[50] Bitter

3.6K 173 112
                                    

E L L A

Iniwanan ko muna si Xander doon. Ayoko sana na iwanan siya kaso inis na inis na talaga ako kay Tess, e. Baka makasakit pa ako kapag nagtagal iyon.

Mapagkakatiwalaan ko naman si Xander, e. Alam kong kaya na niyang i-handle iyon, baka kasi may magawa lang akong masama kapag nagtagal na magkaharap kami ni Tess.

Ang kapal kasi ng mukha, e. Kung may hiya talaga siya, hindi na niya pipilitin si Xander.

Matagal pa 'yung vacant namin kaya hindi muna ako dumerecho sa classroom.

Naglalakad lang ako nang may makasalubong ako. Kaagad ko siyang nginitian at ganun din siya sa akin.

"Hazel" bati ko.

"Oh, wala kang klase?" Tanong niya. Umiling lang ako.

"Ikaw ba?" Tanong ko.

"Mamaya pa" sagot niya habang tumingin siya sa likuran ko. "Hindi mo kasama si Xander?"

"May inaasikaso" walang gana kong sagot.

"Sama ka muna sa akin? Tutal parehas naman tayong walang ibang gagawin" tanong niya at tumango na lang ako.

Ang weird talaga dahil kung mag-usap kami ni Hazel ngayon ay para ba na walang naging problema sa amin dati. Nakakasama ko rin naman si Hazel noong time na wala si Xander, friends naman na kami.

Kaso nga lang medyo awkward sina Abigail at Pau sa kanya dahil nga sa naging away namin. Neutral naman si Troy at Elmo tapos ang awkward nila ni Liam. Hindi ko rin naman sila masisisi.

Nagpunta muna kami ni Hazel sa canteen. Naupo muna ako sa unang bakante na upuan na nakita ko habang bumili muna si Hazel ng drinks para sa amin.

"My treat" sabi niya pagkabalik niya habang nagpasalamat naman ako.

"Kamusta na kayo ni Xander? May progress na ba?" Tanong niya.

"Kababalik lang naman niya, e. Wala namang nabago" sagot ko.

"Really? Expected ko tatanungin ka niya kung kayo na once na makabalik siya" sabi ni Hazel.

Bahagya naman akong natawa. "Well, supposedly ay ganoon na nga dapat kaso binawi niya"

Mukha namang nabulunan itong si Hazel sa sinabi ko. "Ano?! Bakit naman niya babawiin?" Tanong niya.

"Nasira 'yung moment, kaya ayun... Nawalan ng gana, next time na lang ulit" natatawa kong sinabi.

Napailing na lang itong si Hazel. "I don't know about Xander, iba talaga" natatawa niyang sinabi.

Nagkibit balikat na lang ako. "Baka hindi pa talaga time, hindi naman kami nagmamadali so okay lang"

"If I were you, 'wag niyo nang pagtagalin" sabi ni Hazel at napatingin ako sa kanya.

"Pagtagalin?" Pag-ulit ko.

"'Yung panliligaw" sagot niya. "I know na importante 'yung stage ng panliligaw but mas importante 'yung magiging relasyon niyo"

"Hazel..." Kokontra sana ako pero sumenyas siya na tumigil ako.

"Look Ella, eight months akong niligawan ni Liam... Eight months pero nag-break din kami, nagtagal naman kami kahit papaano" sabi niya.

Natigilan naman ako bigla. "Hindi naman kayo magbre-break kung hindi dahil sa akin, e" naiilang kong sinabi.

Natauhan naman bigla si Hazel sa sinabi niya. "Ah, I don't mean it that way Ella" sabi niya. "Ibig kong sabihin lang ay hindi makakaapekto 'yung tagal ng panliligaw sa tagal ng relationship" paliwanag niya. "'Yung iba nga mas matagal pa ang panliligaw, e"

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Where stories live. Discover now