Kabanata 5

1.4K 69 2
                                    

Hollyboard City

Chester's Pov


Doon ko na lang naliwanagan ang lahat. Ang tanong sa isip ko kung totoo ba noon ang mga nangyari sa amin. Doon ko na lang nalaman ang sagot. It's just a bad dream. Kung totoo man iyon ay dapat patay na sana si Krisanta dahil tulad ng sinabi ni Harlyn noon sa akin sa aking panaginip siya pa mismo ang pumatay sa kanya.


Naka-upo lang kami doon habang umaandar ang track. Wala ni isang nagsasalita sa amin at lahat ay tahimik. Ang maririnig mo lang ay ang galing sa labas sa dinaraanan namin. Malalaman mung nasa batuhan kami dahil sa kilod palang ng track ay hindi na maayos.


"So what is the plan now?" tanong ni Ken.


Nagkatinginan kaming lahat. Napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin namin. Isa lang kaming mga normal teenager na naglalakbay sa gitna ng kamatayan. How we suppose to survive in this case?


"Ang kailangan lang natin ay humanap ng pansamantalang matutuluyan. Yung mas safe tayo." ani Carnleigh.


Tumango kaming lahat. Binuksan ko ang pintuan ng track. Bumungad sa amin ang kapunuan at lubak-lubak na daanan. Paano kami makakakita ng matutuluyan dito sa ganitong lugar?


"Asan na ba tayo?" tanong ko sa kanila.


Inilabas ni Logan ang mapa na nasa bulsa niya at tinignan kung nasaan kami. Lumapit ako sa kanya at tinignan rin iyon. Itinuro niya ang isang lugar.


"Malapit na tayo sa city. Be ready." aniya.


Tumango kaming lahat at isinukbit ang mga bag namin. Ibinigay ni Carnleigh ang isang armalite sa akin. Kaya naman ang hawak kung pistol na baril ay ibninigay ko kay Krisanta bilang proteksyon nito.


Hindi ko na natanong sa kanya kung ano ang nangyari sa iba pa naming mga kaklase. Siya lang ba ang nakaligtas? o baka sa paglalakbya namin ay mahahanap namin pa ang iba pa naming mga ksama, sana nga.


"Welcome to the Hollyboard City." pagbabasa ko sanakasulat sa itaas ng lugar.


Parang pamilyar ang lugar na ito. Narinig ko na ito isa sa mga kaklase namin. Pilit akong pumikit para alalahanin iyon pero hindi ko kaya, maslalong sumasakit ang ulo ko. Kumikirot ito at hindi ko alam kung bakit.


"Di-dito nakatira sila Harlyn, Reynalyn, Mariela at Rica." anunsyo sa akin ni Krisanta.


Tama nga ako, narinig ko na itong lugar na ito isa sa mga classmate ko.


Napatingin ako kay Krisanta at nginitian siya. Andito nanaman kami, sila nanaman ang mga kasama ko, tulad rin ito sa panaginip ko sa mga nangyari pero ang pinagkaiba lang ay ang nangyari noon ay hindi totoo pero ang mga nangyayari ngayon dito ay totoo na ito. Mas mahirap ito at hindi namin alam kung malalagpasan ba namin ang trahedyang ito.


Inihinto ni Drake ang sasakyan sa kalagitnaan ng City. Tulad kanina ganun din ang itsura nito. Wala ni isang tao ang lumalabas. Nagliliparang mhga papel at mga kotse na nagbabangaan habang may apoy sa paligid.

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon