Chapter 3

10 0 0
                                    

DENVER POV

Naku namaladragona na si Amanda akala ko bang malambing na bata 'to? Ba'tkung makasigaw para nakong lalamunin.Nagutom lang naman ako ah,bawal bang kumain ang nagugutom?.Sabi nga sa bibliya na "Ang nagugutom ay pakainin, ang nauuhaw ay painumin" diba?.

Ang tanga ko naman kasi kanina, bakit ba hindi ako umorder kanina,at anung pinagsasabi niyang lukarit daw? lukarit ba yung mga yun? ang bait nga sa'kin ng mga yun dahil pinaupo pa nila ako at kinausap pero ang isang 'to? iwan ko nalang,tinataboy nga ako eh ni ayaw akong palapitin.Ok lang kaysa naman lalapit nga ako pero ang mukha nakabusangot ang makikita ko o di kaya'y tutuklaw sa'yo.

"Hoy! nakikinig ka ba?! sabi ko iliko mo d'yan sa susunod na kanto."- parang nagising ako sa pag-iisip dahil sa pagsigaw niya.Nagmala dragona na uli siya.Sinunod ko ang sinabi niya na lumiko.

"Ihinto mo d'yan."-tinuro niya ang karenderya.

"Dito, sinyorita?"- di ko makapaniwalang tanong.

"Oo.Bakit, may problema?."- galit pa rin sya.

"Wala naman.Kaya lang di ako makapaniwala na kumakain ka pala sa ganitong lugar at sa yaman mong 'yan?."

"Eh sa gusto ko dito.Aangal ka?."

"Hindi!?, kaya nga sabi ko pasok na tayo eh."


Di ko alam na kumakain pala siya sa ganitong lugar, isang karenderya. Akala ko pa naman sa isang bunggalong restaurant ipapaliko niya ang sasakyan yun pala sa isang karenderya lang pala. Pagpasok namin sa loob umupo kami sa isang bakanteng mesa at agad namang may lumapit sa amin, siguro ako ito yung nagmamay-ari nito.Isang taong medyo pandak kung di ako nagkakamali ang tangkad nito di lalagpas ng 5' kumpara sa akin at malaki pa ang tiyan na kalbo at naka-apron pa siya.

"Hello po Miss Amanda,parang iba na ata ang kasama natin ngayon ah, hindi na yunh matanda."- ay kilala ang isang 'to dito? at anong matanda ang sinasabi nito?.

"Oo nga po, Manong.Siya po ang Personal Bodyguard ko si Denver. Alam niyo naman po Manong ang ama ko gusto akong bakuran kulang nalang pati ngipin.'- naka ngiti pang sumagot kanina lang parang dragon ngayon malaberhin na ang bait.

"Ah ganun ba? eh, hayaan mo na. Ano pala ang order niyo?."

"Sa'kin ganun parin po at pakidagdag nalang ng mango shake."

"Oh ikaw, hijo? ano naman sa'yo?."- pagbaling na tanong ng matanda sa'kin.

"Isang order ng minudo, isang fried chicken at samahan mo na rin ng pineapple juice at kanin, yun lang."- habang nagsasalita ako ay nililista naman niya ang order ko.

"Ok. Diyan lang muna kayo, kukuha lang ako ng inorder niyo."

Nang makaalis na ang matanda ay agad kong tiningnan si Amanda na ngayon may katext sa phone niya, parang napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya.

"Anung tinitingin-tingin no diyan ha?"- ayan tuloy nagkasalubong uli ang kilay.

"Di pa rin ako makapaniwala Sinyorita eh. Akalain mo sa isang karenderya ka pala kumakain akala ko sa isang restaurant na pang mayaman? at kilala ka pa dito ha."-sabi ko na nakatingin parin sa kanya at siya naman parang walang narinig sa sinsabi ko.

" Alam mo? ang dami mong satsat daig mo pa ang babae, eh sa matagal na akonh kumakain dito kasama si Manong Domy at ayaw ko sa mga restaurant na sinsabi mo, at kahit mayaman ako hindi ako pumipili kong saan kakain."- pagsabi niya na nagkasalubong ang mga ngipin at pinahinaan niya ang boses niya para kami lang makarinig.

"Ah, ganun ba. Eh di ok nga yun.'- pagsang-ayun ko para wala ng gulo.


Ilang minuto din nakalipas bago bumalik ang waiter na siyang nagmamay-ari pala.

"Ok, heto na yung pagkain niyo.Enjoy the meal."


Habang kumakain ay wala kaming imikan, ayaw ko namang magsimula sa usapan baka barahin ako nito o di kaya ikumpara sa babae.Ang gusto ko lang naman ay makikikala pa siya at maging panatag kami sa isa't isa di yung aso't pusa parati.Pagtapos kumain umalis kami at bumalik na sa eskwelahan niya dahil meron pa siyang subject na aatinan. At nanh makarating na kami agad siyang bimaba at sununod naman ako.


"Ahm, Sinyorita? pwede bang dito lang kita hihintayim sa Cafeteria."- agad siyang luningon dahil anauna siyang maglakad sa'kin.

"At bakit naman?"- ayan magjasalubong na naman ang kilay.

"Eh kasi inaantokko doon at wala nang gagawin kaya magpaalam na ako para naman h'wag kanang maghanap sa akin.."

"Ok sige."

"Pakiturn-on nalang ng GPS mo para incase- matrace kita."

"Walang kikidnap sa'kin dito sa loob."- nagmartsa na paalis.

"Incase lang Sinyorita, malay mo diba?."-paghahabol ko sa kanya.

"Okey."


"Bye, Sinyorita."



"Bye! h'wag ka sanang tso-tso-tso...."-hindi ko na marinig ang panghuli niyang sinabi dahil mahina na ito.





Pagkadating ko sa Cafeteria umupo ako sa bandang pinakagilid at sulok na mesa para naman wala akong maisturbo na estudyante.Pinakagilid na nga ako pumuwesto pero di parin maiwasan na mau nakatingin pa rin sa'kin. Ganyan ba talaga kapag gwapo?. Haist! sige na nga sabihin niyo ng mahangin ako pero yan naman talaga ang totoo eh. Gwapo nga ako pero si Sinyorita bakit hindi man lang naattract sa charming ko? hmm, bakit kaya?.Ganun pa rin ako kapag walang ginagawa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DENVER GALLARDO: security from obsession to possessiveWhere stories live. Discover now