8. Annoyed

123 12 0
                                    

Annoyed

Jasmine's POV

"What! Ang daya naman eh! Bat hindi niyo ako hinayaang mamili ng kapartner!" Pagmamaktol ko kay Maam Lina. Ang daya naman talaga eh, dapat may choice rin ako. Psh. Kainis!

"It's your fault! Kung hindi ka sana umalis at ipinahiya ako sa klaseng ito eh, nakapili ka sana ng magiging kapartner mo!" Panenermon niya sa akin. Eh kasalanan naman talaga niya eh!

"Bakit Jasmine? May problema ka ba sa kapartner mo?" Tanong niya. Yeah, malaking malaki! Kasi naman eh!

"Nothing!"

"Okay then! Go find your seat now!"

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Kainis naman kasi eh, bakit siya pa? Bakit!

Wondering kung sino? Si Sean! Ghaaad! Pero siguro okay na rin yun. Diba? Makakasama ko siya at mas makilala. For what? Kailan kong alamin kung sino talaga siya. Just because of his goddamn tattoo on his chest!

"Why are you late again!" Sigaw ng teacher ko. Wooah! Nagulat ako dun ha. Pero mas nagulat ako sa bagong dating lang na estudyante. Oh my god! San siya uupo? Sana wag sa tabi ko!

"Whatever!" Cold niyang sagot saka inirapan ang teacher namin. Naghanap na siya ng mauupuan niya. And unluckily, yung nasa tabi ko na lang ang vacant seat.

Nooo! He cant sit here! Inilagay ko agad ang bag ko sa tabi ng upuan ko at nilagyan ng note na 'bawal umupo dito! reserved!' saka ibinalik ang atensiyon sa teacher naming galit na galit na nakatingin kay Sean.

"Hindi ka pa ba uupo!" Sigaw ulit ng teacher namin. She's really getting loud now! Huh! Inirapan lang siya ni Sean at tinungo ang upuan sa tabi ko.

Hindi ko pa rin siya pinapansin habang papunta na siya sa akin. I mean, sa tabi ng inuupuan ko. Nasa harap ko na siya ngayon at tinitignan ako, Pwee! I mean yung vacant seat sa tabi ng inuupuan ko.

"May nakaupo ba dito?" Tinapunan ko lang siya ng tingin saka ibinalik ulit ang atensiyon sa teacher namin. "Can't you see? 'Reserved' " Sabay turo ko sa note.

Kinuha niya ang sticky note saka itinapon "Hey! Hey! Wait! That's my bag!" Kung hindi ko pa sana siya napigilan eh, itatapon niya rin sana ang bag ko.

"Nagbabayad ba ang bag mo ng tuition dito?" Masungit niyang tanong. Waah! Nakakahiya! Eh, ayoko kasi siyang katabi! "Pakialam mo ba!"

Hinayaan ko siyang unupo sa tabi ko, wala namang masama diba? Masyado lang ata akong O.A . Nag explain lang naman ang teacher namin about sa project na pianapagawa niya. Dapat daw maganda at kapaki-pakinabang daw yung invention namin kasi dadalaw dito ang mga sikat na scientist at open daw ang school na 'to sa Science Festival.

"Sige, hahayaan ko kayong mag-usap ng partner niyo kung ano ang ipe-present niyo this coming Science Festival, dapat may maisip na kayo ngayong araw para walang magkakapare-pareho, at ie-explain niyo yung ipe-present niyo sa science festival ngayong araw sa harap ng mga kaklase niyo. Okay?" What! Wala akong maisip! "Go to your partners now"

Nagsimula nang magsitayuan ang mga kaklase ko at pumunta sa kaniya kaniya nilang mga partner. Kami? Wala lang. Nakaupo lang kami at nagmumuni-muni.

"So?" Pambabasag niya sa katahimikan namin. Yes, amin lang! "So, what?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Anong plano mo?" Anu daw? "Plano? For what?"

"Ugh! You're getting on my nerves!" Sigaw niya. Problema nito? Kainis!

"Problema mo ba? Well, you're getting on my nerves too! Kung magtatanong ka kasi gawin mong specific! Hindi naman sa slow ako ah, pero marami akong plano! Intindi? Ano? Sagot!" Sagot ko sa kanya. Nakakainis na ah! Kanina pa niya ako iniinis.

"Nag-aaway ba sila?"

"Ang tapang niya"

"Siya palang ang nakakasigaw kay Sean, kahit si Shierra hindi niya pa ata nasisigawan si Sean"

Bulong-bulungan ng mga classmates ko, sht! Kainis naman kasi! Ano ba ang problema niya? At sinong Shierra? Ang lakas ng loob nilang ikumpara ako sa kaniya.

"Magagalit ka na lang ba jan hanggang mamaya, ha? Wala ka bang balak mag-isip ng ipe-present natin?" Bulong ko sa kaniya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay saka inilapit ang mukha sa akin. Hala! Anong gagawin nito?

Bago niya pa gawin ang gagawin niya...kung meron man! Basta, ay sinapak ko na agad siya. Ugh! Kainis naman talaga!

"Bat mo ko sinuntok?" Galit na sigaw niya sa akin. Halata na ang galit sa mga mata niya. Oww. Should i be scared now? Bastard!

" 'cause I want to!" Naka poker face kong sagot sa kaniya. Hindi dapat ako magpakita ng takot sa kaniya--- kasi hindi naman ako takot.

Sa tingin niyo talaga matatakot ako? Paano na lang ang company at underground business namin, kung madali akong masindak at sumuko? Hindi ko hahayaang masira ng ganun na lang ang pinaghirapan ni Mama ng ilang taon, ang organisasyong iningatan niya, inalagaan niya. Hindi ako makakapayag.

"Nakikinig ka ba?" I'm spaced out again, isa pa tong lalaki na 'to ah! Nakakairita na kanina pa niya ako sinisigawan.

"Bakit mo ba kasi ako sinisigawan? Ha!... At bakit mo ba inilapit ang mukha mo sa mukha ko!" Sigaw ko sa kaniya bago ako tumayo para maging magkalebel kami, pero matangkad siya eh, kaya hanggamg balikat niya lang ako.

"Eh kasi! Hahahaha! Hahaha!" Aba't ang lakas ng loob niyang pagtawanan ako ha. May nakakatawa ba? Wala naman diba?

"May nakakatawa? At bat mo ako pinagtatawan?" Ahhh! Naiinis na talaga ako! Bwiset sya!

"Gusto ko lang naman sabihin sayo na Hahahaha! Hahaha! Na may! hahaha! M-muta ka! Hahaha!" Nakakahiya! Bwiset! Nakakapikon na talaga siya. Hindi ko na to kaya!

"Ugh! Bwiset ka!" Sambit ko bago ako tumakbo palabas ng classroom.

Kainis! Pinahiya niya ako sa maraming tao!

Tumakbo agad ako papuntang CR para ilabas lahat ng galit ko--- at tignan kung may muta ba talaga ako.

Pagpasok ko sa CR ang daming babaeng nagchi-chismisan sa wala namang kwentang bagay. Puro kaartehan lang naman! Kaartehan na hindi naman nababagay sa kanila.

"Get out! I don't wanna see your ugly faces! Bitches!" Mukhang nagulat naman sila sa pagsipot ko kaya agad silang umalis. And now, this is my time.

"Ilabas mo na lahat Jasmine, go!" Bulong ko sa sarili ko.

"I hate you!" Sigaw ko na parang kausap ko siya--- Si Sean. Wala naman sigurong makakarinig diba?

"I really hate you, nakakainis ka! Nakakabwiset! Tama nga sila masasama kayong mga Santiago, mamatay tao kayo! Maybe kami rin. Pero hindi kami pumapatay ng mga walang kasalanang tao! Akala mo talaga gwapo ka noh! Hahaha. Asa ka!" Sa sobrang inis ko ay nasuntok ko ang salamin dahil sa punyeta kong imagination na iniisip kong si Sean ang nakikita kong reflection sa salamin.

Bumuntong hinga muna ako bago lumabas ng CR. Dumeretso agad ako sa kwarto at hinayaan ang kamay kong may sugat.

-
"Oh my god! What happened?" Tanong ni Eli, matapos niyang makita ang kamay ko.

"It's nothing" saka ako pumasok sa CR at inayos ang sarili.

"You'll gonna pay for this! You'll gonna payfor what your family did to my mother! Remember that!" Bulong ko sa sarili saka tuluyang nagpahinga.




-
Hey! Suup? Bwahaha. Vote and comment!

Mafia princess meets Mafia prince (on-going)Where stories live. Discover now