CHAPTER 24

1.4M 30.2K 6.2K
                                    

CHAPTER 24

ABOT-ABOT ANG KABA ni Lath habang isinusuot ang itim na tuxedo at nakaharap sa salamin. Was this what it felt like to get married? Hindi niya iyon maramdaman noong sapilitan niyang ikinasal ang sarili kay Haze.

Now... he was feeling jittery.

Humugot siya ng isang malalim na hininga. "This is it."

Tinapik-tapik ni Lash ang balikat niya. "Ready, brother-mine?"

Huminga na naman siya nang malalim. "Ready na ako. Matagal na."

Lash chuckled as he shook his head. "Feeling nervous?"

"Kinda." He was actually feeling worried too. "Paano kung hindi ako siputin sa simbahan ni wifey? Good God, mababaliw ako sigurado."

Tumawa si Lysander na nasa loob ng kuwarto kung saan siya nagbibihis. "Si Lath Coleman, the wicked and trickster, kinakabahan?" Napailing-iling 'to. "Baka maihi ka riyan."

He showed Lysander his middle finger. "Gago. Tatanggalin kita bilang groom's men ko."

Tinawanan lang siya ni Lysander, saka sumabad naman si Lash.

"Pinapalabas na tayo ni Mommy," wika ni Lash na iwinawagayway ang cell phone. "Halika na kayo."

Kinakabahang inayos ni Lath ang tuxedo, saka lumabas ng kuwarto niya at nagtungo sa beach kung saan gaganapin ang kasal nila.

It was a simple wedding. Tanging kapamilya at kaibigan lang nila ang imbitado.

Hindi na makahinga sa kaba si Lath habang naglalakad sa aisle. Shit! Baka bigla siyang mahimatay roon, nakakahiya. That would be so embarrassing. Nahimatay na nga siya nang malaman niyang buntis si Haze, pati pa ba sa kasal nila?

Nang makarating sa gilid ng altar, inakbayan siya ni Lash. "Take a deep breath and don't loss consciousness, brother-mine. Nakakahiya. Okay?"

Tumango siya, saka tumingin sa dulo ng aisle. His breath was caught in his throat as his eyes settled at his beautiful wife. Maikli lang ang belo sa unahan ni Haze pero mahaba ang laylayan sa likod. Hinihila rin nito ang mahabang gown at hindi niya maiwasang mag-alala.

She was pregnant, damn it. Paano kung makunan ito dahil sa haba ng damit? Shit! Baka mapatay niya ang tumahi sa damit nito. He should have let her wear something short and light. Maybe a two-piece?

Nah. His wife's body was for his eyes only. Walang puwedeng makakita, siya lang.

Hindi namalayan ni Lath na nakalapit na sa kanya si Haze. Napakurap-kurap siya at tinanggap ang kamay nito nang iabot iyon ng ama nito sa kanya.

"Alagaan mo ang anak ko o tatagain kita," pananakot nito.

Natawa siya. "Opo, 'Tay."

"Mabuti."

Pinagsalikop niya ang palad nila ni Haze, saka hinalikan sa mga labi ang babae nang hindi itinataas ang belo nito.

Tumikhim and ama ni Haze. "Gusto mong maitak? Patapusin mo muna ang kasal."

Pareho silang natawa ni Haze, saka humarap sa pari.

"Umpisahan n'yo na po, Father," sabi niya sa pari. "Para maiuwi ko na 'tong asawa ko."

Natawa ang pari at inumpisahan na ang kasal. Mabilis na nag-I do siya sa tanong ng pari at ganoon din ang naging tugon ni Haze.

Humugot ng isang malalim na hininga si Lath, saka isinuot ang singsing sa daliri ni Haze. Ang kaparehong singsing na sinuot nito sa daliri niya nang mag-propose ito sa kanya sa araw mismo ng kaarawan niya.

Time for my vow.

"Wifey..." Nginitian niya ito. "I vow to forever keep your heart in the safety box inside my heart. I vow to always keep you smile. Kahit pa nga pahanapin mo ako ng mansanas na hugis-parisukat, hahanapin ko kung 'yon ang magpapasaya sa 'yo. I vow to forever hold you in my arms, so tight. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. I am nothing without you. You are a vital part of my awesome life and I will choose you over my money, but please, don't made me. Ayokong mamulubi tayo, lalo na na kambal ang magiging anak natin." Nagtawanan ang mga bisita nila sa sinabi niya pero hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "I vow to be forever faithful to you and I vow to love you every day of my life."

Then it was Haze's turn to say her vows. Isinuot nito ang singsing sa daliri niya.

"I vow to love you for the rest of my life." Mahina itong tumawa. "O, huwag kang kiligin diyan."

He laughed. "Huwag mong pansinin, para hindi halata."

She rolled her eyes. "I vow to make you happy." Sinundot-sundot nito ang pisngi niya. "Huwag kikiligin."

"Huwag mo kasing pansinin," natatawang sabi niya.

Mahina itong tumawa. "And I vow to be forever by your side no matter what."

That made his heart flip. "I love you, wifey."

"I love you too, hubby."

Hindi pa nagsasabi na "you may now kiss the bride" ang pari pero magkalapat na ang mga labi nila ni Haze. Malalim na ang halikan nila nang sabihin ng pari na puwede na niyang halikan si Haze.

Too late, father, sabi niya sa isip, saka niyakap sa baywang ang asawa niya at inilapat ang kamay sa pang-upo nito.

Natawa si Haze at bahagyang pinakawalan ang mga labi niya. "Lath, nasa simbahan tayo," paalala nito sa kanya.

Pinisil pa rin niya ang pang-upo nito. "Wifey, isang linggo akong tigang dahil sa kasal natin." Kinindatan niya ito. "Time to make love."

"True," sang-ayon nito, saka humarap sa mga bride's maids. "Saluhin n'yo." She threw her bouquet of flower. Natatawang itinuro nito ang nakasalo ng bulaklak. "You're next, Grace."

Ngumiti lang ito, saka bumaling sa direksiyon ni Valerian na ngayon ay naglalakad patungo sa kanila.

"Valerian—"

"Give me the garter," he said. "Now."

Natatawang lumuhod siya, saka hinubad ang garter na nasa hita ng asawa niya at ibinigay kay Valerian. "O, hayan, isuot mo na kay Grace."

Nang makaalis si Valerian, hinapit niya palapit sa kanya si Haze at siniil ang mga labi nito ng mapusok na halik. Naputol lang 'yon nang may tumikhim.

"Congratulations." Boses iyon ng ama niya.

They stopped kissing and looked at his father. Kasama nito ang pamilya ni Haze.

"Reception na tayo," wika ng ama niya.

"Ahm..." Tumingin siya kay Haze at pilyong ngumiti. "Puwede bang pass na kami?"

Umingos ang ama ni Haze. "Reception o tatagain kita?"

Napakamot si Lath sa batok. "Tara na sa reception."

Tumawa si Haze at humilig sa balikat niya. "Takot ka talaga kay 'Tay."

"Hindi..." She rolled her eyes at him. "Medyo lang."

Haze laughed and kissed his cheek. "I love you."

He smiled lovingly at his wife. "I love you too, wifey." 


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon