A not-so-called happy ending

28 1 0
                                    

Araw araw pagpasok mo sa school, lalapitan ka nya, ngingitian, tatabi sya sayo at kkwentuhan ng kung ano ano.


Kahit yung mga bagay na wala lang may maikwento lang sya sayo at . . .


Humaba ang conversations nyo.



Yung habang tumatawa sya, titingin ka sa kanya at mangingiti sa ganda nang mga tawa nya.



Yung titingin ka sa kanya, pero nakatingin na pala sya sayo.






Yung feeling na hindi kayo, pero parang kayo?



Sabay na maglunch at panay na inaasar ng mga kaibigan nyo.



Sabay uuwi . .

Sasakay ng jeep at habang umaandar yung jeep ibbigay nya sayo yung isang headphone tas bigla ka na lang kikiligin kasi ang kanta ay 'Jeepney Lovestory' biglang ppreno ng malakas tas mapapahawak ka na lang sa mga kamay nya, sabay banat nya nang . . .






Kumapit ka nang maigi. Baka ka mahulog."





Tas sasabihin mo na lang sa sarili mo na . . .



Wala eh. Nahulog na ako"






Uuwi ka sa bahay nyo,

Magkatext lang kayo buong magdamag.

Yung mukha ka nang tangang nangingiti. Basta, ang kulang na lang ay ang manligaw sya, um-oo ka at maging kayo na talaga.





Kaso dumaan ang ilan pang araw,

Bigla na lang syang nagbago, hindi na sya tumatabi sayo at worst di ka na nya pinapansin.


Uuwi ka, maglalakad, kakain, sasakay ng jeep nang mag isa.



Wala na yung kantang love story, wala na yung mga banat nya.

Mahihiga ka sa kama mo, inaalala kung anong nangyari, hinihintay na umilaw ang cellphone mo at pangalan nya ang lumitaw, pero wala. Umasa ka lang pala.





Pero, nag vibrate ang phone mo, excited kang kinuha ito ngunit nadismaya nang hindi makita ang inaasahan mo.


Sinagot mo ang tawag mula sa bestfriend mo


Oy best! Boyfriend ko na sya. Hahahaha. Ang saya ko alam mo yun? Nagpapatulong pala sya say-----"



At ayun, patuloy na aagos ang luha mo, yayakapin ang spongebob na unan na kalapit mo, mapapapikit ka na lang dahil sobrang sakit tas mapagtatanto mo na ang pagpikit lang ng mga mata mo ang maituturing mong happy ending.





__The End___

Pag ibig na kaya.Where stories live. Discover now