LOVE 36: HIS SAD SITUATION

17.8K 317 25
                                    

LOVE 36: HIS SAD SITUATION

 

GELO's POV/SUAREZ' POV

Gaya nga ng inaasahan ko, nagalala ng husto si Megumi sa akin. Pagdating niya sa bahay kagabi, bigla nalang niya akong niyakap sa labis na pagalala. Naiyak pa siya nang makita na nakabenda ang kamay ko. Buti nalang naniwala siya sa palusot ko na namamaga lang ito kaya ko binenda.

Magkasama kami sa bahay ni Megumi. Kasama din namin dito si Argie. Yung demonyong tatay naman ni Megumi ay nasa Japan.

Malaya pa akong nakakagalaw ngayon, pero hindi ko nalang alam kung anung magiging reaction nang matandang yun pag nalaman niyang nakakasama namin ang fiancee ko. Hindi ko alam ang mga pwede niyang gawin, kaya kailangan ko pa rin na mag-ingat sa bawat kinikilos ko.

"Sure ka bang okay na yang kamay mo? Kung wala ka nalang kayang pumasok." sabi sa akin ni Megumi. Kanina pa niya ako sinasabihan ng ganyan. Nandito na kami sa University, pero nangungulit pa rin siya.

"I'm perfectly fine. Don't worry." sabi ko sa kanya tsaka ko siya nginitian para maniwala naman siya "Sige na pumasok ka na, magstart na klase mo."

"Masyadong O.A lang talaga itong bestfriend ko. Uy Megumi! Hindi yan kindergarten. Pasok na dali!" sabi ni Argie sa kanya na nauna ng pumasok sa room nila

"Sige Gelo, papasok na ako. Ingat ka, okay? I'll see you later. I love you." sabi niya tsaka halik sa pisngi ko

Nginitian ko nalang siya tsaka na siya pumasok sa loob. Sigh! Ang hirap magpanggap na maging mabait sa anak ng taong kinamumuhian mo. Kung hindi lang mabait yang si Megumi baka nadamay na siya sa galit ko sa tatay niya, pero kung tutuusin siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon.

Napangiti naman ako bigla nang makita kong parating si Camille. Agad akong bumaba para mas makita siya ng malapitan.

"Ang ganda mo talaga." sabi ko habang nakatitig sa kanya at nakatago dito sa may pader. Madalas ko itong ginagawa. Para nga akong secret admirer sa gawain kong ito.

Kasama niya si Jake, mukhang sinundo siya sa bahay nila. Hawak pa nito ang bag at mga gamit ni Camille.

"Sinabi ko ng bawal ngumiti sa iba." sabi ko habang tinitignan ang palitan nila ng ngiti sa isa't isa

"Ganda ng view noh?" umayos naman ako ng tayo ko nang makita itong si Jonas sa tabi ko "Oh, talagang naconscious ka pa sa ginagawa mo? Haha."

"Pakialam mo ba?" sabi ko tsaka na lumakad. Ang aga-aga namang istorbo ng isa to.

"Saglit lang tol." sabi niya na nakuha pa akong akbayan

"Problema mo?"

"Gusto mo makausap si Cams? Ayoko yatang nagiging mas malapit yung dalawang yun."

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon