[22] Bagong Umaga

519 5 2
                                    

[22] Bagong Umaga

Inaalay ko sa: bagong umaga na sumalubong sa akin pagkatapos kong makabawi sa isang linggong puyat. (Hay, salamat. Nakatulog din nang maayos. :D)

Ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa aking balat

ay ang kauna-unahang gumising sa akin at sa mata ko'y nagpamulat.

Katahimikan ng paligid ay unti-unti nang napapalitan ng ingay,

mula sa boses ng aking ina at kuya hanggang sa radyo ng kapitbahay.

Ilang ikot pa sa higaan ang aking ginawa

bago tuluyang magdesisyon na bumangon na.

Isang bagong umaga ang sa akin ay sumalubong

para paalalahanan akong ang buhay ay patuloy na sumusulong.

Ilang sandali pa'y umiinit na ang sinag ng araw

at ang mga tao sa paligid ay isa-isa nang lumilitaw.

Ang iba'y sa isang kanto kaagad ang diretso,

samantalang ang iba'y kanina pa nagbabanat ng buto.

"Ang araw na ito ay paano ko sisimulan?"

"Pupunuin ko ba ito ng kasiyahan o kalungkutan?"

"Maghapon na naman ba akong magbababad sa telepono?"

"O, kikilos din ako sa bahay para makatulong kahit paano?"

Minsan ba'y naitanong mo rin sa sarili mo

ang mga tanong na binanggit ko?

Sa pagkakataong ito'y gusto kitang makilala,

paano mo sinisimulan ang isang bagong umaga?

November 21, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now