na gusot.

He's really in the bad mood.

Nung makarating naman kami kami sa bahay eh di pa rin nagbabago 'yong timpla nya.

He's still cold.

Ni hindi nya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan na lagi nya namang ginagawa.

Nasaktan man eh pinili kong wag na lang isipin yon. Baka lang kasi may nangyari lang na di maganda sa kanya ngayong araw.

Dere-deretso syang umakyat ng kwarto, ako naman eh sumunod.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko ng makitang inaayos na nya 'yong higaan nya.

Matutulog na sya.

"Busog ako." Padabog nyang sagot.

Again, I did not comment.

Narinig ko namang tumunog yong phone ko nagpapahiwatig na may teks ako. Nandun banda sa side table malapit sa hinihigaan ni Tisoy.

I did check it.

It was a text from Dylan.

Asking me kung busy ba ako na nereplyan ko naman agad. After nun eh pumasok na ako ng banyo para mag half bath at nagbihis.

Paglabas ko ng banyo eh cheneck ko ulit ang phone ko kung may reply.

Medyo nagtaka pa ako nun dahil nakailaw yong phone ko ngunit wala kahit anong teks o notification man lang.

Hinayaan ko na lang din.

Nung tiningnan ko naman yong asawa ko eh mahimbing na 'yong tulog.

Hindi na rin ako bumaba.

Nawalan na ako ng gana para kumain.

Instead, pinag aksayahan ko na lang ng oras 'yong phone ko sa kakalaro ng games.

Tumunog naman ulit 'yong phone ko tanda na may teks ulit.

Si Dylan ulit.

He sent me a 3 question marks kaya ginantihan ko din ng reply na question mark.

You didn't reply to my last text.

Hello? You sent me 3 question marks so I replied question marks too.

No, before that.

Huh?

Iniscan ko naman 'yong teks nya.

'Yong nasa convo lang naman namin before that question mark eh yong reply ko.

Pinaalam ko naman sa kanya yon na wala na akong ibang natanggap.

Forced MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon